Kabanata 39 NANG tumigil na ang bangga ay naunang bumaba sina Maica at Malvin sumunod naman siya. Akmang baba na siya at tatanggapin ang kamay ng lalaking kamasa ng may ari ng bangka para alalayan siya ay inunahan siya ni Diablo. “Ako muna, Marie,” sabi ng lalaki at nagpatiuna sa kanya. Napatitig naman siya sa bulto nh lalaki na bumaba na. Akala niya’y susunod ang lalak kina Maica at Malvin na kinakausap ang babaeng sa palaga niya’y siyang manager ng beach resort. Ngunit mali siya dahil kinausap ni Diablo ang lalaki na siyang mag-alalay sa kanya, kapangpangan ang ginamit ng dalawa kaya’t hindi niya maintindihan kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Nakita niyang tumango-tango ang lalaki na tinapik-tapik ni Diablo ang balikat nito. Mamaya ay nakita niya na lang ang lalaki nakatayo na s

