Papasikat na ang araw ng bumalik sa hacienda si Veron. Walang ingay siya pumasok ng kabahayan. Sigurado naman Wala ng dahilan si Gael para gumising pa ng maaga para magluto ng agahan at manuod ng pagsikat ng araw na kasama siya. Pabuntong hininga na tinitigan niya ang nakasarado pintuan ng silid na ginagamit ng binata.Kailangan na niya lisanin ang lugar na ito hindi na niya kailangan pang hintayin na palayasin pa siya nito.Magkukusa na lang siya. Maingat na tinulak niya pabukas ang pinto sa ginagamit niya silid at agad na sumalubong sa kanya ang amoy ni Gael.Naipikit niya ang mga mata habang nakasandal sa nakasara ng pintuan. This is her last chance na maaamoy niya ang naiwang amoy ng binata sa silid iyun na lilisanin na niya. Pagkaraan,tinungo niya ang gilid ng kama para kunin ang dal

