Narito siya ngayon sa harap ng condo kung saan tumutuloy si Riel.
Kanina lang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang mama Aya.
Ayaw niya sanang pumarito pero dala ng malaking respeto niya sa ina ni Riel ay napilitan rin siyang pumunta.
Halos isang minuto na siyang nakatayo sa labas ng unit nito pero hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin siya kung magdo-doorbell ba siya o hindi.
Mariin siyang napapikit nang tuluyan na siyang makapag-decide na pindutin ang doorbell. Pero bago pa man niya iyon magawa ay bumukas na ang pintuan. Iniluwa noon napakagandang ina ng binata.
"M-mom..."mahinang usal niya.
"Xianna!"ngiting salubong nito sa kanya. Ang maaliwalas at masayang aura nito ay nakapagpakalma sa nililindol niyang pag-iisip.
"Pumasok ka na. Ikaw talagang bata ka. Akala ko wala ka ng balak pumunta rito."
"M-medyo naligaw lang po ako, mom. Kaya medyo natagalan ako sa pagparito."pagsisinungaling niya. Ang totoo nga niyan ay ihinatid siya ng kanyang ama bago pumasok ng opisina.
"Naku. Ayos ka lang ba? Sabi ko nga bang dapat sinundo ka na lang ng kapatid mo."anitong iginiya na siya sa loob.
"Ayos lang po ako, mom. Medyo naninibago lang ako, hindi pa kasi ako masyadong maalam sa lengguwahe rito."aniya. Hinila naman siya ng ginang patungo sa kitchen area.
"Halika, tikman mo nga itong niluto ko?"anito na iniabot ang sandok sa kanya na may lamang sabaw.
Kimi niyang tinikman iyon at hindi siya makapaniwalang sobrang sarap ng niluto nito.
"Ang sarap pa rin po ng luto niyo, mom. Ang tagal ko na ring hindi natikman ang luto niyo."sinsero niyang sabi rito. Ayaw niyang maging emosyonal pero di niya mapigilan. Sadyang na-miss niya lang ang taong mula pa sa pagkabata niya ay itinuring niya nang parang tunay na ina na siyang nagluwal sa kanya.
"Naku, ang prinsesa talaga namin. Binola na naman ako. Halika nga rito. Payakap nga."Sabi nito sabay yakap ng mahigpit sa kanya. Hinagod-hagod pa nito ang kanyang likuran.
"Na-miss talaga kita, Xianna. I thought, no, I mean we thought, na hindi ka na gigising pa. But luckily, dininig ng Diyos ang panalangin namin sa araw-araw na sana bigyan pa kami ng pagkakataon na makasama ang nag-iisang prinsesa namin."madamdaming wika nito.
"Patawarin mo ako anak, na minsan ay sumagi sa isipan kong mawalan ng pag-asa. Nahihirapan na kasi akong makita kang nakaratay at walang malay sa kamang iyon. But you know what? Riel has become a great doctor because of you. Hindi siya sumuko sa iyo. And even find ways to bring you here kahit na naka-coma ka pa. Lahat ginawa niya huwag ka lang bumitiw. Nasaksihan ko ang paghihirap at pagsisikap niya na sana isang araw ay himalang gigising ka sa mahabang pagkakatulog mo."mahabang litanya nito.
"And God never failed him. At heto ka ngayon yakap-yakap ko na."nakangiting sambit nito. Hindi na mapigilan pa ni Xianna ang paglalandas ng mga luha. Ang saya at lungkot ay naghahalo ngayon sa kanyang puso.
"S-sorry po, at pinag-alala ko kayo ng husto, mom." wika niya.
"Tahan na. Kalimutan na natin ang masamang bangungot na iyon at maging masaya na lang tayo."anito na iginiya siya sa dining area. "Heto, uminom ka muna ng tubig."
"Mom, s-si Riel po?"may bikig pa rin ang lalamunan niya nang banggitin ang pangalan nito. Lahat yata ng hormones niya sa katawan ay nabuhay dahil doon.
"Ay, naku! Pakipuntahan mo nga siya sa room niya. Ang sabi niya iidlip lang siya sandali pero tatlong oras na siyang naidlip. Lalamig na itong ihinanda ko para sa inyo kapag di pa siya gumising." parang umurong ang kanyang paa sa sinabi ng mama Aya niya. Diyata't iyong mapag-isa silang dalawa ang pinakainiiwasan niya.
"Opo, ma."tanging tugon niya kahit na labag man iyon sa kanyang kalooban.
Ang bigat ng kanyang mga hakbang na umakyat siya ng hagdan.
