Chapter Four

4932 Words
Ipinadyak-padyak na ni Riel ang paa sa inip na paghihintay kay Xianna habang nakasandal sa labas ng passenger seat ng sasakyan nila. Naiirita na naman siya, ayos lang naman na maghintay siya ng matagal kaso nabubuwisit siya dahil ang sabi ng driver nila ay may bibilhin daw ang dalaga sa labas ng campus at si Riu ang kasama. Kaya pala kanina napansin niyang nagmamadali sa paglabas ng classroom si Riu. Hindi man lang nito sinabi sa kanya na may usapan pala sila ng foster sister niya. Mas lalong naningkit ang medyo singkit niya ng mga mata nang makita niyang paparating na ang dalawa habang kumakain ng ice cream ang dalawa. Her smile for his friend makes him annoyed. "Riel!"dinig niyang sigaw ng dalaga na tumakbo papunta sa kanya. Nagkunot-noo lang siya rito tapos ay pumasok na siya sa loob ng sasakyan. "Sige, ba-bye Riu. Thanks sa ice cream!"narinig niya na namang sigaw ng dalaga, di niya kasi isinara ang pinto. "Sorry, sa paghihintay Manong." "Ayos lang po iyon, ma'am." "Ay naku, si Manong sabing Xianna na lang eh."nakangiting reklamo ng dalaga. Natawa na lang ang driver nila at pinaandar na ang sasakyan. Nasa backseat sila parehong nakaupo. Walang imik na itinuon niya ang paningin sa labas ng bintana habang inuubos naman ni Xianna ang ice cream nito at walang pakialam sa kanya. "Uy, Riel? Gusto mo?"biglang untag nito sa kanya. Nilingon niya ang dalaga at sinimangutan. "Tss. Ang kalat mong kumain."sa halip ay sagot niya. May nagkalat kasing ice cream sa gilid ng mga labi nito. "Ehh...hindi nga?"sabi nitong hindi naniniwala sa kanya na pinunasan ng kamay ang gilid ng labi nito. Nangunot lang lalo ang noo niya. Sa halip kasi na punasan nito ang nagkalat na ice cream ay mas lalo lang iyong kinalat ni Xianna. "Stop."pigil niya sa dalaga na kinuha ang kamay nito. Kumuha muna siya ng panyo mula sa kanyang bulsa at siya na mismo ang nagpunas sa dalaga. And suddenly, he just found himself staring at those red lips. At ang pagnanais niyang madama ang mga labi nito ay ginawa niya. He touched it with his thumb. Napakalambot ng mga labi ng dalaga. Nakuyom niya ang isang kamao, baka di niya mapigilan ang sarili at mahalikan niya ngayon ito kaya mabilis niya na lang pinunasan ang nagkalat na ice cream sa gilid ng mga labi nito. Wala man lang kasing kaide-ideya ang babaeng ito sa nilalaman ng utak niya. Tuwang-tuwa pang inilapit ang mukha nito sa kanya. "Tapos na."sabi niya. "Thank you, Riel. Ang sweet mo talagang kuya."wika nitong nakangiti sa kanya. "Shut up, Xianna. Ang ingay mo."nawika niya upang mapagtakpan ang nagririgodon niya na namang dibdib. Pagdating nila sa bahay ay naroon na ang mama at papa nila. Agad na yumakap at humalik sa pisngi ng kanyang ina si Xianna samantalang nagmano lang siya sa ama at diretsong umakyat sa kanyang silid. "Sige na magbihis muna kayo. Maya-maya ay ihahanda ko na ang hapunan natin."he heard his mom say those words bago siya tuluyang pumanhik sa taas. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Naramdaman niya kasing may mabigat na nakadagan sa kanyang tiyan. Inabot ng isa niyang kamay ang switch ng lampshade. Kanina kasi matapos niyang magbihis ay di niya namalayang nakatulog na pala siya. When the dim light spread inside his room, shock is very evident on his face. Pa'no ba naman katabi lang naman niya si Xianna sa higaan at nakayapos pa ito sa kanya habang natutulog ng mahimbing sa kanyang tabi. Siguro dahil sa pagod di niya na namalayan ang pagpasok at pagtabi sa kanya ng dalaga. Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha bago tuluyang bumangon. Ginising niya ang dalaga. "Xianna, wake up."wika niyang tinapik-tapik ang balikat nito. Agad rin namang naalimpungatan si Xianna. "Riel, gising ka na pala."sabi nito. "Yeah. And what are you doing here?"inis niyang tanong. "Sabi ni mama, kumain ka na raw. Tayo na, baba na tayo."she said na tumayo na at nagpatiuna sa paglabas. Napasunod na lang siya rito. ... "Riel, sa tingin mo? Ano ba ang gusto at hindi gusto ni Xianna?"out of nowhere ay biglang tanong sa kanya ni Riu. Nandito sila ngayon sa library, gumagawa ng assignments. Napaawang na lang ang kanyang bibig at napatitig sa mukha ni Riu. "Ahm, huwag mo na lang pansinin ang tanong ko."bigla ay sabi nito na nangingiti sa kanya. Muling itinuon ni Riu ang pansin sa binabasang aklat. Habang siya ay di na mapalagay. Now, he already confirmed. Dumating na nga ang kinatatakutan niya. "Why? D-do you like her?"he asked. Napatingin naman sa kanya si Riu. "Tama bang sabihin ko sa'yo na gusto ko siya?"sabi nito. Mas lalong napaarko ang kanyang kilay at kumunot ang kanyang noo. Bigla na lang napatawa ng mahina si Riu. "Yung mukha mo kasi dyan, nagsasabing gusto mo na akong sapakin ngayon."sambit nito. "A protective brother or a jealous man?"he added. Napamaang na lang siya sa tinuran nito. "What do you mean?"nakatiim-bagang niyang tanong. Mas lalo lang lumawak ang ngiti ni Riu at naiiling na muling binaling ang atensyon sa aklat. "Just forget what I said Riel."anito. Hindi na lang siya umimik sa sinabi ng kaibigan. Ayaw niyang humantong pa sa kung saan ang usapan nila. Pero inaamin niya na nasira na ang buong araw niya sa sinabi nito. May kung anong agam-agam na ang namamahay sa kanyang dibdib. And he really does not like the feeling. Habang lulan sila ni Xianna ng sasakyan pauwi ay di niya kinibo ang dalaga hanggang makarating sila sa bahay. "Riel!"he heard her voice at his back pero di niya nilingon ang dalaga. "Riel!"talagang hinabol siya nito hanggang sa kanyang silid. Binagsakan niya ito ng pintuan. Wala siya sa mood na kausapin ang dalaga. Lumipas ang mga araw ay ganun pa rin ang pakikitungo niya kay Xianna. Oo, siya na talaga ang cold. Eh, sa ayaw niya talagang imikin ang dalaga. Sabado at wala siyang klase kaya buong araw siyang nagkulong sa kanyang silid. Hapon na ng maisipan niyang bumaba and he found his mom and dad na nanunuod ng tv sa sala. "Mabuti naman at naisipan mo ring lumabas diyan sa lungga mo."his mom said. "Gutom ka na?"tanong nito. Umiling-iling siya at tumabi ng upo sa kanyang ama. "How are you? Mukhang may pinoproblema ang baby namin, ah?"wika ng ama niya. Sumimangot lang siya. "Uminom ka na ng gamot mo?"tanong uli ng mama niya. Iginala niya muna ang paningin bago sumagot. Pansin niya kasing may kulang. "Tapos na po ma." "May dinner date kami ng papa mo? Gusto mong sumama?" Muli umiling-iling siya. "Ayoko po. Si Xianna na lang po ang isama ninyo." "Yeah, pero may date si Xianna ngayon."sabi ng papa niya na nagpapanting sa kanyang tenga. Date? As in date? Sino naman kaya ang kasama nito? Nagtatanong ang kanyang mga mata na lumingon sa kanyang ina. "Ipinagpaalam siya kanina sa amin ni Riu."sagot ng mama sa katanungan na lumarawan sa kanyang mukha. "S-si Riu. Pumunta po siya dito?" "Oo. Busy ka kasi masyado sa pagmumukmok mo dun sa lungga mo kaya itinakas na ang kapatid mo."nangingiting turan naman ng kanyang ama. Napasimangot naman siya at padabog na naglakad patungong kusina. Gusto niyang uminom ng tubig, pakiramdam niya kasi ay nagsisikip na naman ang kanyang dibdib. "Talagang ayaw mong sumama?"muling tanong ng kanyang ina na sinundan pala siya. "No. Just enjoy your date with dad, ma. Dito na lang ako."pinal niyang sagot. "Okay. Just eat your dinner and don't forget to take your