NAKIALAM na naman ang tadhana sa diskarte ni Vanessa.
Kahit alam na niya ang nararamdaman ni Fern para sa kanya, hindi niya iyon sinamantala dahil unang-una, wala siyang balak makasira ng relasyon ng iba. Saka hindi niya gusto kapag siya ang unang gumagawa ng move para mapalapit sa isang lalaki. Kung wala itong balak gawin para sa nararamdaman nito sa kanya, wala rin siyang balak pilitin ang lalaki na gumawa ng hakbang.
Pero kailangan niya si Fern ngayon—hindi bilang isang lalaki kundi bilang isang chef.
Mahal ni Vanessa ang trabaho niya bilang advertising account executive. Kahit na masakit sa ulo, nakaka-challenge iyon sa talino niya at nahahasa pa ang communication skills niya sa pamamagitan ng madalas na pakikipag-deal sa mga art director na madalas niyang ka-debate.
Nang umagang iyon, planado na sa kanyang isip ang magiging araw niya. Pupunta siya sa studio kung saan gaganapin ang shoot ng advertisement para sa food account na hawak niya. Kailangan niyang i-impress ang brand manager at ang boss nito. At kapag naging successful ang kanyang trabaho ngayon, mas magiging malaki ang chance na ma-promote uli siya sa mas mataas na posisyon.
Nakikita na ni Vanessa ang panibago niyang success, hanggang sa makatanggap siya ng text kaninang madaling-araw sa food stylist niya na hindi ito makakapunta sa shoot mamaya dahil inatake sa puso ang mommy nito at wala itong ibang makakatulong dahil ito lang daw ang kasama ng ina sa bahay. Sinubukan niya itong tawagan, pero hindi na ito sumasagot.
Labag man sa kalooban, tumawag pa rin si Vanessa sa mga nakatrabaho na niyang food stylist sa mga nakaraan niyang projects kahit mag-aalas-singko pa lang ng umaga. Ungodly hour, oo. Pero kinalimutan niya na lang muna ang hiya. Sa kasamaang-palad, walang umoo sa kanya dahil masyado raw short notice iyon. Kung hindi may ibang project na hawak na mag-o-overlap sa oras na ibinigay niya, ay nasa malalayong lugar naman ang mga food stylist na nakausap niya.
She couldn't blame them all for turning her down. After all, she needed a food stylist at nine in the morning, sharp.
Hindi na talaga alam ni Vanessa ang gagawin nang mapadaan siya sa unit ni Fern. Huminto siya sa tapat ng pinto nito nang mapaisip siya.
Bigla niya kasing naalala na chef ang binata. Tuwing nangti-treat sina Champagne at James ng dinner, madalas silang dalhin ng dalawa sa restaurant na pag-aari ni Fern. Siguro naman ay maalam ito sa food styling.
Sa project na ito nakasalalay ang advancement ng career niya kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Pinindot na niya ang doorbell. Mayamaya lang, narinig niya ang pagbukas ng pinto.
I hope you're a morning person, Fern.
Inihanda na ni Vanessa ang sarili sa mahinahon, mabilis, at malinaw na paliwanag kay Fern kung bakit iniistorbo niya ito nang ganoon kaaga. Pero nang bumukas ang pinto, naiwang nakabuka ang kanyang bibig sa sumalubong sa kanya. Kung anuman ang mga sasabihin dapat, nakalimutan na niya.
Fern was shirtless, clad only in low-slung unbuttoned jeans that barely clung to his hips, exposing that sexy pelvis of his. She tried not to look at everything from the neck down, but it was hard because the little beads of water glistening over the parts of his lean and well-toned torso were calling her attention.
At dahil mapagbigay na babae siya, hinayaan niyang maglandas ang mga mata sa pinagpalang katawan ni Fern, lalo na sa pipit nitong tiyan na sabihin na lang nating may impressive six-pack. Inasahan na niyang may abs ito, pero iba pa rin ang makita iyon nang harapan.
Tumikhim si Fern na parang kinukuha ang kanyang atensiyon. "Good morning to you, too, Vanessa."
Mabilis na umangat ang tingin ni Vanessa sa binata. Ngayon lang yata siya nito binati nang may kasamang salita. Puro tango lang kasi ang natatanggap niya rito noon.
