"NAGKARO'N ka na ba ng serious relationship dati, Fern?" "I don't like talking about my past relationships, Nessa." "Matitiis mo 'ko?" "Uhm... I'm not sure." Napangiti si Vanessa. Kahit hindi niya nakikita ang mukha ni Fern dahil yakap siya ng binata mula sa likuran habang nakapulupot ang braso nito sa kanyang baywang, sigurado siyang nakakunot ang noo nito habang nakikipag-debate sa sarili kung magkukuwento ba o hindi. "Come on, Fern. Harmless naman ang tanong ko, ha?" "Well, hindi ko lang inasahan na pag-uusapan natin ang mga ex natin." "Fern, hindi mo naman ako girlfriend," paalala ni Vanessa. "Hindi ako masasaktan o magseselos kung banggitin mo man ang mga ex mo. Curious lang naman ako kung bakit ang lalaking 'tulad mo, walang seryosong relasyon ngayon." Isa pa, mag-a-alas dos na

