"Ate! Ano ba? Wag ka ngang padalos-dalos!" malakas na sigaw ni Ella saka hinawakan ang kamay ni Julia para pigilan ito sa pag-eempake ng mga damit. "Bakit tayo aalis? Ipaliwanag mo muna! Hindi ba sabi mo kailangan natin kunin ang dapat na saatin? So anong drama 'to?" "Hindi ko na masisikmurang manatili pa tayo dito, Ella!" sagot ng dilag sa naka-babatang kapatid. "Tumitira tayo sa iisang bubong kasama ng mga walang-hiyang pumatay kay tatay! Naiintindihan mo ba 'yon, Ella? Ha?" nang-gagalaiti niyang paliwag habang mahigpit na hawak ang dokumentong kinalalagyan ng katotohanan. "A-Anong ibig sabihin..." hindi na naituloy ni Ella ang tanong nang mabuksan niya at mabasa ang dokumentong iniabot ni Julia sa kanya. Lahat ng mga tanong niya'y nasagot ng nilalaman ng dokumentong iyon. Unti-unti si