Fern seemed to be in a good mood, and she had an idea why. He gave her a once-over from the top of her head to the tip of her pointed pumps—lingering over her chest area. Kung anuman ang nakikita ng lalaki sa kanya, mukhang nagustuhan nito iyon dahil bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi nito bago dumako ang tingin sa kanyang mukha. "Do you need anything from me?"
Tumaas ang kilay ni Vanessa. Talaga bang madaldal si Fern tuwing ganoon kaaga? Kung anuman ang nangyayari sa binata ngayon, masaya siyang suot niya nang umagang iyon ang sexy crimson halter dress na alam niyang nagpapakita sa magandang kurba ng kanyang katawan. "Yes, Fern. I badly need your help right now. Sa 'yo nakasalalay ang career ko." Nasa acting mode na siya kaya nagpaawa na siya ng mukha at pinagsiklop pa ang mga kamay sa tapat ng dibdib. "Please, please, please. Help me, chef."
Kumunot ang noo ni Fern sa pagtataka. "I'm assuming you need my help as a chef, after you called me that. So, ano'ng maitutulong ko sa 'yo?"
Ipinaliwanag ni Vanessa ang tungkol sa biglaang pag-backout ng food stylist niya at ang kawalan niya ng replacement para dito dahil ngayong umaga na kailangang i-shoot ang food scene na kailangan nila kung saan manonood pa mismo ang mga kliyente. "Don't worry, Fern. Kaunting layouts lang naman ang kailangan namin. Saka nandoon din naman ang art director namin na puwedeng mag-guide sa 'yo. We just really need a chef who understands food to pull this off. Can you help me?"
He had a knot on his forehead while scratching his stubbly jaw as if he was having an inner debate with himself. "I'm not sure, Vanessa. The last time I did food styling was when I was still in culinary school. Baka nangangalawang na 'ko pagdating sa bagay na 'yan."
Napangiti si Vanessa dahil sa mahinang kombiksiyon sa boses ni Fern. Makukumbinsi niya itong tulungan siya, ramdam niya iyon. "Please, Fern. Sigurado akong magagawa mo 'to dahil gaya nga ng sinabi ko kanina, may tutulong naman sa 'yo. And you're an excellent chef. I'm sure you can do this. Babawi ako sa 'yo kapag tinulungan mo 'ko." Tinaas pa niya ang isang kamay. "Promise."
Tinitigan siya ng binata. Sigurado siyang mapapangiti na ito, pero mukhang pinigilan nito ang sarili. Sa halip, tumikhim ito at nilakihan ang pagkakabukas sa pinto. "All right, you win. Let me get dressed first. Magkape ka muna sa loob habang hinihintay ako."
Tatanggi sana siya at sasabihing maghihintay na lang siya sa lobby, pero pumasok na si Fern sa loob ng unit nito at iniwang nakabukas ang pinto.
Nag-alinlangan pa siya. Hindi dahil natatakot siyang may gawing masama ang binata sa kanya. Natatakot siya na baka bigla na lang siyang sapian ng mga nagwawala niyang hormones at mamolestiya niya nang wala sa oras si Fern.
God, Vanessa! Why are you such a horny woman?!
Nang marinig ni Vanessa ang pagtawag sa kanya ni Fern, bumuga na lang siya ng hangin at sumunod sa loob. Mabuti na lang at na-distract siya ng interior ng unit ng binata. Halos katulad iyon ng kanya, maliban na lang siguro sa kulay ng mga gamit. Black at white ang dominanteng kulay sa bahay na iyon. Higit sa lahat, amoy-Fern sa buong lugar.
Nalaman niyang mas maganda ang kusina ng lalaki kaysa sa kusina niya nang makarating siya sa parteng iyon ng bahay. Well, hindi na siguro nakakapagtaka iyon dahil chef ito.
Naabutan niya si Fern na nasa kitchen island habang isinasalin ang kape sa mug mula sa coffeemaker. Pagkatapos, nilingon siya nito at walang salitang sinenyasang lumapit. Tumalima naman siya at umupo sa stool.
"I'll be quick," sabi ni Fern, saka naglakad papunta sa bedroom nito bago pa man din siya makapagpasalamat.
Gustong sampalin ni Vanessa ang sarili. Kung habulin niya ng tingin ang binata, parang ngayon lang siya nakakita ng lalaking half-naked sa buong buhay niya. Pero hindi rin naman niya masisisi ang sarili, o ang nagwawala niyang hormones.
It's your fault for being so sizzling hot, Fern Fletcher!