Masarap sana ang tulog ko kagabi, pero maaga pa lang ay nagising ako na parang may kung anong gumuguhit sa dibdib ko. Hindi masakit—hindi rin masikip—pero may tamang tampo ng kaba at saya na sabay na kumikiliti sa sikmura ko. Para akong batang hindi makapag-antay sa field trip, pero hindi ko rin alam kung bakit gano’n ang nararamdaman ko. Huminga ako nang malalim habang nakahiga pa rin, nakatitig sa kisame na parang may mensahe iyong gusto kong basahin. Agad ako napangiti habang iniisip ko ang mga nangyari sa amin ni Declan. Hindi ko alam kung sinasadya niya bang pakiligin ako o hindi, pero hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin yung bigat at init nun sa dibdib ko. Bumangon ako nang dahan-dahan, parang natatakot akong guluhin ang mapayapang mundo ko ngayong umaga. Binuksan ko ang phone

