Nang magising ako ay halos dilim parin sa paligid at yakap-yakap parin ako ni Declan.
Kaya dahandahang tumayo ako para lisanin ang lugar na iyon. Maingat na tumayo ako dahil ramdam ko parin ang sobrang sakit ng aking gitna.
Pakiramdam ko ay lalagnatin pa ako ng sandaling iyon kaya habang tulog si Declan ay agad ako lumabas ng kotse upang umalis na. Ayoko na mag kita pa kaming dalawa dahil hindi ko siya kaya harapin.
Hindi ko alam kung paano ko nagawa ibigay ang sarili ko sa kanya; siguro masyado akong nasaktan sa ginawa ni Charles sakin kagabi.
Pagdating ko sa bahay ay agad ko nilinis ang katawan ko.
At matapos noon ay bumaba na ako para mag-agahan.
Ilang araw na wala kami katulong sa bahay dahil pinag-bakasyon na muna namin ito para makasama nila ng mahaba ang kanilang pamilya.
Kaya ako na lang ang nagpasya magluto ng umagahan namin kahit ramdam ko parin ang matinding sakit ng aking gitna.
Maya-maya lang ay nakita ko si Mommy at Daddy na pumasok sa kusina at nagtatakang napatingin sa akin.
“Anak, jusko, ano nangyari sayo? Saan ka galing? Bakit ka bigla umalis? Kagabi ka pa namin hinahanap. Alam mo ba na nag-aalala kami sayo ni Charles? “
Agad akong nakaramdam ng matinding galit nang sabihin ni Mommy iyon kaya inis na naibagsak ko ang hawak ko na sandok na ikinagulat ni Mommy at Daddy.
“Huwag na ninyo banggitin ang pangalan niya, Mommy. Ayoko na marinig ang pangalan niya sa bahay na ito at wala ring kasal na mang yayari.“
“Bakit anak, ano bang problema ninyo? “Tanong ni mommy sakin.
“Niloko niya ako, Mommy, sinaktan niya ako huling huli ko siya kagabi na may katalik na iba at ang masakit wala siyang pakielam ng makita niya ako."
Sabay Tulo ng luha ko Habang umiiyak.
“Anak, totoo ba iyan? Pero mukha namang ayos kayo, hindi ba? “
“Iyon din ang akala ko na ok kami, pero isa siyang gago manloloko, sinaktan niya ako.“ Umiiyak na wika ko, saka ako nagtatakbo papasok sa aking silid.
Hanggang ngayon kasi ay hindi ko makalimutan ang sakit na ibinigay sa akin ni Charles.
Pagdating ko sa silid ko ay agad akong bumalik sa kama at niyakap ang aking unan habang patuloy na umiiyak.
Nasa ganoong sitwasyon ako ng bumukas ang pinto ng aking silid at pumasok doon si mama at saka ito naupo sa aking tabi. Agad siyang naupo sa aking tabi at hinaplos ang aking ulo.
“Anak, s-orry, hindi ko alam kung ano ang nangyari kagabi. Hindi ko gusto nasasaktan ka ng ganyan at nahihirapan.
Sana wag mo pabayaan na matalo ka ng sakit at lungkot.
Iha, wag mo kalimutan narito kami ng daddy mo. Anuman ang nangyari sa inyo ni Charles, alam ko makakaya mo lagpasan iyan.
Anak, wag kang magpatalo sa sakit at lungkot.
Alam ko lugmok ka ng husto, pero sana ipakita mo na kaya mo siyang kalimutan at kaya mo siyang labanan.
Anak, ayoko makita ka na magmukmok dito sa silid mo. Maraming pasyente ang nag hihintay sayo at sana sa kanila ka humugot ng lakas.
Sila ang gawin mo inspiration para makalimutan mo ang sakit na nararamdaman mo.
Ang mga bata na nag hihintay sayo sa hospital, lahat sila ay umaasa sayo, kaya kailangan mo maging matatag.
Bumangon ka, Iha, at puntahan mo ang pasyente mo.“
“Hindi ko kaya magtrabaho, Mommy. Ayoko pumunta sa ospital. Ayoko pag-usapan nila ako.“
“Hindi mangyayari iyon, anak, maniwala ka sakin. Kung kami nga hindi namin alam ang nangyari sa inyo kagabi, kaya imposible malaman nilang lahat kung ano ang nangyari sa inyo.
Isa pa ngayon darating ang bagong investor natin.“
“Investor?“
“Yup, kanina lang magkausap ang daddy mo at ang bagong investor natin.
Sinabi niya na ngayon darating ang mga bagong kagamitan sa ating hospital at gusto ka niya makita.“
“Ako? Bakit ako? “
“Dahil niligtas mo ang buhay niya, anak. Baka nais lang niya magpasalamat sayo.“
Nakangiting wika ni Mommy na ikinatango ko na lang dito.
“Sige, Mommy, papasok ako ngayon.“ Seryosong wika ko. Na ikinangiti naman ni Mommy, ayoko sana na pumasok pero may kung ano ang tila bumubulong sa akin para pumasok ako sa opisina.
Matapos namin mag-usap ni Mommy, agad akong tumayo sa kama para pumunta sa banyo para maligo.
Nag suot lang ako ng isang bistida na kalimitan na isinusuot ko sa ospital.
Simple lang ito at formal tingnan.
Matapos ko iyon isuot ay sinuklay ko ang buhok ko at saka ko isinuot ang salamin ko sa mata.
Bata pa lang ako, malabo na ang mata ko kaya kinakailangan ko gumamit ng salamin o kaya contact lens.
Pero dahil mugto pa ang mata ko sa pag-iyak ay mas pinili ko na lang na gumamit ng eyeglasses.
Para hindi ito masyado halata.
Pagkatapos ko ay naglagay lang ako ng lipstick para hindi mahalata ang pamumutla ko.
Anemic rin kasi ako kaya medyo maputla ako tingnan kaya kinakaylangan ko pa mag apply ng lipstick para takpan ang pamumutla ng aking labi.
Matapos ko ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako at saka ako nag pahatid sa driver ko.
Medyo hindi ko pa kasi kaya magmaneho ng sariling sasakyan ko, lalo na at wala pa ako sa sarili ko, kaya naisipan ko na lang na magpahatid sa driver papunta sa hospital.
Pagdating ko doon ay agad akong sinalubong ni Cloe.
“Nikkie san kaba galing? Bakit ka umalis ng hindi nagpaalam kagabi? “Takang tanong nito sa akin.
“Sorry, friend, medyo sumama kasi ang pakiramdam ko kaya umuwi na ako.“
“Masama? Paanong sasama ok ka naman kagabi. Nakasayaw mo lang iyong gwapong lalaki nawala kana? Wag mo sabihin isinuko mo ang Bataan mo sa lalaking iyon. Paano na ang kinabukasan mo kasama si Charles? “
“Shut up! Cloe,” pwede ba manahimik ka at tigilan mo ang katatalak mo diyan.“ Galit na wika ko dito.
Hanggang sa iwanan ko siya.
“Hoy, friend, sorry na, binibiro lang naman kita. Masyado ka maramdamin.“
Agad nitong hinawakan ang kamay ko para pigilan ako kaya napatingin ito sa aking mata.
“Teka, umiyak ka ba? “Tanong na wika nito sa akin.
Agad ko binawi ang kamay ko sa kanya at nag-iwas ng tingin dito.
“Hindi ako umiyak; puyat lang ako. Mabuti pa, bilisan na natin. May meeting tayo kasama ang isang investor at kaylangan kompleto tayong humarap sa kanya dahil ngayon darating ang mga gamit na ibibigay nila sa ating hospital.“
Seryosong wika ko na ikinatango naman nito sa akin.
Pagdating ko sa clinic ko ay inilagay ko ang gamit ko doon at saka ako nagtungo sa conference room kung saan gaganapin ang meeting namin.
Pagdating ko doon, nakita ko nakaupo na si Mommy at Daddy sa upuan nila kasama ang mga board members.
Nauna umalis ng bahay sina Mommy at Daddy dahil nais nila na sila ang sumalubong dito.
Agad ako hunalik sa kanila at nakipagkamay sa bawat member ng board.
Pagkatapos noon ay naupo na ako sa aking upuan para makinig sa meeting ni Daddy.
“Good morning everyone, nais ko magpasalamat sa pagdalo ninyo dito sa meeting na ito.
Ang pag-pupulong na ito ay para ipakilala sa inyong lahat ang bagong member ng ating Board na may pinaka malaking investment sa ating hospital.
Sa katunayan ay nagbigay sila ng mga mamahaling kagamitan para sa ating hospital.
At dahil lahat iyon sa aking anak na si Nikkie. Dahil sa pagligtas ni Nikkie sa lalaking ito, ay agad itong sinuklian ng isang napakagandang regalo para sa ating lahat.
Na may maganda naman na idudulot sa ating hospital dahil makakatulong ito upang mas makilala ang ating hospital ng napakaraming tao at bukod doon mas marami rin tayong matutulungan.
Hindi ko na patatagilin pa ito dahil alam ko nais na ninyo makilala siya.
Ladies and gentlemen, I would like to welcome our new board member, Mr. Declan Wade! “
Agad itong pumasok sa pinto sa conference room kaya mabilis na napatayo ako sa aking kinauupuan ng makita ko ang napakagwapong mukha nito.
Na direktang nakatingin sa akin.
Agad nag-tama ang paningin namin na naging dahilan para biglang bumilis ang t***k ng aking puso dahil sa kaba.