ALAM ni Vanessa na hindi obligasyon ni Fern na ipaalam sa kanya kung nasaan ito o kung sino ang kasama nito. Pero hindi niya mapigilang mairita na makita ang lalaki sa bridal shower ni Champagne na may kasamang ibang babae. Sa sobrang inis niya, hindi na niya tinapos ang party at umuwi na siya sa condo niya. Akala niya ay naging tahimik at patago ang pag-alis niya. Hindi na nga siya nagpaalam kay Champagne dahil siguradong hindi ito papayag na hindi niya tapusin ang party nito. Kay Isabella lang siya nagsabi na "masama ang pakiramdam" niya. Kaya nagulat siya nang ilang minuto pa lang ang lumilipas simula nang makauwi siya, kasunod na agad niya si Fern na para na namang pag-aari ang kusina niya. Ipagluluto raw siya nito ng soup para gumaan ang pakiramdam niya at matanggal ang espiritu ng

