Chapter 5

2181 Words
PAGKATAPOS ilagay sa loob ng bag ang lahat ng mga gamit ni Aloha ay nagsuot siya ng sweater at scarf at isinukbit ang bag niya. Napatingin pa siya sa kaniyang wristwatch. Dapat kaninang alas kwatro pa tapos ang duty niya pero dahil may tinatapos pa siyang sales report kaya nag-overtime muna siya ng isang oras. Napahinga siya ng malalim at naglakad palapit sa mesa ng kanilang Department head para ilagay sa table nito ang katatapos lang niyang gawing sales report. Pagkatapos ay lumabas na siya ng Warehouse kung saan siya nagtatrabaho bilang isang salesclerk. Malamig ang panahon sa Baguio kapag buwan ng Disyembre. Mahigit dalawang buwan na mula nang tumakas sila ni Nathalie sa ospital at dinala siya nito rito sa Baguio. Nang araw ring iyon ay sinabi nito sa kaniya kung bakit siya nito itinakas. May babae raw kasi na nagwawala sa ospital nang araw na iyon at may kasama pang mga pulis. Ang sabi, pinatay raw niya ang anak nitong si Mr. Xavier Lim. Iyon ang malaking problema na hindi niya kayang solusyonan dahil sa wala siyang maaalala. At hindi lang iyon, may lalaki rin daw na ilang ulit ng nagpabalik-balik sa ospital at hinahanap siya. Hindi naniniwala ang mga staff ng ospital lalo na si Dra. Delgado na ito ang asawa niya kaya kinakailangan siya ng mga itong itago. Hindi kasi ang mga ito naniniwala na papatol siya sa isang lalaking mukhang basagulero at puro patik pa ang katawan. Pero ramdam niyang may iba pang tinatago si Nathalie sa kaniya at hindi lang iyon doon nagtatapos ang kuwento nito. Pero dahil biglang sumakit ang ulo niya ng araw na iyon kaya hindi na lang nito itinuloy pa ang pagkukwento sa kaniya. Hindi na rin siya nagtanong pa kay Nathalie dahil kapag sinubukan niyang isipin ang mga gusto niyang itanong ay sumasakit ang ulo niya at mahihimatay na naman siya. Kaya mas minabuti na lang niyang manahimik at magtiwala kay Nathalie. Hindi nga niya alam kung bakit gano’n na lang kabait sa kaniya ag babae. O baka naawa lang talaga ito sa kaniya dahil parehas na silang walang pamilya. Wala sa sariling naitaas niya ang kaniyang kaliwang kamay at napatingin na naman sa kaniyang palasingsingan. Kung wala na siyang pamilya, bakit may suot siyang wedding ring? At alam niyang hindi lang ito basta-basta isang singsing lang dahil napakamahal nito. Minsan na kasi niyang sinubukang ibenta ang singsing sa isang pawnshop nang magipit siya pero nang sabihin ng teller doon ang halaga ng singsing ay kaagad siyang umatras at hindi itinuloy ang pagbebenta n’yon. Naglalakad na siya sa gilid ng kalsada upang maghintay ng masasakyan nang maramdaman niyang tila may mga matang nakatingin sa kanya. Inilibot niya ang paningin sa buong lugar pero kaagad kumunot ang noo niya nang mapatingin siya sa kabilang bahagi ng kalsada. Bigla siyang kinabahan nang makita niyang naroon na naman ang isang itim na kotse na madalas niyang nakikita kapag ganitong oras. This time, mukhang may tao sa loob n'yon dahil naka-on ang bumper light ng sasakyan. Napakurap pa siya nang magsimula na namang manginig ang kanyang mga kamay kaya pinagsalikop niya ang mga iyon. “Aloha.” Napasinghap siya ng malakas nang may kumalabit sa kanyang balikat at agad pumihit sa taong gumawa noon. “Uuwi ka na ba?” nakangiting tanong ni Gerry sa kanya na siyang gumawa pala n'yon. Napakurap siya at agad niyang idinistansya ang sarili sa lalaki. Hindi man lang niya namalayan ang paglapit nito sa kaniya. Mabait naman ito sa kaniya kaya lang hindi lang niya maiwasan na matakot sa lalaki. Lalo pa at may mga pangyayaring naganap na hindi pa nahahanapan ng kasagutan nitong mga nakaraang buwan. Tatlong mga lalaking kasamahan na kasi nila sa trabaho ang pinatay. “O-Oo.” Medyo nautal pa niyang sagot at tumingin ulit sa kabilang bahagi ng kalsada kung saan nakaparada ang itim na kotse pero wala na roon ang sasakyan. Sinubukan pa niyang ilibot ang paningin sa paligid pero wala na talaga ito roon. Hindi man lang niya napansin ang pag-alis nito. “May problema ba?” tanong ni Gerry kaya nabalik ang tingin niya rito. Umiling siya. “W-Wala,” nauutal na naman niyang sagot. Ngumiti naman ito at tumango. “Kanina pa kita tinatawag, but seems your mind was too preoccupied not to notice my presence.” Tila