Pagkarating niya sa taas ay nadatnan niya ang medyo nakaawang nang pinto sa silid nito. Nag-dalawang isip pa siya bago mahinang kumatok sa dahon ng pinto. Pero ilang segundo ang lumipas ay wala siyang narinig na tugon mula sa loob kaya napagpasyahan niyang pumasok sa loob. Marahan niyang tinulak ang pinto at sumilip sa loob.
Nagtaka siya nang wala naman siyang nakikitang natutulog sa ibabaw ng kama nito.
"Ri-" parang gustong kumawala ng puso niya nang bigla na lang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa roon ang napakakisig na binata.
Napatda siya sa kinatatayuan nang magsalubong ang mga titig nila. Bigla yatang uminit ang buong paligid nang mapansin niyang tanging towel lang ang nakatabon sa matikas nitong katawan. Pakiramdam niya ay nagkaroon yata ng weather disturbance sa paligid. Nakikita pa niya mula sa salamin nitong bintana ang pagpatak ng niyebe sa labas. Alam niyang ilang negative degrees ang klima ngayon pero wari niya ay lampas sa 40 degrees heat index ang nararanasan niya sa loob.
He looks sexy and daring with his wet looks half naked. Pilit niyang iwinaksi ang isiping iyon.
"What are you doing here?"naniningkit nitong tanong sa kanya. Kung kani-kanina lang ay ramdam niya ang mataas na temperatura sa paligid ngayon nama'y feel niya na ang malamig na pagyeyelo sa labas sa paraan ng pagtatanong nito kasama pa ang malamig na titig sa kanya kaya nag-uumalpas na naman ang kaba sa kanyang dibdib.
"A..ano, i-ipinapatawag ka na ni mommy para k-kumain."halos batukan niya ang sarili dahil sa paraan ng pagtugon niya rito. Kung bakit ba kasi siya nauutal. Hindi naman siya ganito dati sa harapan nito.
"Ah, sige aalis na ako."aniya na mabilis tumalikod rito nang hindi ito sumagot sa kanya. But before she could walk away, she felt his arms wrapped around her waist.
Napasinghap siya sa ginawa nito.
He pulled her closer to his body and embrace her tenderly.
Gusto niyang maiyak sa paraan ng pagyakap nito sa kanya. Ramdam niya rin ang mainit nitong hininga na tumatama sa kanyang leeg. Kay tagal niyang nangulila sa mga yakap nito kaya di niya mapigilang maging emosyonal. Hindi niya na napigilan pa ang pamamalisbis ng mga luha.
And when she's about to close her eyes, she just saw the shutting of the door in front of her. And in an instant, she had found herself on top of his study table beside his bed. At ngayon ay kaharap niya na ang binata. Malambing itong yumakap sa kanya habang nakasubsob ang ulo nito sa pagitan ng kanyang leeg. Di niya tuloy mapigilan hawakan ang basa pa nitong buhok at hinaplos iyon. How she longed to be with his arms again. She misses him a lot and no words can describe her feelings right now.
"R-Riel..."halos bulong niya ng tawag rito. Bumitiw naman ito sa pagkakayakap sa kanya at pinagmasdan ang kanyang mukha. Tinuyo nito ang mga luha sa kanyang pisngi. And began to caress her cheeks carefully. Nakipagtitigan ito sa kanya.
"B-baka, hinahanap na tayo ni m-mama."medyo utal niya ng sabi at pigil ang hininga.
Gusto niya tuloy pagsisihan na sinabi niya pa iyon. Binitiwan na kasi siya nito at unti-unti na itong lumayo sa kanya at tumalikod.
"Susunod na ako." anito habang naghahanap ng damit na maisusuot.
"S-sige."halos pabulong na lang din niyang tugon rito at dahan-dahang bumaba sa mesa at lumabas na sa silid nito.
"O, gising na ba si Riel?" agad na salubong ng mama niya sa kanya.
"O-opo, mom. Susunod na po raw siya."tugon niya at tumulong na sa paghahanda ng mesa. Pero nagtaka siya nang limang plato ang hinanda nito. Ang alam niya ay silang tatlo lang ang kakain. Magtatanong pa sana siya nang makarinig ng doorbell sa labas at maingay na pagpasok ng kung sino mang panauhin ang dumating.
Halos mabitawan niya ang basong hawak nang paglingon niya ay sumalubong sa kanya ang nakangiting si Elise habang nakapulupot ang kamay nito sa braso ni Riel. Kasabay din nila ang masayang si Riu.
"Hi, Xianna."bati sa kanya ni Elise.
