Chapter 5

1240 Words
Blaire's POV Pagbalik namin ng gym ay tinadtad naman ako ng tanong kung saan daw kami galing ni King at kung ano-ano pa. Syempre kaya ko bang sabihin yung pag-uusap namin? Kaya dinedeadma ko nalang yung tanong nila pero sadyang ang kulit talaga ng mga lahi nila at ayaw maniwala sa mga sinasabi ko.   "Wala nga kasi kaming ginawa okay? Hinatak niya lang ako tapos pumunta kaming dalawa sa ano...." Teka ano bang sasabihin kong palusot? Hays. "Saan kayo pumunta?" Usisa ni Aya.   Shutangina! Anong sasabihin ko?   "Sa a-ano uhmm...." Saan nga ba?  C’mon Blaire! Think Faster! "Gael samahan mo muna ako sa cafeteria." Rinig kong sabi ng classmate kong babae. "Saan nga?!" Naiinip na sabi ni Aeya sakin. Naramdaman ko naman yung butil ng pawis ko na tumutulo galing sa noo ko. "Sa ano.... Sa cafeteria! Tama sa Cafeteria! Dun kami galing!" Buti nalang may nagbigay sakin ng idea. Kung wala naku! Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko sa tatlong to. "Asus! Sa cafeteria lang pala eh!" Alex said. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil tila ba nakumbinsi ko sila sa palusot kong iyon. Hindi nalang ako sumagot baka kasi sabunin na naman ako ng tanong ng tatlong ‘to. Nanood nalang ako ng game ng volleyball . Hindi na itinuloy yung game namin dahil baka magkagulo pa ulit. Pero kami daw yung panalo. Kami daw kasi yung leading kanina.  Nagbell na kaya agad naman kaming nagligpit ng mga gamit namin at naisipan naming huwag nalang magbihis. Tutal, wala naman kaming gaanong pawis yung PE uniform namin. Pumunta na kami sa parking lot at nagpaalam na sa isa't-isa. Nakarating naman kaagad ako sa bahay at dumiretso kaagad ako sa kwarto ko saka nagshower dahil nalalagkitan na ako sa sarili ko. Hindi na ako masyadong nagtagal sa banyo dahil sobrang lamig ng tubig. Pagkatapos kong magbihis, bumaba na kaagad ako para kumain ng hapunan.  Habang nagluluto pa si manang Gina, pumunta muna ako sa living room at nanood muna ng tv. Saktong bumaba naman si Zac na halatang kakatapos lang ding maligo dahil basa pa ang buhok nito. Umiwas naman kaagad ako ng tingin, baka mahuli niya pa akong nakatingin sakanya. Baka umiral na naman ang kahanginang taglay niya. Lumapit siya sakin at saka tumabi. Hindi naman magkamayaw ang t***k ng puso ko nang iniligay niya yung kamay niya sa may ulohan ko,. Nagmumukha tuloy na parang nakaakbay siya sa akin . Isa na ba to sa paraan niya para maayos yung pagsasama namin? Hindi ko nalang siya pinansin at itinuon ko nalang yung atensyon ko sa tv. Maya-maya ay tinawag na kami ni manang Gina para kumain. Sabay kaming pumunta sa dining area na wala man lang lumalabas na salita galing samin. Umupo na siya sa harapan ko, akmang kukuha na sana ako ng kanin pero naunahan niya ako. Kaya hinintay ko nalang siyang matapos. Napakunot naman ako ng noo ng kunin niya ang lalagyan ng kanin at inilapit niya ito sa plato ko. Nagtataka ko naman siyang tinignan.   "What's your problem?" Tanong ko. Nakataas pa yung kilay ko niyan. "Let me put it on your plate." Sabi niya at dahil ayokong makipagtalo sakanya dahil gusto ko naman. Hinayaan ko nalang siyang gawin ang gusto niya. Bihira lang siyang maging ganito kaya susulitin ko na. Gaya ng dati wala parin kaming imikan habang kumakain. Hindi niya na siguro natiis yung katahimikan kaya nagsalita siya. "Let's talk after this" Sabi niya. Tumango nalang ako bilang sagot sa kanya. Nauna siyang natapos kumain kesa sa akin, pero bago siya umalis nilagyan niya muna ng tubig yung baso ko. Napangiti naman ako ng lihim dahil sa ginawa niya. Pero tinatak ko na sa puso't isipan ko na wag munang magpadala sa mga kilos niya. Natapos naman kaagad ako at tinulungan ko munang magligpit yung mga katulong namin bago pumunta ng garden, dun naman kasi siya laging tumatambay pagkatapos niyang kumain. Nakita ko siyang nasa swing, kaya pumunta ako dun at sa harapan niya ako umupo. Tumikhim ako para mapansin niyang nandito na ako. Ang lalim kasi ng iniisip, kasing lalim ng mariana trench.  Nakakuha na kaya siya ng mga indigenous species? "Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanya na parang nakakuha na ata ng indigenous species sa sobrang seryoso. "Like what I've said, I want to fix us, our relationship. I want to clear the mess between us." Si Zac ba talaga ‘to?  I want to fix our relationship  too. "Is that you Zac?" Hindi ko na napigilan pa yung sarili ko sa pagtanong. "The hell Blaire! Of course it's me! Your husband!"  Your husband daw.  Ang sarap namang pakinggan. Kinikilig na naman yung mga kalamnan ko sa pinagsasabi ng haring 'to! Hindi naman masama ang kiligin diba? "Akala ko kasi, hindi ikaw yan. Hindi lang talaga siguro ako sanay sa mga pinagsasabi mo...." Paano nalang kung sinapian lang pala siya ng mabuting espiritu? Nagbuntong hininga muna siya at nagulat ako ng hawakan niya  bigla yung mga kamay ko.  Ang init ng mga palad niya, nakakagaan ng pakiramdam. "Look, I'm willing to do everything just to fix the mess between us" He said. "Ano bang iniisip mo Zac? Ba't ka biglang nagkakaganito?" Nakakapanibago lang kasing naging ganito siya bigla sakin. “Ikaw lang naman ang nasa  isip ko.” I was caught off guard dahil sa banat niyang iyon. I can’t help but to smile. “Seryoso nga kasi” Kunwaring naiinis kong sabi. "We've been together for a year, although wala tayong pakialaman sa isa't-isa at walang pansinan. Pero ewan ko ba. I don't know what's with me! Nung nag-away tayo at nakita kitang may kasamang lalake sa mall, doon yun nagsimula. I want to punch that asshole! " Teka nagseselos ba siya? Ano na kayang balita kay Keith? Sabi niya, doon siya mag-aaral sa school, pero hindi ko naman siya nakikita. "I don't want you to be close to someone else." Sabi niya na dahilan upang matigilaan ako. "Paano kung meron na akong kaclose?" Tanong ko. I just want to test him. I heard him curse. "Argh! Bahala na! Basta akin ka lang."   Basta akin ka lang   Basta akin ka lang   Basta akin ka lang   Basta akin ka lang   Basta akin ka lang   Tama ba yung narinig ko? Inaangkin naba ako ng hari niyo? Omygaaad! Kinikilig ako sheyt! Inangkin na ako ng hari niyo! Anong klaseng esperitu ba ang sumanib kay Zac ngayon? Pero seryoso nga inangkin niya na ako!   "H-ha? O-oo naman" Nauutal kong sabi. Sino bang hindi mauutal kong harap-harapan sasabihin ng isang Zac Santiago ang mga katagang iyon. "Thank you!" Masayang niyang sabi saka ikinulong niya ako sa mga bisig niya. Amoy na amoy ko naman yung pabango niyang lakas makagwapo. Branded to eh!  Meron din akong ganitong klaseng pabango, hindi ko nga lang ginagamit.  Baka kasi magtaka sila na magkapareho kami ng amoy ni Zac baka mabulabog pa kami ng wala sa oras. Pagkatapos namin qmag-usap. napagdesisyonan naming matulog na dahil alam namin na napagod kami sa ginawa naming heart to heart talk kanina na siyang hindi ko lubusang mapaniwalaan. Hindi ko naman maiwasang hindi ngumiti habang nakahiga ako sa malambot kong kama dahil sa mga sinabi niya ngayong araw na 'to.  Sana lang, matupad niya yung mga sinabi niya.  Diba sabi ko hindi ako umaasa? Pero bakit ayaw makipagcooperate ng puso't isipan ko? Pag nagkataon, ako lang ang kawawa sa bandang huli dahil sa ginagawa kong ito. Ang sakit kaya masaktan. Nasasaktan na nga ako sa mga masasakit na salitang pinagsasabi niya sakin noon, ano nalang kaya kung masaktan na naman ako dahil sa  pag-eexpect kong mamahalin niya rin ako? Pero sabi nga nila masakit daw magkaroon ng heart break.  Kaya ihahanda ko na yung sarili ko pag dumating na yung heart break na nakalaan para sakin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD