THE THING about casual relationships, they never teach you how to properly say good-bye to your f**k buddy. At least for Vanessa, that was the case. Inalala niya kung paano tinapos ang mga open relationship noon. Wala siyang ibang nakuha kundi ang mga memorya kung saan tumigil na lang siya sa pagsagot sa mga text o tawag ng mga lalaking nakarelasyon niya, o ang pagsasauli ng gamit ng mga ito na naiwan sa condo niya. Pagkatapos niyon, wala nang dapat pang pag-usapan pa. Ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng problema sa ganoong klase ng pagtatapos sa isang relasyon na wala namang matibay na ugnayan. Isa pa, kautak niya ang mga lalaking sinisipingan niya. Alam ng mga ito kapag nagsawa na sila sa isa't isa at kailangan nang tapusin ang relasyon bago pa iyon mauwi sa hindi magandang paghihiwal