"H-hi."tipid niyang tugon at nagtungo na sa kabilang bahagi ng mesa.
"Hello, tita."dinig niyang bati nito sa mama Aya niya. Bumati rin at nagmano pa si Riu sa mama niya bago tumungo sa kanyang tabi.
"Hi, my beautiful sleeping beauty."nakangiting bati sa kanya ni Riu. Ngumiti lang siya rito.
"Mabuti naman at nakapunta kayo rito. Masaya ako at nakarating kayo sa espesyal na araw na 'to." dinig niyang wika ng mama Aya niya. Naupo na sina Riel at Elise sa harap niya. Samantalang pinili namang umupo ni Riu sa kanyang tabi. Alam niyang gusto lang nitong kulitin siya kaya doon ito naupo.
"Syempre naman po tita. Ang lakas niyo po sa akin, eh." nakangiting tugon ni Riu.
"Mom, ano po ba ang meron ngayon? Bakit espesyal?"naguguluhang tanong niya sa itinuring niyang ina.
"Syempre, espesyal! Espesyal dahil sa wakas ay gumising na rin ang sleeping beauty namin." tugon naman ni Riu na bahagya pang kinurot ang magkabila niyang pisngi na ikinatawa naman ng mama Aya niya at ni Elise. Napangiti na rin siya pero agad rin iyong napalis nang makita ang galit sa mga mata ni Riel.
Ang kaseryosohan sa mukha nito ay nagsasabing hindi ito natutuwa sa kung ano man ang bumabagabag rito.
Marami pa silang napagkwentuhan habang kumakain, lalong-lalo na at sobrang daldal ni Riu. Ang kulit lang din kasi nito. Nakikitawa na lang rin siya sa mga biro nito kahit na awkward ang tamang definition ng nararamdaman niya ngayon. Kaharap niya kasi si Riel. At magmula pa kanina ay hindi man lang ito nakikisabay sa mga tawanan nila. Alam niya kahit di man niya tapunan ng tingin ang binata ay nakatitig ito sa kanya. That signature cold stares of him is draining her energy and ruining her appetite to eat.
"Riu, pwede bang makisuyo na lang akong ihatid mo si Xianna sa kanila."dinig niyang pakiusap ng mama Aya niya kay Riu.
"Ma, ayos lang po ako."ika niya. "Huwag mo na akong ihatid, Riu. Kaya ko namang mag-commute."baling niya sa binata na ngayon ay inaayos ang sintas ng rubber shoes na suot nito.
"Mom, ako na po ang maghahatid kay Xianna." Napabaling silang lahat sa nagsalita.
"A-ayos lang ako. Tatawagan ko na lang si dad para sunduin ako."agap niya sa nais pa mang sasabihin nito.
"S-si Elise na lang ang i-ihatid mo."suhestiyon niya kahit labag iyon sa kalooban niya.
"No! I said ihahatid kita pauwi. May duty pa sila ngayon ni Riu sa ospital kaya isasabay niya na si Elise. And you, stay here! Ihahatid ko lang si mommy sa hotel. Pagbalik ko saka na kita ihahatid pauwi."he said in full authorization. Ni hindi na sila pa hinayaan nitong magsalita nang umakyat na ito sa second floor at pagbalik nito ay may dala na'ng coat.
"Riu, isabay mo na si Elise."wika nito.
"Yeah! As if naman may magagawa akong huwag siyang isabay."reklamo pa ni Riu. But then, he just received a cold stares from him.
"Tayo na, Elise."yaya nito sa dalaga.
"Y-yeah.."may pag-aalangan pang tugon ng dalaga.
"Xianna, mauna na kami."paalam nito sa kanya.
"Princess, uuwi na kami. Keep safe here, okay. Babalik din agad si Riel."wika ni Aya na niyakap na ng mahigpit ang anak-anakan.
"Xianna...uwi na kami."parang baliw na wika Riu na sumugod ng yakap sa kanya sabay gulo sa kanyang buhok. Pero agad rin naman siyang hinila ni Riel palayo.
"Stop it, Riu. Umuwi ka na nga lang!"inis nitong hagkis sa kaibigan.
"Mag-iingat po kayo, mom."aniyang yumakap na sa babaeng itinuring niya ng ina sa matagal na panahon.
"Stay, here. I'll come back to you."wika ni Riel. Hindi na naman mapakali ang puso niya sa sinabi nito. That double meaning words of him, confused her more. O, siya lang talaga ang masyadong nag-iisip at binigyan ng kaibang kahulugan ang sinabi nito.
