TBW SERIES3: TWO

792 Words
"Wala kang dapat ikabahala hindi kita hahayaan mapatay ng makakalaban mo at isa pa hindi hahayaan yun ni amazona," paglukot ng ilong nito ng mabanggit ang babae siya nag-ooperate ng illegal na labanan. Ang underground battle.Pulos mabibigatin at mayayaman ang audience na siyang mga tumataya sa laban. Napunta siya sa lugar na ito dahiL rito,isang handler ito na naghahanap na pwede lumaban at kumikita din ito ng malaki.Nakilala niya ito dahil sa isang kakilala na taga-rito sa Maynila.Galing pa siya ng Bulacan,dahiL sa pangangailangan pinatulan niya ang ganito kadelikado na trabaho. Damn,kailangan niya ng malaking pera! 10 billion yun,nakasalalay rito ang hacienda nila at ilang lupain na kinuha ng dating business partner ng kaniya ama na namatay naman sa atake sa puso dahiL daw sa sobrang pag-iisip kung paano nito mababayaran ang pagkakautang nito.Nalulong pala sa sugal ang kanila ama sa casino kaya ganun na lang ang pagkadismaya niya ng malaman yun. Sila na lamang ng kapatid niya babae na si Eloisa ang magkasama ngayon.Nang kunin ang hacienda napilitan sila umalis magkapatid dahiL Wala naman siya magagawa dahiL sa laki ng pagkakautang ng kanila ama.Mababawi lang nila ang ari-arian kung mababayaran niya ang 10billion na utang ng ama. But hell? Saan siya kukuha ng ganun kalaking pera? Ano lang ang kakayanan niya? Hindi sapat ang pera naipon niya mula sa pagtatrabaho niya bilang arkitekto sa London.Ngayon nandito siya sa pilipinas wala pa siya nahahanap na trabaho ulit. Ang nakakalungkot pa doon bigla nakipaghiwalay ang longtime girlfriend niya si Cindy na katrabaho niya sa company na pinagtatrabahuan niya sa London ng malaman nito ang kalagayan nila ngayon magkapatid. Damn,tama ang kapatid niya,isang opportunista ang dating nobya.Mukhang pera.Bigla umusbong ang hinanakit at pagkabigo sa puso niya ng maalala ang bigla pag-iwan ng nobya sa kanya sa gitna ng crisis niya sa buhay.She dumped him because he is f*****g beggar now. Naikuyom niya ang mga palad na may nakabalot na puting tela proteksyon iyun para hindi gaano siya masaktan sa oras na makibasagan na siya ng mukha. "Hey,are you ready?" pukaw ng handler niya sa kanya. "I think so," aniya may kaunti siya kaba nararamdaman dahil ito ang unang pagkakataon na papasok siya sa ganito trabaho.Makikipagpatayan para lang magkapera. "Basta kahit matalo ka may kalahating milyon ka pa rin makukuha," paalala nito. Yeah right,kalahating milyon lang ang halaga ng buhay niya sa araw na ito. "Pero kung mananalo ka sobra pa sa 10 billion na kailangan mo ang makukuha mo," pagngisi nito saad. Bigla siya nabuhayan ng loob.Gagawin niya ang lahat para manalo.Ito na lang ang naisip niya paraan na mayroon siya para mabawi ang pag-aari nila. "Let's go,man.."aya na nito sa kanya.ILang minuto na lang magsisimula na ang laban nila. Sumunod siya sa paglabas nito sa isang guest room na inokopa nila sa isang hotel na siya rin may-ari ng illegal na competition na anak naman nito ang namamahala.Mukha disente at mamahalin ang hotel hindi mo aakalain na may nagaganap na karumaldumal sa lugar na ito.Dito daw nagche-check in ang mga mananaya.Nasa basement daw nito ginaganap ang labanan. Nasa bahagi ng parking area ang kinaroroonan ng basement.Bago pa man sila tuluyan makarating may isang mamahalin motor na single ang dumadating na masasalubong nila. " Damn! Si crush!"malakas na usal ng katabi niya. Nagsalubong ang mga kilay nya ng nagmamadali ito nag-ayos ng sarili at panay pa ang suklay ng buhok nito gamit ang daliri nito.Hiningaan pa nito ang palad inaalam kung bad breath ba ito. "Wait lang,matagal ko na hindi nakita rito si Crush," anito. Hinayaan na lang niya ito.Iniwan siya nito sa isang tabi.ILang hakbang lang ang layo na pinagparadahan ng nagmomotor.Base sa tindig ng rider,babae ito.She's wearing a black jeans na hapit sa mahaba nito legs na may laslas-laslas sa ibat-ibang bahagi ng pantalon nito.Nakacombat boots din ito. Overall black ang getup nito ,nakaleather black jacket at napataas ang isang kilay niya ng mag-alis ito ng helmet.Tila bigla nag slow motion ang buo paligid ng mahubad na nito ang helmet . Isang napakagandang babae ang driver ng motor iyun.Maputi ito and she's f*****g beautiful! Maladyosa ang ganda nito at agaw pansin ang dalawa klase ng kulay ng buhok nito na medyo alon-alon na halatang natural lang ang pagkakakulot. Para siya pinangapusan ng hininga ng magtama ang kanila mga mata ng babae.Bigla din ito natigilan at maya-maya ngumiti ito na siya muntik na niya ikalimot na huminga uLit. Damn,her smile is so captivating and sexy,very sensual. Naputol lang ang pagtama ng kanila mga mata ng humarang sa paningin nila ang lalaki na handler niya. Bigla siya dinaklot ng selos.Selos? f**k! Agad-agad?! Tangna,marami siya iniisip ngayon ang magkagusto agad sa babae uLit ang huli bagay na gugustuhin niya gawin ngayon at hindi magandang ideya iyun.Hindi niya makukuha rito ang 10billion na kailangan niya. Fuck,yeah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD