Humikab ako habang nanonood ako ng Netflix dito sa living room. Ilang araw na rin mula noong malaman ng mga magulang namin na buntis ako. At ito, hindi na muna nila ako pinapasok sa opisina. Mag-isa lang din ako ngayon, dahil nasa kompanya silang lahat para asikasuhin ang mga dapat. Mabuti na nga lang ay nandito si manang para asikasuhin ako, binibigay niya rin naman agad ang mga gusto ko kapag humingi ako. "Farahley!" Bigla akong nabuhayan at napatayo nang pumasok sila Ares, Gester, at Ms. Fezel. Gosh! Ngayon ko lang ulit sila nakita. "Oh my goodness! Girl, I miss you!" Niyakap ako ni Ares, pero napasimangot ako dahil natatawa si Gester sa hindi malaman na dahilan. "Farahley." Tumawa ulit siya, at saka tumikhim. Binigyan niya ako ng mapag-larong ngiti at sinabing, "You're pregnant,

