"Hindi namin alam kung saan sila nagpunta, ang huling kita namin sa kanya yung paglabas niya sa bahay habang dala nito yung bata na nakabalot sa kumot. Pero bago mawala yung nanay ni Kamira sa paningin namin may sinabi ito na mga salita habang luhaan ay tumingin ito ng masama sa lahat ng tao dito marahil dahil sa matinding galit." Nagkatinginan silang mag-kapatid sa mga sinabi nito at nakaramdam sila ng awa sa pagkawala ng dating kasintahan. "Anong sinabi ni Aleng Qarinah?", Paguusisang wika niya rito. "Hindi maintindihan pero parang salitang latin. Ang sabe dito ng ilang mga taga nayon na nakakaintindi ng salitang latin ay isa daw yung sumpa." Nakaramdam siya ng takot at biglang tumayo ang kanyang mga balahibo at kasabay nun ay ang pag-ihip ng malakas na hangin, dahilan para haplusin niya

