"Bakit nagyaya ang bitchesang ito dito sa bar?" Iyan ang bungad na tanong ni Aimey nang madatnan niya kami na umiinom ng tequila. Hindi ko na lamang siya pinansin at tumingin sa paligid. Maingay, at mausok ang bar kaya medyo nakakaramdam ako ng iritasyon. But I want to drink. "Is she brokenhearted?" "Nag-break na sila?" "Why naman? Sabi mo Aimey nagbago na itong friend natin, bakit ganito pa rin naman siya? Gosh!" Napailing na lamang ako dahil sa mga pinagsasasabi nitong mga kasama ko. Wala naman akong ibang mayaya na iba kundi sila lang. Alangan naman na mag-ibang bansa pa ako para lamang makahanap ng kasamang uminom dito. "Just want to think," sabi ko at saka sumimsim sa aking tequila. "Wow! Think? At dito sa bar mo pa talagang napili mag-isip, huh? Ibang klase rin naman pala iy