Habang naghihintay siya kay Riel ay halos hindi mapakali ang kanyang puso.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin kapag sila na lang dalawa. With him around, made her feel suffocated. Alam niyang maraming nangyari sa nakaraan, marami siyang nasabi at nagawa na pinagsisisihan niya pero hindi niya pa rin matanggap na magpapakasal na si Riel sa iba.
Nasasaktan ang damdamin niya sa tuwing naiisip iyon. At mas lalo pang nadudurog ang puso niya sa isiping kay Elise ito magpapakasal. Si Elise na halos perpekto na ang lahat sa kanya at ni wala siyang maipintas. They're totally a perfect match in heaven. Kaya ayaw niyang maging kontrabida sa pagitan ng dalawa. Ayaw niyang maging dahilan sa lamat ng dalawa.
Ang naiisip niyang gawin ay maging masaya na lang siya para sa kanila. Afterall, he is still her foster brother.
Tama, she will do the right thing and be happy for them.
Ang maging masaya lang naman si Riel, iyon lang naman ang naging kahilingan niya noon at magpa-hanggang ngayon.
Dahil sa malalim na pag-iisip ay 'di niya na namalayan ang paglipas ng oras at nakaidlip na pala siya sa paghihintay sa pagbalik ng binata.
Nagising na lang siya nang maramdaman niyang may humahaplos sa kanyang pisngi. And there she saw his longing eyes bore to her face. The intensity of his gaze made her feel uneasy and so she rose from bed, in which her biggest mistake. Mas lalo lang kasi siyang napalapit rito. She could smell his minty fresh breathe and their face are only inches away from each other.
Hindi niya alam ang gagawin, kanina lang ay napagpasyahan niyang gagawin ang kung ano ang tama. Pero ngayon, tila naglaho na lang iyong bigla sa kanyang isipan.
She thought she could still act normal in front of him. But she was wrong! Totally wrong. Her heart still defeated her wits.
Napayuko na lang siya at umiwas sa mga titig nito.
"Xianna..."his hoarse voice made her more afraid of what she is fighting inside her mind.
"Ah, b-bakit nga pala ako nandito?"tukoy niya sa sariling nakahiga kanina lang sa malambot na kama ng binata.
"Ang natatandaan ko ay naroon ako sa sofa sa living room, naghihintay sayo."pag-iiba niya ng topic. Alanganin pa siyang ngumisi rito at dahan-dahan na pumanaog sa kama. Agad rin namang tumayo si Riel at may kung anong kinuha sa ilalim ng kama at tumungo sa kanyang harapan. And to her surprise, he slid a pair of cute bunny slipper onto her feet. That small gesture, made her heart sank again. His warm hands melted her heart once more.
"You sleep peacefully there and so I don't bother waking you up. The night is freezing cold so I think it is only right to carry you here inside my room to let you sleep peacefully."he stated.
"Uh." Speechless siya sa naging tugon nito.
"Ah, t-thank you...?" gusto niya nang batukan ang sarili sa pinagsasabi. Alam niyang napaka-awkward ng sitwasyon nila ngayon pero mas lalo pa iyong naging awkward dahil sa kanyang sinabi at ekspresyon ng kanyang mukha. Kaya nagmamadali siyang tumayo.
"Aalis na ba tayo?"ani niyang nagmamadaling tinungo ang pintuan. Lumingon siya sa binata nang walang makuhang sagot mula rito.
Nakita niyang umupo ito sa ibabaw ng kama at tinitigan siya. Naguguluhan tuloy siya.
"Riel, aalis na ba tayo?"ulit niya sa tanong nito.
"Come here."sa halip ay sagot nito sa kanya.
"Ha?" mas lalo siyang naguluhan sa tinuran at inasal nito. "Masyado ng gabi baka nag-aalala na ngayon si papa sa akin and his family. Uuwi na ako."mahaba niyang litanya just to ease the intense feeling she's suffering right now.
"Princess, come here. I have something to tell you."he said in his gentle voice. Para naman siyang nahipnotismo sa boses at mga titig nito sa kanya.
Huli na nang ma-realize niya ang ginawa.
And now she was sitting on his lap imprisoned by his sweet embrace.
"Riel..."halos bulong na lang niyang bigkas sa pangalan nito. His warmth embrace made her heart jolts again.
"Hmmm...?"tanging tugon ng binata sa kanya.
"W-what are you going to say to me?"she asked.
"You...still...smelled so... sweet, princess." sa halip ay sabi nito na nakapagpatigil ng kanyang mundo. He begun to sniff her neck which made her stiffened for an instant.