Tila bang walang Cindy The b***h ang umeksena kagabi sa kanila ni Gael dahil naging mas asikaso siya ngayon ni Gael habang nag-aalmusal sila at kulang na lang subuan pa siya nito.
Alam niya kung bakit ito ganoon dahil malamang bumabawi ito sa nangyari kagabi.Hmm,he's guilty at all.Nginitian niya ito.Hindi naman nito ginusto na mangyari iyun ang Cindy The b***h na yun ang nagnakaw ng halik rito.
"You don't have to worry,Mate. Alam kong hindi mo naman inaasahan na gagawin niya yun?"saad niya rito.
" I'm sorry.."apologetic nito saad.
"Sorry din kasi hinayaan ko magstay siya rito,ayaw niya umalis,naghintay siya hanggang sa makabalik kayo.makapal lang talaga mukha niya.." pagkayamot na saad ni Eloisa.
She heard Gael sighed.Inabot niya ang nakakuyom nito kamay.
Hindi makapaniwala si Gael ng madatnan si Cindy na nakikipagkuwentuhan ito sa mga trabahador at kitang-kita niya ang paghanga ng binata si Marvin sa dati niyang nobya.
Agad na napansin siya ng babae."Gael!"masaya nito bati sa kanya.Casual naman na tinanguan niya ito.
"Magandang umaga,Sir Gael..ang ganda ho pala ng nobya niyo!" tudyo ni Marvin sa kanya.
Agad na nagsalubong ang mga kilay niya na napatingin sa babae.Agad naman ito napahiya sa kanya.
"Uhm,ano kasi--"
"Let's talk," seryoso niya saad dito at mabilis na tinalikuran ang babae.
"Gael! I'm sorry,ahm,"
"Wala na tayong relasyon,Cindy,matagal na tayo hiwalay,please,wag mo ng saktan ang sarili mo," tiim-bagang niya saad.
"Pero mahal pa rin kita,Gael...seryoso ako na gusto ko bumalik ka sakin,I can do everything bumalik ka lang sakin,please,give me another chance!" Pagmamakaawa nito.
"Hindi na importante sakin ngayon ang pera dahil mas mahalaga ang makasama mo ang isang tao na kailanman hindi nabibili ng pera," madamdamin nito sabi.
"Please,Gael..give me a second chance..lahat tayo may karapatan bigyan ng second chance.."pagmmakaawa pa rin nito
Marahas na napabuga ng hangin si Veron sa kadramahan ng babae.She heard them talking from away sa paborito niya tambayan sa taas ng narra.
"Gasgas na mga linyahan ganyan,walang bang bago?"tila bored niya saad sa hangin habang nakatanaw sa dalawa.
Bakit kasi hindi mo na lang gawin madali ang lahat? Erase her memory kung saan nakilala nito si Gael? Saka hindi ka ba nababahala? Paano kung madala sa kadramahan ng babae iyun ang mate natin ha?
"No..lalaban tayo ng patas...nangako na ko sa sarili ko na hindi ko na aabusuhin ang kahinaan ng mga tao..ayoko magalit sina ama at ina ..baka multuhin nila ako sa pinaggagawa ko,"depensa niya sa kanya inner wolf.
Ngayon natagpuan na niya ang kanya mate Tapos na siya sa mga kalokohan niya baka si Cindy ang karma niya.
Hays,deserve niya ito .
Hinayaan na lamang ni Gael si Cindy na manatili roon ang babae.Pinag-aalala lang niya ay si Veron.
Damn,nag-uumpisa pa lang sila.Kung kailan nagkakamabutihan na sila saka pa ganito dumating hassle.
Tinuon na lang niya sa pagtulong sa trabahador ang atensyon niya.Casual na lang niya pinakikitunguhan si Cindy kapag lumalapit ito sa kanya para bigyan ng tubig o di naman kaya bigyan ng pamunas sa pawis.Sana lang hindi iyun mamisenterpret ni Veron.
Then,he's dead.
Nagdala ng meryenda si Veron sa Niyugan pero mukhang naunahan na siya dahil kumakain na ang mga trabahador.
" Mukhang nauto na niya mga tao rito,Ate Veron..baka may gayuma yan,"bulong sa kanya ni Eloisa habang papalapit sila sa mga ito.Tig-isa sila ng pagbitbit ng basket.
Agad naman natuon sa kanila ng mga ito.Agad na nginitian niya ang mga ito.
"Mukhang hindi ata makakain itong dala namin pansit habhab ah?!"
"Naku,Ma'am..masarap po yan. Kakainin po rin namin yan!" anang ni Mang Isko.
Agad na nilapitan siya ni Gael at kinuha sa kanya ang bitbit na basket pero napangiwi ito bigla ng malaman kung gaano yun kabigat.
"Tikman mo yan,luto ni Inang.." tukoy niya sa matandang palagi nagluluto ng meryenda ng mga ito.
"Gael..ubusin mo na to,di ba paborito mo ito? Palagi mo nga ipinaluluto sa akin ito kapag naglalambing ka sakin eh,"maarteng sabad ni Cindy.
Napabuga na lang siya ng hangin.Bago pa man makareak si Gael.Tumalikod na siya sa mga ito.Mabuti pang siya na umiwas kasi baka hindi niya mapigilan ang sarili na patulan ang Cindy na yun kung makaarte akala mo nagkabalikan na ang mga ito.
" Veron.."si Gael.Hindi niya alam na sinundan pala siya nito.
"Hmm?" pagharap niya rito.
"Hindi pa ko nagmemeryenda eh," ungot nito.
Gusto niya matawa kung ganun gawa-gawa lang ng Cindy iyun ang kunway ubusin na nito ang kinakain.
"Ayaw mo ba ng meryenda ni Cindy.." nakangisi niya tudyo rito.
Napasimangot ito bigla.
"Biro lang ,ito naman .." aniya at hinila na uLit ito pabalik sa pinaglagyan nito ng basket kanina.