medicine."wika ng mama niya. "Opo."he nodded. Pagkabagot ang nararamdaman niya habang pinapalipas ang oras sa paghihintay kay Xianna. It's already ten in the evening pero wala pa ang dalaga. Kanina lang ay tumawag ang mama niya na di sila makakauwi. Sa hotel na lang kasi matutulog ang mga ito. Kating-kati na ang kanyang kamay na i-dial ang number ng dalaga pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niya kasi itong kausapin. Napapitlag siya nang makarinig ng ugong ng sasakyan sa labas. Napatingin siya sa kanyang relo bago lumapit sa bintana at sumilip. He saw her smiling habang nagpapaalam sa binata. At di niya talaga inasahan ang sumunod na mangyayari. He just saw his friend kissing the forehead of his princess. He clenched his fist at napatiim-bagang siya. Alam niyang nagulat rin si Xianna sa ginawa ni Riu. Iyon ang nakita niyang reaksiyon sa mukha nito. Talagang inabangan niya ang pagpasok ng dalaga. Nagpupuyos na naman kasi ang kanyang dibdib sa di maipaliwanag niyang nararamdaman. "Bakit ngayon ka lang!" galit niyang tanong na nagpapitlag sa dalaga nang makapasok na ito sa loob. "G-gising ka pa?"alanganing tanong nito sa kanya. "Yes, gising na gising pa. Ano ba sa tingin mo?"inis niyang sagot. "M-matulog ka na. Dapat kanina ka pa tulog. Bawal pa naman sayo ang mapuyat." "Really? Paano ba ako makakatulog gayung wala ka pa?"nakita niyang napatungo ang dalaga. "Sinong matinong babae ba ang uuwi ng dis oras na ng gabi? Sabihin mo nga, Xianna?" "T-tumawag naman ako kina mama at papa kanina na matatagalan ako sa pag-uwi." "Tinawagan mo sila? Tapos ako hindi, gayung ako ang nandito sa bahay at naghihintay sayo." "S-sorry. Nakalimutan ko."nakatungo pa ring sagot nito. "Si Riu naman ang kasama ko eh. I'm sure aalagaan niya na naman ako, kaya nga pumayag sina mama at papa na lumabas kami kanina." Nahilot niya na lang ang sentido. "Gusto ka nga namin isama kanina pero hindi ka na-" "Shut up, Xianna!"di niya mapigilang sigaw. Nahihirapan na kasi siyang kontrolin ang damdamin. Nakita niyang natameme ang dalaga and the way she looks mukhang maiiyak na ito. Siguro natakot ito sa biglaan niyang pagsigaw but he never made an effort to console her. Siguro dapat lang malaman nito na galit nga siya. Padabog niya itong iniwan sa may pintuan. Alam niyang sa oras na nakatalikod na siya ay nalaglag na ng tuluyan ang mga luha nito. "Riel?"dinig niyang habol nito sa kanya pero di na siya lumingon. He just stop walking when he reached the doorstep of his room. "Riel..." "Don't talk to me!"wika niya na ngayon ay pinihit niya na ang seradura ng pintuan. "B-bakit?" "Bakit?"ulit niya sa tanong nito. " Cause you are annoying."malamig niyang tugon sa dalaga at pumasok na sa loob. Pinagsarhan niya ito ng pinto. Nanghihina na napasandal siya sa pintuan. He clenched his jaw. By this time kasi naririnig niya na ang hikbi ni Xianna mula sa labas. Pero this time ayaw niya ngayong aluin ang dalaga. Natatakot kasi siyang pag ginawa niya iyon ay baka di niya na mapigilan ang nararamdaman. Kinabukasan ay pilit siyang bumangon ng maaga. Ayaw niyang magsabay sila ng dalaga kaya nauna na siyang umalis at nag-taxi na lang papunta sa school. Ganun din ang ginawa niya sa uwian. Alam niyang napapansin na iyon ng mama niya pero ayaw niyang kumibo. "Nag-away ba kayo ni Xianna?"minsan ay tanong ng mama niya. Umiling lang siya at umiwas. Nasa silid na siya nang may kumatok. Nagbingi-bingihan siya sa pag-aakalang ang dalaga iyon. "Open up, Riel. Ang mama mo ito."napilitan na rin siyang pagbuksan ang mama niya. Agad siyang tumalikod at bumalik sa kanyang study table pagkabukas niya ng pinto. "Riel, yung gamot mo hindi mo na naman iniinom." "Sorry po, ma. Nakalimutan ko." "Nag-away ba kayo ni Xianna?"dinig niyang inulit na naman ng mama niya ang tanong nito and by this time hindi niya na ito maiiwasan na huwag sagutin. Pero di pa rin siya umimik. "Riel."muling tawag nito sa kanya. Naupo ang kanyang ina sa ibabaw ng kanyang kama at mataman siyang pinagmasdan. "So, are you jealous?"nabitiwan niya ang hawak na ballpen sa sinabi ng ina. "So...you are."his mom concluded. "I-It's not what you think ma." "Okay, hindi na kita kukulitin."wika na lang ng mama niya na tinapik ang kanyang balikat bago lumabas ng kanyang silid. Napaub-ob na lang siya sa ibabaw ng study table niya. Jealousy? Iyon nga ba talaga ang right term sa nararamdaman niya ngayon? Naipilig niya ang ulo. Talagang nagseselos nga ba siya? But he knew that he has no right to feel that way. Nagpatuloy ang mga araw na ganun na lang ang pag-iwas niya sa dalaga. Sa school ay iniwasan niya rin ito. Sa palagay niya kasi iyon ang mas makabubuti sa kanilang dalawa. "Riel, wait!"it's her again. Mabilis siyang maglakad kaya alam niyang napapahabol sa kanyang likuran si Xianna. Hindi niya ito nilingon at di man lang niya sinubukang tumigil sa paglalakad hanggang makarating sila sa labas ng campus. "Aray!"noon lang siya napatigil sa paglalakad nang marinig niyang tila nasaktan ang dalaga. Paglingon niya ay nakita niya ang mabilis nitong pagbangon mula sa pagkakadapa. Gusto niyang lapitan ang dalaga, iyon ang sinasabi ng puso niya pero pinili pa rin ng utak niya na talikuran ang dalaga, pumara ng taxi at umuwing mag-isa sa bahay nila. Siguro alas-otso na ng gabi nang makarinig siya ng katok sa pintuan. Nang buksan niya iyon ay ang nag-aalalang mukha ng kanyang ina ang kanyang nabungaran. "Riel, tumawag ba sayo si Xianna?" Umiling-iling siya sa tanong ng ina. "Bakit po, ma? Wala pa po ba siya?"sumigid na rin ang kaba sa kanyang dibdib. "Kanina tumawag siya sa akin na matatagalan siya sa pag-uwi. Gagawa lang daw sila ng project ng mga kaklase niya pero alas-otso na ngayon at wala pa siya." "Relax ma, baka pauwi na iyon." Iyon ang sinabi niya sa kanyang mama pero deep inside him ay ganun na lang ang pag-aalala niya. "Ba't hindi niyo po tawagan ma?"suggest niya. "Tinawagan ko na pero out of coverage na ang cellphone niya." "Keep calm, ma. Baka lowbat lang. Pauwi na siguro 'yon. Hintayin na lang natin." "Okay. N-nag-aalala lang talaga ako sa kanya. Malaki na si Xianna at kaya na niya ang sarili niya. All I thought hanggang ngayon siya pa rin ang baby girl ko." Nakita niya ang pilit na pagngiti ng kanyang ina, mababakas pa rin ang sobrang pag-aalala sa mukha nito. Nakabalik na siya ngayon sa upuan at umalis na rin ang mama niya. Habang tinitingnan niya ang bawat ikot ng orasan ay tila ba kaytagal ng bawat pagpatak ng segundo sa paghihintay. Hinayaan niyang nakabukas ang bintana at pintuan para malaman niya agad kung nakarating na ba si Xianna. Siguro after thirty minutes na paghihintay ay nakarinig siya ng ingay sa baba. Nang silipin niya, nakita niyang yakap ng kanyang mama ang dalaga. Napabuga siya ng hangin. He felt relieved just by seeing her face. Siguro, makakatulog na siya na wala na ang pag-aalala sa mukha. "Riel, baby gising na." He saw his mom when he open his eyes. Nakabihis na ang mama niya. Maya-maya pa ay nakita niya ang papa niyang pumasok na may hila-hilang maleta. "Ma."he uttered at umayos ng upo. "Aalis na kami ng papa mo. Iyong mga bilin ko sa'yo huwag mong kalilimutan."litanya ng kanyang ina. At parang ngayon lang nagsink-in sa kanyang utak na noong isang araw pa pala nagpaalam ang mama at papa niya na mag-a-out-of-town. Hindi iyon bakasyon kundi