3rd person POV. Pagdating ni Declan at ni Nikkie sa hotel ay agad bumaba ng sasakyan si Declan at hinila nito si Nikkie papasok sa hotel. Pagdating nila sa hotel ay halos mamangha si Nikkie nang makita ang ganda ng hotel room ni Declan. Dahil hindi lang basta hotel ang pinagdalhan nito sa kanya dahil dinala siya nito sa isang 5-star hotel. “Wow, ang ganda.“ “Nagustuhan mo ba? Alam mo ba makakaparelax ka dito ng husto? May sarili akong jacuzzi sa loob. Pwede mo iyon gamitin mamaya para makapag-relax ka nang husto.“ “Sure ka bang ipagagamit mo sa akin iyon ? “ “Oo naman,” “Wait, ikukuha kita ng damit mo para may magamit ka dito .“ Agad itong tumalikod sa kanya at nagpunta sa walking closet para maghanap ng pwedeng isuot, Nikkie. Habang si Nikkie naman ay naglibot-libot sa loob ng

