Matapos ko makapagbihis, ay dumiretso na agad ako sa office ni Daddy, tulad ng sinasabi nito. Pagdating ko doon ay nakita ko ito nakaupo sa kanyang table habang si Mommy ay nakaupo naman sa gilid ng table nito. Maya-maya ay pumasok narin si Declan at naupo sa sofa habang kampante na nakatingin sa aking ama. “Siguro naman ay alam na ninyo ang dahilan kung bakit ko kayo pinatawag.“ Diretsong wika ni Daddy. “Dad, sorry po, hindi na poh mauulit iyong nakita ninyo kanina. Wala lang poh iyon.“ Nakatingin na wika ko. “Nikkie, nagkausap na ba kayo ni Charles? “ “Hindi pa po, Dad, pero balak ko po na kausapin siya.“ “Mabuti kung ganoon. At tungkol sa inabutan namin kanina, hindi iyon pwede basta na lang pabayaan. Marami nang kahihiyan ang pamilya na ito, at ayoko na dagdagan pa. Alam ba n

