Pagkatapos namin mag-usap ni Cloe, ay iniwan muna kami nito para makipag-usap sa ibang bisita. Samantalang kami naman ni Declan ay naiwan sa aming table at masayang nakipag-usap sa ibang kakilala nito na kapwa mga negosyante rin. Hanggang a yayain ako nitong sumayaw. “Halika, sumayaw na muna tayong dalawa doon.“ “Sige, halika nakangiting wika ko dito.“ Agad kami nag tungo sa gitna, at nag sayaw kami ng sweet dance. Hawak nito ang maliit na baywang ko habang ako naman ay nakakapit sa dibdib nito. “Alam mo bang ikaw ang pinakamagandang babae sa party na ito? Nakangiting wika nito sa akin. “Salamat, “ “Alam mo ba na sa tuwing kasama kita, hindi ko mapigilan ang malakas na t***k ng puso ko? “ Nakangiting wika nito. “Pwede ba wag mo nga ako daanin sa mabulaklak mo salita? “Natatawang

