Panay ang ngiti ni Veron habang nakatingin Kay Gael na busy sa pakikipag-usap sa matabang pulis.Kahit malayo siya sa mga ito naririnig naman niya ang pag-uusap ng dalawa.Nasa labas ang mga ito samantala siya nasa salas naiwan siya roon pagkaraan interview-hin siya ng isang pulis na kasama ng matabang pulis.
"Sige,magpapatrol kami tuwing gabi,nito kasing mga nakaraan buwan eh marami nagreport na may namamasok ng bahay ,deLikado na talaga ang panahon ngayon.."anang ng Pulis.
" Salamat,chief."pagsalamat ng binata rito.
Nagshakehands ang mga ito."Sige,Mr.RICZON dadalhin na namin sa prisinto itong tatlo kumag,"anito.
Nang makaalis ang mobile ng pulis pumasok na ulit si Gael.
"Alam kong pagod ka na,mabuti pang magpahinga ka na,"agad nito sabi sa kanya.
"Salamat sa pag-aasikaso mo," nakangiti niya turan rito.
Seryoso ito tumango sa kanya.
Namagitan ang katahimikan sa pagitan nila at nakatitig sa isa't-isa.
"Kuya! Ate Veron!"humahangos na dumating ang kapatid ng binata.
Doon lang naputol ang pagtitig nila sa isa't-isa.
" Eloisa? Anong ginagawa mo rito?"agad na sita ni Gael sa kapatid.
"Eh kasi bigla ako nag-aalala nang makarinig ako ng mobile ng pulis bigla ko naisip baka may nangyari sayo masama nasa labas ka pa naman kaya napasugod ako tas nakita ko dito nanggaling yung mobile.." puno ng pag-aalala nito saad sa kapatid.
"I'm fine..may nagtangka lang pumasok rito," sagot nito sa kapatid.
Agad na nanlaki ang mga mata ng babae at lumapit sa kanya."Okay ka lang ba,Ate Veron? Hindi ka ba nila sinaktan?"sunod-sunod nito tanong sa kanya.
Nginitian niya ito."Yes,okay lang ako,nabugbog ko na sila bago pa nila pasukin ang bahay,"tugon niya rito.Namangha naman ang babae.
"TaLaga? Kung ganun marunong kayo ng martial arts?!" mangha nito saad.
Agad siya napasulyap sa binata na matiim lang nakatingin sa kanila.
"Uhm,Oo,parang ganun na nga.." pagtango na lang niya rito.
Tumili ito sa tuwa."Turuan mo rin ako,Ate Veron..gusto ko rin matuto mangbugbog!"
Natawa siya sa sinabi nito kung may ideya lang ito na kung ano klase martial arts ang alam niya baka manggilalas ito o di naman kaya mapangiwi.
"Eloisa,hayaan na natin siya magpahinga na.." pagsabad na nito sa kanila.
"Sige,Ate Veron..goodnight po." anito at malambing na yumakap sa kanya.
Bigla niya namiss ang bunso kapatid niya si Gabbie.
Nginitian naman niya ang binata habang nakayakap sa kapatid nito.
"Dito na muna ako mag-stay ngayon gabi,ihahatid ko muna si Eloisa sa bahay.." anito.
Tumango na lang siya rito,alam niya iyun naman taLaga ang balak ng binata.
"Good morning ,kuya!" pagsulpot ni Eloisa sa kusina.
"Ang aga mo naman pumunta rito? Natulog ka ba?" sita niya rito habang naggigisa ng bawang para sa lulutuin niya sinangag.
"Of course,buti nga hindi ko binitbit agad yung mga maleta ko,excited na kaya ako bumalik rito," anito at nakiusyoso sa niluluto niya.
Ipinaalam na niya sa kapatid na pumapayag na siya sa offer ni Veron na labis na ikinatawa ng kanya kapatid.
"Hindi pa rin atin itong bahay,Eloisa..pumayag lang ako dahiL opportunity na yun saka kailangan pa rin natin kumilos ng tama,sampid pa rin tayo dito," paalala niya sa kapatid.
"Alam ko naman yun pero sa tingin ko ayos lang Kay Ate Veron na maging buhay prinsesa na uLit ako!" sabik nito saad.
Sinamaan niya ito ng tingin na ikinasimangot nito."Umayos ka hindi porket na nandito na uLit tayo gagawin mo na ang ginagawa mo noon, Wala tayo karapatan gawin yan,kikilos ka pa rin kapalit na pagpapatuloy niya rito sa atin."seryoso niya sabi rito.
"Ganun,pero sabi naman niya magiging atin uLit itong hacienda at ang iba pa natin lupain," saad nito.
Nagsalubong ang mga kilay niya."Oo,mangyayari kapag nakabayad na tayo sa kanya,"aniya.
Nanahimik na ang kapatid.Iyun naman ang katotohanan.
"Good morning sa inyo dalawa!" pagsulpot ni Veron.
"Hi,Ate Veron! Good morning din po!" agad na pagbati ng kapatid niya rito.
Sumulyap siya rito.She's always beautiful kahit bagong gising at natural lang ang pagkakaayos ng alon-alon nito buhok na sa tingin niya minsan lang suklayin.Yeah,weird dahiL sa dami ng mapapansin niya ang buhok pa nito na may dalawang klase ng kulay ang napapansin niya kung dati naman wala siya pakielam sa buhok ng mga babae kahit sa kapatid niya naiinis pa nga siya kapag nakikita ito nagpaplantsa ng buhok .
But,she is Veron.Lahat ay natural rito.He like that.Damn.
"Wow,namiss ko yang sinangag!" mangha nito sabi sa kanya.
"Masarap magluto si Kuya,Ate Veron ,I'm sure makakalimutan mo ng kumain ng kanin na sinasaing lang," proud na saad ng kapatid niya.
"Hmm,that's nice," nakangisi ito tumingin sa gawi niya.
"Eloisa,maglagay ka na ng plato para makakain na tayo,"agad na pagbaling niya sa kapatid.
Hindi na taLaga siya komportable sa dalaga mula ng mag-kita sila muli nito iba na ang dating ng lahat sa kanya Wala siya ibang gusto gawin dito kundi ang halikan ang mga labi nito.Kagabi pa niya gusto gawin iyun nagpipigil lang siya.
Damn him! Ganito na ba ang epekto kapag wala ka ng kasintahan? s**t,ni minsan hindi niya naranasan iyun Kay Cindy.
Mas nabubuhay ang sistema niya kapag si Veron pero Kay Cindy noon parang kailangan lang dahiL lalaki siya,oh s**t!
Hindi naman kaya gusto na din niya ang babae? Hell,Veron is perfect ang very beautiful woman kahit sino magkakagusto agad rito.
Hell,yeah.