"YOU HOOKED up with the younger Fletcher?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Isabella. "Oh, cool," kaswal na komento naman ni Penelope. "How large is he?" Natawa na lang si Vanessa sa mga nakakalokang reaksiyon ng mga kaibigan matapos niyang kumpirmahin sa mga ito ang nangyari sa pagitan nila ni Fern. Sa totoo lang, wala naman siyang balak ikuwento kina Isabella at Penelope (o sa kahit sino) ang tungkol sa s*x life niya. Nagkataon lang na dumalaw ang mga ito sa condo niya nang walang pasabi, kung kailan naman paalis pa lang si Fern. Kaya kahit hindi siya magkuwento, siguradong alam na ng mga kaibigan niya ang nangyari sa kanila ng binata. Sino ba ang maniniwala kapag sinabi niyang nag-movie marathon lang sila ni Fern sa condo niya? "Wala akong balak i-share sa inyo ang detalye ng nan

