Dahil sa labis na kahihiyan ko, agad akong lumabas ng conference room at minabuti ko mag-stay sa aking office. Nagtataka naman si Katherine, na aking secretary, ng makita ako nito. “Mam, bakit po kayo naririto? Hindi po ba may meeting kayo kasama ang ilang board members? " “Uo, kaso hindi maganda ang pakiramdam ko kaya dito muna ako. Doon muna ako sa loob ng aking opisina. Sabihan mo na lang ako pag may pasyente na sa labas.“ “Sige poh mam,” magalang na wika nito at saka ako dumiretso sa aking opisina. Halos manginig ang aking tuhod sa labis na kaba. Sabayan mo pa ng malakas na kabog ng aking puso nang makita ko ito. Aaminin ko gwapo ito, pero pakiramdam ko ay mas gwapo ito tingnan ngayon. Agad akong naupo sa aking swivel chair at pinakalma ang sarili ko; halos may 30 minutes ako do

