"Hija hindi mo ba nagustuhan ang dinuguan?" Tanong sa kanya ni Manang, ngumiti lang siya sa matanda bilang tugon. "Masarap po Manang." Nagpaluto kasi siya kay Manang ng dinuguan, parang ang sarap kasi ikain tapos nagpabili pa siya ng puto kay Mang Julio para pares ng dinuguan. "Akala ko tuloy di ka nasarapan kasi busangot iyang mukha mo." Sabi naman ni Manang. Napabuntong hininga na lamang uli siya habang nakatingin sa dinuguan. "Wala po ito Manang." Sabi niya sa matanda, tinusok niya ang puto at pinaggigilan ito. Kawawang puto nadamay pa. "Namimiss mo si Ivy?" Tanong ni Manang sa kanya. Alam niya kaagad na namula ang pisngi niya dahil sa sinabi ni Manang. "Halata po ba Manang?" Tanong niya naman na kinahagikhik ng matanda na lalo niyang kinahiya. "Normal lang naman iyan sa Mag-asaw

