Kabanata 43 PAGDATING nila sa cottage ay may nakalagay na mga pagkain sa mesa at beer tower, may laman na iyon. “Hala, dami namang pagkain ito at dalawang tower talaga baka naman gagapang na talaga tayo pauwi nito,” hindi niya maiwasang ikomento. “Hahaha, buti nga iyon ‘e, sana walang iiyak mamaya ‘a,” natatawang sabi ni Maica at umupo na sa tabi ni Malvin habang siya naman ay inakay ni Diablo sa kabilang upuan at sabay silang dalawang umupo. Nang makita niya ang song bong ay kaagad siyang tumayo para kunin iyon. “Aba, mukhang ikaw ang mauunang kakanta, Marie,” puna ni Maica sa kanya. Natatawang napatango-tango naman siya at binaling na ang kanyang atensiyon sa paghahanap ng kakantahim niya. Nakita niya ang baliw na puso na kanta ni Jessa Zaragoza kaya’t kaagad niyang binitiwan ang s

