Matapos namin kumain, ako na ang nag-ayos ng aming kinainan. Habang hinuhugasan ko iyon ay naramdaman ko ang Pag yakap nito sa aking likod naramdaman ko pa ang Mainit niyang hininga na tumatama sa likod ng aking taynga. Nasa ganoong sandali kami ng bumulong ito sa akin. "Gusto mo ba mag swimming muna tayo sa baba pagkatapos mo riyan, baby?“ Nakangiting wika nito sa akin. Agad ko tinapos ang aking paghuhugas at inis na humarap sa kanya. “Mr. Declan, pwede ba wag mo ako tinatawag na baby? Wala tayong relasyon. Isa pa, hindi kita ganoong kilala. Hindi ko nga alam kung bakit magkasama pa tayo ngayon. Pakiramdam ko wala ka na balak ibalik ako sa pamilya ko.“ Agad ko narinig ang pagtawa nito at saka niya hinaplos ang aking mukha. “Tama ka, hindi mo ako kilala, kaya nga binibigyan kita n

