"Farahley, medyo marami ang may gusto ng apple tart." Tumango-tango ako habang inilalagay sa mangkok ang order na french onion soup. "Farahley! Oh my!" "Teka, Delayla. Huwag ka munang malikot at baka matapon itong soup." Agad kong iniabot sa isa naming kaklase ang soup nang matapos ako. "Ito na ang order." "Salamat, Farahley." "Oh my, Farahley! Si Williams nasa labas! Kakain daw siya!" Agad naman akong napatigil at napalunok. Bakit ang bilis? Mga ilang minuto pa lang bago mag-open ang booths, iniwan niya na agad ang booth nila para kumain? Nakakaloka! "Edi kumain siya, alangan namang subuan ko pa." "Eh kasi!" Hinampas niya ako. "Gusto niyang tikman lahat ng putahe natin. As in iyong apat!" "Why?" "Ikaw kasi ang cook!" Sinundot niya pa ang baywang ko with matching tuksong tunog

