CHAPTER 18

1039 Words
Alexis' POV "Karma, natatakot na ako. Isang araw na akong hindi umuuwi, malamang sobrang nag-aalala na ang aking mga magulang," wika ko habang pabalik-balik sa silid na aking tinutulugan. Uwing-uwi na talaga ako. "Ito ay para sa iyong kapakanan, kamahalan." Wika niya. "May iba pa ba tayong paraan para ipaalam sa aking mga magulang na nandito ako sa paraiso?" Tinaasan niya ako ng kilay, "Ikaw ang may sabi na ayaw mo muna ipaalam sa iyong mga magulang ang tungkol dito, ikaw ang dapat kong tanungin. Handa ka na bang sabihin sa kanila?" tanong niya pabalik. Ako ay parang nabuhusan ng malamig na tubig, wala na bang ibang paraan? Hindi ko maipaliwanag kung bakit takot na takot akong sabihin sa kanila eh. "Paano kung puntahan mo na lang sila tapos sabihin mong maayos ako, na dapat hindi sila mag-alala." Pagbibigay ko ng aking ideya. Napataas muli ang kaniyang kilay, "Malamang magtataka sila, magtatanong kung nasaan ka, kung totoo ba ang aking mga sinasabi at kung bakit ako ang kumakausap sa kanila sa halip na ikaw." napakatalinong sagot. Tsk, hirap naman nito eh. "Ako na lang kasi magsabi, Karma. Pangako, saglit lang ako roon." "Kamahalan, hindi ka ligtas sa mundong iyon kahit na sabihin mong saglit lamang, ang kilos ng kadiliman ay napakabilis." wika niya Parang maluluha na ata ako nito, ano ba kasi talaga ang kailangan ng kadiliman sa akin? "Nawala ka na minsan sa amin, hindi ko hahayaang mawala ka pa ulit." Dagdag niya bago nilisan ang silid. Ayan na, tumulo na nga ang aking luha. Paano ko ba maisisiksik sa aking utak kung paano gawing diwata ang aking mga magulang? Sa ganoong paraan ay maintindihan nila ang aking sitwasyon at mas gagaan ang buhay nila kapag dito sila titira sa paraiso at makakasama ko pa sila nang mas matagal. Ngunit paano? Wala akong kontrol, hindi ko alam paano gamitin ang aking kapangyarihan. Kailangan ko ba ulit ng mahiwagang libro upang maging guide ko? Ilang oras ay hinarap ko muli si Karma, sinabi ko sa kaniya kung gaano ako ka-desperadong matuto kung papaano gamitin ang aking kapangyarihan. Ang ngiti sa kaniyang labi ay hindi maipinta, labis labis na galak ang kaniyang ipinakita. Sabi niya tuturuan muna niya akong kilalanin ang aking kaloob-looban, hindi ko makuha ang kaniyang punto, basta tumango na lamang ako sa mga sinasabi niya. Kinabukasan ay nagsimula na nga kami. No'ng una ay napakahirap, napakahirap magpokus ngunit 'di kalaunan ay nakuha ko rin ito, ngunit katiting pa lamang ito sa aking dapat matutunan. Nakakaya ko nang paliparin ang mga bagay, pagalawin at tunawin kung gugustuhin. Parang sinasabi ko lang sa aking isipan, "Halika, walis." At agad namang lalapit sa akin ang walis. Napakasimple lang pala ngunit ang hirap no'ng una. Sa bawat salamangkang aking nagagawa, ang aking kaluluwa ay para bang naaalis sa aking katawan. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. At sa bawat katapusan ng aking nagawang salamangka, laging nagsisitayuan ang aking mga balahibo. Para ngang nahiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan sa proseso ng pagsasalamangka. Ilang araw na ang lumipas, mas lalo na akong humuhusay sa pagsasalamangka ngunit alam kong hindi pa ako nakakalahati. Sa mga araw na iyon, hindi ko maalis sa aking isipan ang aking mga magulang. Kaya mas nagpursigi akong matuto nang mabilis upang kaya ko nang protektahan ang aking sarili laban sa kadiliman at nang mapuntahan ko na rin sila nanay. Dumating na nga ang araw na sa tingin ni Karma ay kaya ko na ang aking sarili, ang araw na iyon ay hindi gaanong malayo sa araw na dinakip ako ng punong kawal. Ibig sabihin no'n, mabilis lamang akong natuto. Tinadhana nga, ika ni Karma. Ako ay babalik na sa aking mundo pero syempre titingnan at babantayan ako ni Karma sa paraang hindi niya ipapakita ang kaniyang sarili sa mata ng mga tao. Tiwala na ako sa aking sarili, kahit papaano ay mapoprotektahan ko na ang sarili ko. Salamat sa aking kapangyarihan. Ako ay umuwi na nga, at ako ay nabigla sa aking nakita. Ang mga mata ng aking nanay at magang-maga dahil sa kaiiyak. Nalungkot ako at agad siyang niyakap nang mahigpit na mahigpit, "Nay," pagtawag ko habang niyayakap siya. Nakokonsensya ako sa aking ginawa. Pangalawang beses nang nangyari ito at alam ko na ito na ang pinakamabigat, kasalanan ko ang lahat. Hindi ko dapat ginaganito ang aking magulang. "N-Nak, s-saan ka ba pumunta? A-Ayaw m-m-mo na ba s-sa amin?" tanong niya habang grabe ang hagulgol. Sobra akong nasaktan kaya pumatak na rin ang aking mga luha. "Hindi nay," panahon na siguro para malaman nila ang totoo. Alam kong labis ang sakit na naramdaman ng aking ina sa aking biglaang pagkawala, anak niya ako, ako 'yung batang tinatayo niya sa tuwing nadadapa, ako 'yung batang ginagamot niya sa tuwing ako'y nagkakasakit, ako 'yung batang pinagtatanggol niya, ako 'yung batang inalagaan niya, ako 'yung sanggol na iniluwal niya at alam ko sa puso ko na mahal na mahal na mahal niya ako. Sa lahat nang nangyari sa buhay namin, bigla na lamang akong mawawala? Sobrang sakit bilang ina. Alam ko na hindi pa ako naging ina upang sabihin ito ngunit kaya kong ilagay ang aking sarili sa posisyon ng iba, at masasabi ko na sobrang nasaktan ang aking ina. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili. Kinalma ko muna siya bago nagsimulang magkwento. Ang kaniyang mukha'y nabahid ng pagkabigla, hindi siya makapaniwala sa aking mga pinagsasabi, hindi siya makapaniwalang ako ay isang reyna ng mundong mahika. Ngunit ang mga kakaibang nilalang ay pinapaniwalaan na niyang totoo, nagsimula siyang maniwala no'ng isinilang niya ako. Dati raw parati nilang nakikitang may kausap o kalaro ako kahit ako lang naman mag-isa. Sobra silang natakot no'n, pinatingin nila ako sa albularyo at ang sabi nito, may nagbabantay daw sa akin at wala itong intensyong masama kaya wala silang dapat na ipag-alala. Nakakatakot naman ito, bakit ngayon lang 'to sinasabi sa akin ni nanay? Ngunit naging normal naman daw ako no'ng sumapit ang aking ika-walong kaarawan. Lahat ng iyon ay ibinaon na nila sa limot. Sila ni tatay lamang ang nakakaalam no'ng nakakatakot na pangyayaring nangyari sa akin no'ng bata pa ako. Muli kong ipinaliwanag sa kaniya ang lahat, isa-isa upang maintindihan niyang maigi. At sinampolan ko pa siya ng aking mahika. Nabigla siya eh, at sa huli ay naniwala na siya. "Hintayin na lang natin ang pag-uwi ng ama mo," wika niya nang maintindihan na niya lahat. Ikukwento rin namin ito sa tatay ko at tutulungan ako ni nanay ipaliwanag ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD