Matapos na silang mag-almusal ay nagpasalamat siya sa dalawang gwardya na tumulong sa kanya. Pagkatapos lumarga na sila papunta sa lugar kung saan sila nakatira. "Suhana, bakit ang tahimik mo? Huwag mo ng isipin pa yung hot dog ko," pilyong ngiting wika nito sabay na sinipat sya sa salamin ng sasakyan habang nagmamaneho. "Healer, wala akong oras makipag biruan sa'yo. Ang iniisip ko sila mama at papa, nag-aalala na ang mga iyon sa'kin." "Relax! Malapit na tayo," sabay hawak nito sa kamay nya kaya kaagad na binawi ang kamay rito. "Healer, nakakarami ka na, kung hindi halik hahawakan mo ang kamay ko. Ipaalala ko lang sa'yo, hindi kita boyfriend para gawin mo sa'kin yun," Pagtataray na wika niya. "Okay, liligawan na lang kita para maging boyfriend muna ako." "Sorry, pero hindi kita type! Ano

