"Dagdagan mo iyan kung gusto mo, ito ang kasunduan natin since wala naman akong nakausap na Attorney mo." Sabi niya sabay lapag sa table nito ngayon. Nandito siya ngayon sa opisina nito sa bahay at pareho silang naka-upo ngayon, siya sa may couch at ito naman sa may desk nito. Inantay niya itong lumabas kanina sa opisina nito ngunit manggagabi na ay nakasubsob pa rin ito sa trabaho kaya namna ay pinaosk na niya ito para mapag-usapan na nila ang dapat pag-usapan. Nakatingin lang sa kanya si Ivy habang nakataas ang isa nitong kilay. Napansin niyang marami papeles ang nasa harapan nito ngayon, grabe hanggang dito sa bahay ay dinadala ng lalaking ito ang trabaho niya. Sakto lang ang laki ng opisina nito, may couch, coffee table na kulay iti at may mga cabinet roon na puno ng iba't ibang libr

