"Hey, hey!" Ngumiti ako ng malawak nang humarap sa'kin si Renzo. Hindi ko inaasahan na makikita ko siyang pagala-gala. "Farahley?" Sinipat niya ang kabuuan ko na para bang hindi siya makapaniwala na nakatayo ako sa kaniyang harapan. Napanguso na lamang ako't hinawi ang aking buhok. "Who else?" "s**t! I didn't expect to see you." Napairap ako at saka tinapik ang balikat niya. "Bakit ka nandito sa labas ng studio? Are you here para manood ng rehearsal for the upcoming runway?" "Not really. Napadaan lang ako dito. You are a model, right? And kasama ka sa models ng runway?" "You know about it pala, akala ko ay hindi dahil sabi mo napadaan ka lang. Babawiin ko sana iyong tanong kong nandito ka para manood ng rehearsal para sa runway." I chuckled at a bit, pati rin siya ay natawa. "Yes,

