Alexis' POV Ang dilim... Ang init ng aking pakiramdam... Marahan kong binuksan ang aking mga mata, nasaan ako? Ano ang nangyari? Inilibot ko ang aking paningin ngunit dilim lamang ang aking nakikita. Bumangon ako at kinapa-kapa ang mga bagay na malapit sa akin upang magkaroon ako ng ideya kung nasaan ako at upang makalabas ako rito. Teka, paano ako napunta sa madilim na lugar na ito? Ang aking huling naaalala ay nasa paraiso kami ni Karma. "Reyna Alexis," isang umaalingawngaw na tinig ng babae ang nagpatigil sa akin. "S-Sino ka?" tanong ko sa gitna ng kadiliman. Wala pa rin akong makita, tanging dilim. Inililibot ko pa rin ang aking paningin kahit na wala akong makita. "Sumama ka sa akin," wika nito. Hindi pamilyar ang kaniyang tinig, hindi ko matansya kung sino nga ba ang nagsasal

