Alexis' point of view Gising na gising ang lahat ng tao sa kastilyo kahit na ngayon ay hatinggabi na. Pinalabas ako ng hari sa meeting room dahil magkakaroon daw sila ng pribadong pag-uusap. Hindi ko pa nga naiku-kwento sa mahal na reyna ang lahat ng dapat kong sabihin. "Oh, ingatan mo 'yan. Madaling masira iyan." wika ng babae sa isang tagapagsilbi na may hawak na trolly. Abalang-abala ang lahat sa oras na ito, hindi ko alam kung ano ang nasa isip nila o ano ang inutos sa kanila ng hari't reyna, ang tanging bukang bibig lamang ng lahat ay ang kasal. Hay nako, lumulutang na naman ang isip ko dahil sa pangyayari kanina. "Kailangan bongga ang kasal," wika ng isa pang tagapagsilbi sa katabi niya, at dahil sobrang linaw ng aking pandinig, narinig ko iyon. Kung pwede ko lang sana i-mute an

