Kinabukasan ay nagising ako't pakiramdam ko ay tamad na tamad ako. Parang mas lumala pa ngayon kaysa sa mga nakaraang araw. "Buti gising ka na. Balak pa naman sana kitang buhusan ng malamig na tubig." Napairap ako nang lumabas si Delayla mula sa banyo ay may hawak nang basin na may lamang tubig. "Why the hell are you barging in my room?" "Ano?" Inilapag niya ang basin sa sahig at saka nagpamaywang sa aking harapan. "Hoy kapatid! Tanghali na kaya. Hindi ka naman lasing kagabi nang umuwi ka at lalong hindi ka naman umuwi ng late. Pero grabeh! Daig mo pa ang may hangover." "I'm hungry," nakanguso na sabi ko at saka tumayo't inayos ang aking sarili. "Edi kumain ka. May pagkain naman sa baba, wala sa'kin ang pagkain." Padabog na lamang akong bumaba at iniwan ang kapatid kong bungangera.