business trip. As usual busy ang mga magulang niya sa kompanya nila. Hindi naman ito ang unang out-of-town ng mga parents niya. Mas madalas nga noong high school pa sila ni Xianna. Siguro, naninibago lang siya kasi di sila bati ngayon ng dalaga. "Riel, bantayan mo si Xianna. Dapat sabay na kayong umalis at umuwi ng bahay. Make sure to lock the gate and doors before sleeping."wika ng papa niya na tinapik siya sa balikat. "Riel, huwag mong kalimutan inumin ang gamot mo, ha?"bilin ng mama niya. "Opo ma." "At makipagbati ka na rin kay Xianna, okay." Tumango na lang siya sa ina. "Sige alis na kami. Baka mahuli pa kami sa flight." "Sige po. Ingat sa biyahe ma, pa."he said na ihinatid na palabas ang mga magulang. Katahimikan ang sumalubong sa kanya nang muli siyang pumasok ng bahay. Teka, mukhang may kulang yata sa eksenang nangyari ngayon? Tama. Wala si Xianna. Sa pagkakaalala niya kasi ay magmamaktol palagi ang dalaga sa tuwing umaalis ang mga magulang niya sa out-of-town business trip ng mga ito dahil gusto nitong sumama. Pero tila ngayon, hindi man lang niya naramdaman ang presensiya nito. Siguro dahil malaki na nga ang munting prinsesa nila noon. Sabado na naman, kaya wala silang pasok at siya buong araw niyang gugugulin ang sarili sa pagmumukmok sa kanyang silid. Oo, siya na talaga ang pinaka-boring na tao sa mundo. Kasalanan ba niya iyon? Kung wala lang siyang sakit, siguro kanina pa siya umalis ng bahay at sumamang magbasketball kina Riu pero kahit ang maglaro ay di niya magawa. Magbabasa na lang siguro siya ng aklat at gawin ang mga case study nila. Busy siya sa pagtipa sa kanyang laptop nang may lumapag na tray sa kanyang tabi. Mga cupcakes na may blue icing with matching smile pa ang kanyang nakita. Nakakunot ang kanyang noo na bumaling sa kanyang likuran. And he just saw her beautiful smile. "What are you doing here?"he asked na nakipagtitigan sa dalaga. Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi nito at napayuko habang nilalaro ang mga daliri. "I...I... just think na baka gutom ka na kaya dinalhan kita ng merienda."nakayuko pa ring sabi nito. Pansin nga niya ang suot nitong shorts na hanggang tuhod at white printed t-shirt saka ang pink apron ng mama niya. Ang cute lang nitong tingnan habang nakapusod ang buhok. "Hindi ako gutom. Umalis ka na."malamig niyang tugon rito at muling ibinalik ang atensyon sa laptop. "K-kahit konti lang k-kumain ka na. Ginawa ko 'tong cupcake para sayo."dinig niyang malumanay nitong sabi. "Uy, Riel. Sige na kain ka na, please?"kulit pa nito sa kanya at konti na lang talaga ay bibigay na siya sa paglalambing nito. Napansin niyang kumuha ng isang cupcake si Xianna at ipinagduldulan sa kanyang bibig. "Kainin mo na kasi ito. Masarap naman to, eh." "A...yo...ko... Ayoko nga, Xianna! Di ka ba makaintindi? Hindi ako gutom!"hayun na naman, sumigaw na naman siya. Pero di pa rin nagpatinag sa kanya ang dalaga. "Bakit? Hindi ka naman busog eh. Hapon na, at wala ka pang agahan at tanghalian, paano ka mabubusog nun? Saka, kinalimutan mo na naman inumin ang gamot mo." Muli na naman ay mariin siyang napapikit. Talagang hindi man lang makaintindi sa sinasabi niya. "Can you please get out of here, Xianna!"he just boldly said it. Tinabig niya ang ngayon ay hawak na tray na dahilan para magkalat sa sahig ang gawa nitong cupcakes. Alam niyang nagulat si Xianna sa ginawa niya dahil maski din siya ay nagulat sa sarili. Mabilis na dinaluhan ni Xianna ang nagkalat na cupcakes sa sahig at isa-isa iyong pinulot. "Labas na! Ako na ang bahalang maglinis diyan!"iritado niya ng sabi. "Sorry..."he heard her say habang pinupunasan ng suot nitong apron ang sahig na