Blaire's POV "Tapos ayun, pagkatapos ng kasalan pinadiretso na kami kaagad sa bahay namin. Nandun na lahat ng mga gamit ko halatang pinaghandaan talaga nilang lahat" FLASHBACK "Ano ba naman ‘to! Hindi ba pwedeng sa susunod na araw nalang tayo lumipat?" Maktol ko, dahil hindi pa talaga ako handa sa mga ganitong bagay. Napansin kong ang tahimik ata ng katabi ko. Bahagya ko naman siyang sinulyapan at diretso lang ang tingin nito, na para bang kinikilatis kung may masama bang elementong nakatira diyan sa bahay pero kasing lamig naman ng yelo ang ekspresyon niya. Kanina ko lang nalaman na iniwan na pala siya ni Nathalia, kaya pala pumayag siyang magpakasal sakin. Pinakiramdaman ko muna kung ano ang susunod niyang gagawin. Maya-maya ay nagsimula na siyang pumasok sa gate, hinintay ko muna siy

