Matapos namin kumain, huminto muna kami sa tabing dagat para makapag-usap. Lumabas kami sa kanyang sasakyan, at sumandal ako sa unahan ng kotse, at ganoon rin ang ginawa niya . Dala nito ang dalawang baso na may lamang kape . Ayaw pa sana niya akong bigyan noon, kaya lang hindi ako pumayag kanina na hindi niya ako ibibili. “Bakit dito mo ako dinala? “Tanong na wika ko sa kanya . “Wala lang, tahimik lang kasi dito at saka payapa.“ “Sabagay, maganda nga dito, ang sarap ng simoy ng hangin, nakaka-relax .“ Nakangiting wika ko sa kanya . Ibinigay nito sa akin ng isang baso ng kape . Kaya binuksan ko ito at ininom. “Naalala mo ba noong pangalawang beses na magkita tayo? “Tanong na wika nito . Agad akong nakaramdam ng pagkapaso dahil sa tanong nito . “Awttts…“ “Oh… Bakit? “ “Ikaw k

