Riena's POV
"Oh my gosh, look Riena! May bago ka nanamang issue. Bakit ba kasi nagdididikit ka doon sa co-actor mo?" Bulyaw sa akin ng manager kong si Shari.
"I told you, we're good friends, at saka malay ko bang pati pala yan pag iinteresan ng media." Depensa ko sa sarili.
This is what I hate the most about showbiz. Lahat ng salita mo news agad, lahat ng lakad mo or pasyal mo sa mall nasa news agad. Daig pa nila ang parents ko sa kakabantay sa akin ha.
"Riena, before ka pa pumasok sa showbiz sinabi ko na sayo na hindi basta basta ang magiging buhay mo" Heto nanaman ulit si Shari, bubulyaw nanaman.
Kung tutuusin ay kaedad ko lang si Shari, manager rin kasi ng isa pang artista yung ate niya kaya pati siya ay ito na rin ang ginawang hanapbuhay.
"Okay, okay Shari I understand but please naman, please tell the media to tone it down. Atsaka I know na maglalabas din yun si Cleo ng statement." I was so stressed out.
Cleo is my bestfriend as well as isa sa mga co-actor ko sa bago kong movie. Kung pwede ko lang ilantad at sabihin na lalaki rin ang hanap ni Cleo ay matagal ko nang ginawa. But, it's not my story to tell.
Lumabas ako ng office ni Shari after ng pag uusap namin na yun. This day is so stressful. Kung kailan naman nangalahati ang taon ay tsaka pa ako mai-stress. Minsan napapatanong nalang rin ako sa sarili ko kung bakit itinuloy ko ba ang pagtahak sa direksyong acting.
Alam ko na pangarap ko na ang maging artista simula pa noong bata ako. Galing rin naman ako sa isang mayaman at marangyang pamilya kaya't hindi naging mahirap sakin na abutin ang pangarap ko.
Kung tutuusin, hindi ako namroblema about sa kahit ano simula nang ipanganak ako.
Hindi rin naman ako maluho o magastos tulad ng mga pinsan ko. Pero kahit na naging aktres na ako at nakukuha at nabibili ko na lahat ng gusto ko ay, hindi ko pa rin alam ang pakiramdam ng tunay na saya.
Euphoria
10 years ago
Labis akong nagtaka nang marinig ko ang ibig sabihin ng euphoria. Ganun na ba kasaya ang pakiramdam ng tao kaya't minsan ay nagkakaroon na ng illusyon at nga hallucinations? Ang sabi nga nila ay pure bliss raw pero ano nga ba ang tunay na ibig sabihin nito?
Marahil ay di pa ako tunay na nakakadama nito kaya't medyo nangangapa at clueless pa ako sa topic.
End of flashback
How naive can I be? Yan ang lagi kong tanong sa sarili sa tuwing naaalala ko ang unang beses kong narinig ang salitang euphoria. Masyado akong matanong at curious sa mga bagay bagay. Masyado akong imma--
"Riena i've been calling you for a hundred times! Earth to Riena!" Napagitlas ako nang marinig ko si Shari na tumatawag sakin dito sa studio. Nasa tabi ko na pala to hindi ko man lang naramdaman.
"Why are you calling me ba? I'm focusing eh" inis kong sambit.
"Focusing? Eh nag d-daydream kalang naman Riena. But i'm here to tell you na cleared na ang issue niyo ni Cleo." Sabi niya.
"Oh my gosh Shari we need to celebrate!" Masaya at pasayaw sayaw ko pang sabi.
"Not so fast Riena Jinnielle, sabi ng company you need to date someone." Dismayado at may halong pang aasar na sabi ni Shari.
But what? Date someone? I can't even go to dates because of my packed schedule. Besides, my fans will hate this idea.
"DATE?! No thank you Shari" pacool kong sabi para di halata ang kaba kong nararamdaman.
"The company asked for it, wala na tayong magagawa Riena. Even for like a month. This is for the sake of your image naman daw" paliwanag ni Shari.
"How nice of you to explain to me Shari but the answer is No and always no. Atsaka meron pang paraan 'no" sabi ko at ngumiti ng nakakaloko.
"Paano?" Curious rin pala to si Shari.
"I'll talk to the higher ups, inshort, susugod ako" sabi ko sabay takbo palabas ng studio.
"Wait Riena this will get you to trouble!" Pagpigil sakin ni Shari pero hindi ako papapigil. I don't care, i'm defending myself from being called bad things.
I stopped at the elevator, hinihintay itong bumukas. Letche naman napakatagal, this is ruining my momentum.
Pagkabukas ay agad akong pumasok at pinindot ang pinakataas na floor.
Pagkabukas ng elevator ay patakbo akong pumasok sa CEO's office.
"Oh Riena, napadaan ka?" Sabi ng secretary ng ceo ng entertainment.
"Gusto kong makausap si Mr. de Falton." Stern at malamig ang boses kong sambit.
"Okay maam, p-pasok na po kayo..." mas kinakabahan pala to sakin. Buti nalang at di nahalata na mangangatog at pasuko na ang tuhod ko sa sobrang kaba.
"Good afternoon Miss Jinnielle, may I know the reason why you're here?" Nakangiti pang bungad ni Mr. de Falton sa akin.
"Why do you want me to date someone?!" Mataas ang boses ko nung sinabi ko yun. Bakas rin ang asar at inis ko sa desisyon nila.
"Oh, that. It's for your sake. Para maiwasan na mai-link ka sa kung sino sinong co-actors mo, we thought na maganda kung magd-date ka. Come on Riena, kung sa iba ko inoffer yan, lalo na doon sa boy group natin, baka nagtatatalon na sila by now." Paliwanag ni Mr. de Falton.
"With all due respect, hindi ako yung boygroup na yun so wag kayo mag expect na magtatatalon ako sa saya because you allowed me to date. As an actress, pinoprotektahan ko lang din ang image ko. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sakin? Na m*landi ako? Na I date too much? Alam niyo naman siguro ang misogyny at inequality na nangyayari rito Mr. de Falton, so please for your artist' image. Don't require me to date someone." Halos nagmamakaawa na ako nung sabihin ko ang mga salitang yan.
Gusto ko lang rin naman protektahan ang sarili ko mula sa mga malisyoso nilang comments.
"I guess there's only one choice?"
Nang sabihin ni Mr. de Falton yan ay tila lumiwanag ang buong mundo.
"Date my son, Yajinshi." Who tf is that? At ano? Anak niya?