nadumihan ng icing. Nakita niya na naman ang mukha nitong maiiyak na. Maya-maya pa ay yumuko siya at hinablot ang kamay nito na nagpupunas sa sahig na sa tingin niya na sa halip malinis ay lalo lang nagkalat ang mga 'yon. "I said, stop it!"ulit niyang sigaw sa pagmumukha nito. Agad na napatayo ang dalaga at kitang-kita niya ang paghigpit ng hawak nito sa dalang tray at pagkagat-labi wari pinipigilan ang pagbagsak ng luha. "I-Ipagluluto na lang kita ng hapunan kung ayaw mo sa cupcake."sambit nito na di pa rin sumusuko at pilit pang ngumiti sa kanya bago lumabas ng kanyang silid. Iyon ang mga alaalang pinagsisihan niya. Sana pala kinain na lang niya ang gawa nitong cupcake at nakipagbati ng mas maaga sa dalaga. Hindi sana puro pagsisisi ang nasa puso niya ngayon. And to make the story goes, heto pa ang mga alaalang naiwan sa kanya ng dalaga. ... Habang nasa laboratory sila ng kanyang mga kaklase at gumagawa ng experiment ay may isang babae ang nambulabog sa tahimik nilang klase. Alas-kuwatro na 'yon ng hapon at saglit silang iniwan ng prof. nila. Humihingal ito ng makarating sa labas ng lab nila. "Riel dela Merced! Nasaan ka?"bigla ay sigaw nito na ikinalingon ng lahat. Kumunot naman ang kanyang noo na lumapit sa may pinto sabay tanggal sa suot niyang mask. Pati ba naman dito di siya patatahimikin ng mga haliparot na babae? "Why?"seryoso niyang tanong. Agad na lumapit sa kanya ang babae at hinablot ang kanyang kamay. "Wait!"sabi niyang muling binawi ang kanyang kamay na hawak ng babae. "Ano ba ang kailangan mo?"tanong niya. "Mamaya na lang ang pagpapaliwanag. Basta sumama ka na lang sa akin."mabilis nitong sabi na balak na naman siyang hilahin pero pinigilan niya. "Ano ba kasi ang-" "Si Xianna, kailangan ka ngayon!" Base sa itsura ng mukha nito, alam niya na may nangyari talagang hindi maganda kay Xianna. Kaya wala na siyang sinayang na panahon upang mapuntahan ang dalaga. Dinala siya nito sa likod ng library building nila. Gayun na lang ang pagkulo ng kanyang dugo nang makita niya si Xianna na binabato ng itlog ng isang lalaki. Sa tingin niya member ito ng isang frat kaya ganun na lang makaasta. Agad niyang ihinarang ang katawan sa gitna upang siya ang tamaan ng itlog at hindi ang dalaga. "So, the prince charming is already here?"nakangisi nitong saad. Tumawa naman ang apat pa nitong mga kasamahan. "Riel!"nakita niya ang pagkagulat at pag-aalala sa mukha ng dalaga. "So, ano ba ang una nating gagawin para masimulan na ang palabas?"nakangisi pa ring wika nito. "Ano ba ang kailangan mo?!"mariin niyang tanong na pinukulan ng matalim na titig ang kaharap. "Well, I heard na ang lampang katulad mo ay magaling daw sa archery."panimula nito na umikot-ikot pa sa kanya. "Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin?" nanggigigil niyang tanong. "Okay, boys ihanda na ang props."utos nito na pumalakpak pa bilang hudyat. "Kasi narito na ang knight in shining armor ng princess in dire natin."litanya nito. Nakita niya na may ihinandang bow at arrow ang mga alipores nito. "So this will be our game!"sigaw nito. Biglang hinila ng isang alipores nito si Xianna. Pipigilan sana niya pero agad rin siyang pinigilan ng dalawa pa nitong alipores. "Uh-huh! Wala munang hawakan sa mahal na prinsesa. Hindi mo pa siya natutubos."humalakhak pa ito na siyang nagpainit lalo sa kanyang dugo. Nakita niyang iginiya ng mga ito ang dalaga sa may pader. "O, heto na ang sandata mo."sabi ng isa na iniitsa sa kanya ang bow. Nilagyan naman ng isa ng apple ang ulo ng dalaga. "An apple a day keeps the doctor away."panunuya pa ng mga ito sa kanya. "Simple lang naman ang rules natin." "Ano?" "Dapat panain mo siya ng sampung beses. At dapat sa pangsampu mong pana doon muna tamaan ang mansanas. Sampu lang, mahal na prinsipe. Bawal ang magkamali kundi sa ospital ay sa libingan pupulutin iyang prinsesa mo."nakuyom niya ang kamao sa sinabi nito at nagtagis ang kanyang bagang. Talagang sinusubukan siya nito. "O, ano pa ang hinihintay mo? Simulan mo na. Tsk! Sayang ang oras."muli ay komando pa nito. "R-Riel. J-just leave me here. A-ako na ang aayos nito-" "Shut up!"sigaw niya sa dalaga. Natahimik naman ito at muli nakita niya na naman ang pagpipigil nito sa mga nagbabadyang mga luha. "Umayos ka Xianna. Stand straight and look into my eyes. Huwag kang gumalaw!"mariin niyang utos. Tumalima naman ang agad ang dalaga. Umusal muna siya ng dasal at mariing napapikit. His heart just suddenly races inside his chest. Sa buong buhay niya ngayon lang siya kinabahan ng todo. Halos magwala na ang puso niya sa lakas ng pintig nito. "O, ano? Hindi mo kaya?"panghahamon pa nito sa kanya. "Will you shut up!"di niya na mapigilang bulyaw rito. "Ano, hindi mo gagawin? Okay lang, pero makikipagdate naman sa akin ang prinsesa mo. Ganun lang naman ako kadaling kausap!"dagdag panunuya pa nito sa kanya na mas lalong nakapagpaigting sa kanyang kaugatan. "Sa tingin mo ba talaga, papayagan kitang mangyari ang gusto mo?"sagot niya na inangat na ang pana. "Mas pipiliin ko pa ang ipinapagawa mo kesa hayaan kong mapunta siya sayo!"sabi niya. "Okay! Kaya simulan mo na!" "Fine! Para matapos na 'tong kabaliwan mo!"wika niya. Tiningnan niya muna sa mga mata ang dalaga, saying that she'll be fine. Alam niyang takot at kinakabahan rin ito ngayon. Agad niyang pinakawalan ang unang tira at malaya lang iyong dumaan sa pagitan ng leeg at balikat ng dalaga. Napa-wow pa ang mga alipores nito. Ikalawang tira ganun pa rin. Ikatlo. Ikaapat. Ikalima. Ikaanim at Ikapito. Dumugo na ang kanyang kamay sa kahihila ng pana. Wala man lang kasi siyang suot na protective gear sa kamay upang huwag masugatan. Tumigil muna siya sandali sa pagtira at huminga muna ng malalim. Alam niya, hindi dapat siya magkamali dahil buhay ni Xianna ang nakasalalay rito. "Ano? Hindi na kaya? Sumuko ka na kasi at hayaan mo na lang siyang makipagdate sa akin."bubulung-bulong nito sa kanyang tabi. "Never!"sagot niya na muling itinaas ang kamay para tumira. He silently cursed nang muntikan na iyong dumaplis sa leeg ng dalaga. Pang-siyam, nanginginig na ang kanyang kamay at kumikirot na rin dulot ng mga sugat sa daliri niya. Naitira pa rin niya iyon ng maayos. At ngayon ang panghuli. Ang pinakamahirap sa lahat. Isang pagkakamali niya lang talagang tapos siya. "R-Riel..."dinig niyang tawag ng dalaga sa kanya. "I said, shut up! Huwag kang maingay." "A-ang kamay mo, dumudugo na."naiiyak na nitong sabi. Oh, please don't cry! Gusto niya na ring panghinaan pero dapat maging matatag siya upang maitira niya ng maayos ang panghuli. His princess is crying now kaya dapat tapusin niya na ang kahibangan ng isang baliw sa kanyang tagiliran. Dahan-dahan niyang itinuon ang pana kay Xianna. "This time, just close your eyes."utos niya na sinunod naman nito. Muli niya ring ibinaba ang kamay dahil sa pagdadalawang-isip. Naroon pa rin ang takot sa kanyang dibdib na baka matamaan niya ang dalaga. Huli na ito. At dapat manalig lang siya sa sariling kakayahan, just go with the flow of the wind at magagawa niya iyon ng walang pagkakamali. Muli ay inangat niya ang pana at itinuon sa mansanas na nasa ulo ng dalaga. Sabay ng pagpikit ng kanyang mga mata ang pagpakawala niya ng pana. Saka unti-unti niyang idinilat ang mga mata when silence reigned the place. And he just saw her standing habang nakatulala na nakatingin sa nabiyak na mansanas sa may paanan nito. He sighed. Nagtagumpay siyang huwag itong matamaan. Narinig niya na lang ang pagpalakpak ng baliw. Oo, baliw na ang tawag niya sa lalaking ito. Hindi naman niya kasi alam ang pangalan nito. "Amazing! Ang galing mo nga!"satsat nito. Walang sabing nagtungo siya sa likuran ng dalaga at pumulot ng isang arrow at itinuon iyon sa baliw na lalaking iyon na humahalakhak pa. Walang pasabing pinakawalan niya iyon. Di makahuma ang lahat sa bigla niyang ginawa at alam niyang kinabahan ang baliw dahil sa biglang pamumutla nito. "Hayop ka! Why did you shoot me?!"sigaw nito na sinugod siya. Agad niya naman itong sinalag. At pabalyang ipininid niya ang lalaking iyon sa pader. "Ito ang tandaan mo! Sa susunod mamili ka ng paglalaruan mo. Hindi lang 'yan ang matitikman mo. Sa susunod na kantihin mo pa si Xianna hindi na ako magkakamaling huwag itarak ang pana diyan sa leeg mo! And don't you ever dare make even a glimpse of her! Maliwanag! Do not underestimate me, mister! Dahil hindi mo ako, kilala! Simula ngayon huwag na huwag mo ng lalapitan si Xianna!"nanggagalaiti niyang sabi bago ito binitiwan at isang malakas na suntok sa pader pa ang kanyang pinakawalan. Gusto sana niyang durugin ang pagmumukha nito pero pinigilan niya lang. Ayaw niya na kasing lumaki pa ang gulo. Pagkatapos non ay hinila niya na ang kamay ng dalaga palayo sa lugar na iyon. At nagtungo sila sa kabilang side ng building. Malalaki ang mga hakbang niya kaya nahihila niya na rin ang dalaga na nakabuntot sa kanyang likuran. "Riel!"dinig niyang sigaw nito kaya napatigil siya sa paghakbang at napalingon kay Xianna. "A-ang kamay mo. Dumudugo."muli ay usal nito sa kanya. Sa halip na sagutin niya ang dalaga ay hinablot niya ito palapit sa kanya at niyakap ito ng mahigpit. "A-are you okay?"malumanay niyang tanong. Habang hinahaplos ng isang kamay niya ang buhok ng dalaga. "Hindi ka ba nasaktan?"he asked in a very low tone. And in a second naramdaman niya ang paghagulhol nito sa kanyang dibdib na ikinataranta niya. "Sshh...please don't cry. May masakit ba sayo? Sabihin mo."tanong niya na bahagyang inilayo ang dalaga at sinipat ang mukha nito. He dry those tears. Pero di pa rin maubos-ubos ang mga luha nito. "Xianna, please..."nahihirapan na rin siya. Naramdaman na naman niya ang paninikip sa kanyang dibdib dulot ng mga luhang iyon ng dalaga. Yumakap lang muli ng mahigpit si Xianna sa kanya. "Ano pa ba ang ginawa nila sayo bago-"... "I miss you, Riel."she cut his words with that statement. "Nami-miss na kita ng sobra, Riel. Sa wakas, kinausap mo rin ako."dinig niyang salita nito. He just closed his eyes. Nakaramdam kasi siya ng pagkahilo at ang pintig ng kanyang puso ay para bang nakikipagkarerahan. Dahan-dahan niyang itinulak palayo ang dalaga at ngayon hinahabol niya na ang paghinga. "Riel, ano'ng nangyayari?"alam niyang sa mukha ngayon ng dalaga ay nag-aalala na naman ito sa kanya. Hinawakan niya na lang ng mahigpit ang kamay nito at hinila. "Umuwi na tayo, Xianna."yon na lang ang nasabi niya. "Riel, h-heto na ang gamot mo."nanginginig pa ang kamay ni Xianna nang abutin sa kanya ang kanyang gamot. Narito na sila sa loob ng sasakyan at inalalayan siya nitong makainom. Nahihilo pa rin siya at parang kinakapos sa paghinga. "Riel, pumunta na tayo ng ospital."naiiyak nang untag sa kanya ng dalaga. "N-no, I-I'm okay."tanggi niya. "Hindi ka, okay Riel!"dinig niyang tumaas na ang boses nito. "Manong, sa ospital po tayo."baling nito sa driver nila. "X-xianna..."sambit niya. Alam niyang ang mainit na mga bisig ng dalaga ang kanyang naramdaman bago nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD