I stretched my arms as I woke up on my bed. Ilang beses pa akong humikab at saka tuluyan nang bumangon. Binuksan ko ang kurtina ng aking kwarto at nakangiting sinalubong ang liwanag na nagmumula sa araw. "Good morning, universe!" Sigaw ko. Ewan ko ba, pero parang sobrang ganda na ng mood ko simula nang sabihin ni Williams ang sinabi niya kahapon. Imbes na ma-offend ako, ay para pa akong kiniliti sa baywang sa sobrang tuwa. Nagugustuhan na kaya ako no'n? Ang hirap kasi sa kaniya ay hindi siya tulad ng ibang lalaki na halikan ko lang ay luluhod na sa harapan ko't magmamakaawang umisa pa. Pero duh! Kaya ko nga siya bet dahil hindi siya tulad ng iba. But! It's hard pala. Hayst! Ang hirap niya basahin. "Fara?" Napalingon ako sa pinto nang may kumatok. Agad akong umayos at saka nagsalit