nagtatampo pang sabi ni Gerry sa kaniya. Nanatili pa rin itong nakatayo sa tabi niya pero may distansiya na. Napangiwi siya. “Sorry,” hingi niya ng paumanhin. She heard Gerry chuckled. Ka-office mate niya ito at isa sa mga lalaking nagpapalipad hangin sa kaniya. At isa rin ito sa mga lalaking sinupalpal niya at sinabihang may asawa na siya sabay pakita niya sa suot niyang wedding ring. Pero makulit pa rin ang lalaki at hindi pa rin tumitigil sa pagbibigay ng kung anu-ano sa kaniya. Sabi nito, hangga’t wala pa raw itong lalaking nakikita na sinusundo siya at nagpapakilalang asawa niya ay hindi raw ito titigil sa panliligaw sa kaniya. “It’s okay." Nakangiti pa ring sabi nito. "Anyway, sumabay ka na sa’kin.” sabi nito sa kaniya at agad inabot ang kamay niya kaya napaatras siya at agad iniwas ang kamay niya rito. “Hindi na, Gerry,” she said, declining him again. Nang may matanaw siyang jeep na paparating ay kaagad niya iyong pinara. Mas lalong nanginig ang mga kamay niya kaya pinisil-pisil niya iyon. Nang huminto ang jeep sa harap niya ay agad din siyang sumakay. Ilang ulit na ba siyang inalok ng lalaki? Hindi na niya mabilang at hindi na rin niya mabilang kung ilang ulit na rin niya itong tinanggihan. Hindi lang sa paghahatid sa kaniya ito nangungulit dahil pati meryenda at lunch ay inaaya rin siya nito na palagi rin niyang tinatanggihan. Malalim siyang napabuga nang hangin. Napa-isip na naman siya tungkol sa itim na kotse na laging nakaparada sa kabilang gilid ng kalsada. Isang linggo na rin na gano’n ang madadatnan niya pagkalabas niya sa Warehouse. Minsan naman ay natatanaw niya itong humihinto sa tapat ng Central Warehouse tuwing lunch break. Pero wala namang taong lumalabas mula sa loob. Hindi rin niya masasabi na baka may hinihintay ito o isa ito sa mga empleyado ng kompanya dahil bukod sa Warehouse na pinagtatrabahuan niya ay wala ng malaking building o kompanya ang nakatayo malapit sa street ng Warehouse. Ipinilig niya ang kaniyang ulo para iwaglit ang mga masasamang iniisip niya. Pero hindi talaga maalis sa isip niya iyon dahil araw-araw na lang ay may nababalitaan siyang pinatay. The victims were brutally killed by the killer. At ang huling pinatay sa lugar na ito ay ang lalaking head department nila na nagtangka sa kaniyang gahasain siya. Mabuti na lang at dumating si Nathalie nang araw na iyon. Ipinakulong nila ito pero kinabukasan noon ay natagpuan na lang ang lalaki na namatay dahil binugbog ng mga kasamahang preso sa loob ng selda. NAHAHAPONG sumalampak siya sa maliit niyang sofa pagkarating niya sa kanyang apartment. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. Bakit ba kinakabahan siya kapag nakikita niya ang itim na kotse na iyon? Hindi rin niya alam kung bakit ilag din siya sa mga lalaki. May nangyari kaya sa kaniya na may kinalaman sa mga lalaki? Isa kaya iyon sa dahilan kung bakit nawala ang memorya niya? She sighed in frustrations. Bakit ba kasi hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naaalala? She shook her head to dismiss her thought, ayaw na muna niya iyong isipin baka sasakit na naman ang ulo niya. Hindi pa naman makakauwi ngayon si Nathalie dahil may siminar itong dinaluhan sa Davao. At isa rin iyon sa hindi niya maintindihan sa sarili. Nang banggitin ni Nathalie ang Davao ay parang may kumudlit na sakit sa dibdib niya. At pakiramdam niya pamilyar sa kaniya ang lugar na binanggit nito. She sighed again. Akmang tatayo na sana siya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Agad niya iyong kinalkal sa kanyang bag at tiningnan kung sino ang tumawag. Nathalie’s calling… Agad siyang napangiti nang makita ang pangalan ni Nathalie sa screen ng kanyang cellphone. “Hello, Nath,” excited niyang sagot sa kaibigan. Dalawang araw na kasi niya itong hindi nakita kaya medyo naninibago siya na hindi niya ito kasama. “Aloha, nasaan ka?” Walang pasa-kalyeng tanong nito na ikinakunot ng noo niya. Halata rin sa boses nito na kinakabahan ito. “Nasa apartment na ako,” aniya at bago pa man siya makapagtanong nang magsalita na naman ito. “Thank God,” anito na tila nakahinga ng maluwag. "Bakit? May problema ba?" Nag-aalala tuloy niyang tanong. “Nah, it's nothing. I just wanna check on you. Anyway, iyong bilin ko sa’yo na kapag may kumatok sa pinto ng apartment mo at dis-oras na ng gabi ay h’wag mo ng bubuksan, kahit kilala mo pa, okay?” Napatango na lang siya sa bilis ng pagsasalita nito. “And please, matulog ka ng maaga at h’wag ka ng manood ng balita. I’ll be there, first thing in the morning.” Mas lalong kumunot ang noo niya sa mga pinagsasabi ni Nathalie. Madalas kasi siyang nanonood ng balita bago matulog. Pero, seriously? Ano ba ang problema nito at parang aligaga na naman ito sa pagbibilin ng kung anu-ano sa kaniya? May nangyari kaya? “Nath, may nangyari ba?” kinakabahang tanong na naman niya. Pakiramdam kasi niya ay nagpapanik ito sa kabilang linya. Halatang-halata iyon sa boses nito. “Ha? W-Wala. Ano ka ba? Sinisiguro ko lang na safe ka d’yan habang wala ako.” sabi nito na pilit pinapakalma ang boses. Pero baka wala naman talaga at pandinig lang niya ang praning. “Anyway, how was your day?” tanong nito. Napataas ang isang kilay niya. Ang bilis maka-change topic ng babaeng ‘to. Napailing na lang siya at napangiti. “Well, okay lang naman kaya lang, uh---” nahinto siya at iniisip kung sasabihin ba niya ang tungkol sa itim ng kotse. “What? Is there something wrong? May gusto ka bang sabihin? Tell me?” sunud-sunod na naman nitong tanong. Bumalik din ang panic sa boses nito. Mariin niyang pinaglapat ang mga labi at nagpasyang sabihin dito ang nangyari kanina. “Uhm, Nath, natatandaan mo pa ba iyong sinabi ko sa’yong itim na kotse na laging---” “Damn it, who is he? Did he hurt you?” Agad na putol nito sa kaniya. Nailayo pa niya ang phone sa kanyang tainga nang marinig niya ang pagmumura nito sa kabilang linya. Ngayon lang niya ito ulit naringgan na nagmumura simula noong tumakas sila sa ospital at galit pa. And wait, did she say, he? “Aloha, answer me.” puno ng pag-aalalang untag nito sa kanya. Napakurap siya. “No. I mean---relax, okay? Same pa rin naman ang place kung saan naka-parking iyong sasakyan at saka naisip ko lang naman na baka ako lang talaga itong praning at kung anu-anong iniisip na masama.” sabi niya. She heard her sigh, na tila nakahinga ng maluwag. “Okay, sige na matulog ka na. Ah, wait, h’wag ka na munang pumasok sa trabaho bukas---” “Wait, Nath hindi pupuwede iyon.” She said, cutting her off. “Alam mo naman na kailangan na muna namin na mag-file ng leave bago kami a-absent, ‘di ba?” Hindi kasi puwede na a-absent na lang siya bigla na walang paabiso dahil siguradong sesante ang aabutin niya. At hindi puwedeng matanggal siya sa trabaho dahil ano na lang ang kakainin niya? “Don’t worry, I’ll call, Regie for you.” Anito na ikinasimangot na lang niya. Ang Regie na sinasabi nito ay ang immediate boss niya na best friend nito. “Sige na matulog ka na at h’wag mong kalimutang mag-double lock ng mga pinto, and please, h’wag mo muna akong suwayin ngayon. Sige na, I’ll call you tomorrow, resume na kasi ng seminar namin. Bye.” sabi nito at bago pa man siya nakasagot ay nawala na ito sa kabilang linya. Napabuntonghiningang napasandal na lang siya sa may sandalan ng maliit niyang sofa. Ramdam talaga niyang may kinatatakutan si Nathalie. Hindi lang niya alam kung ano o kung sino. O baka tungkol pa rin ito sa pagtakas nila noon sa ospital. Hanggang sa makapasok siya ng kanyang silid ay iniisip pa rin niya ang kaibigang si Nathalie. Maganda, professional at may magandang trabaho ito bago pa man niya ito nakilala pero pinili nitong umalis sa trabaho para lang samahan siya rito sa Baguio. Kung tatanungin naman niya ito kung magkakakilala ba sila bago siya naaksidente ay lagi lang nitong sinasabi na hindi at naawa lang talaga ito sa kaniya nang makitang nakaratay siya sa ospital na pinagtatrabahuan nito at walang malay. Nagising siya kinabukasan sa tatlong sunud-sunod na katok mula sa pinto ng kanyang apartment. Pupungas-pungas na agad naman siyang bumangon at agad napatingin sa maliit na alarm clock sa kanyang bedside table. It’s 6 a.m. Baka si Nathalie na ang dumating. Agad siyang nagsuot ng kanyang pambahay na tsinelas at lumabas ng kanyang silid para pagbuksan ang kaibigan. Pero gano’n na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang hindi si Nathalie ang nabungaran niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD