“Akala ko pa naman ikaw ang pinaka-mapagkakatiwalaan ko sa mga ganitong oras, Cef.” Puminta ang pandidiri at poot sa makukulay na mata ni Julia, nanlilisik at malapit nang bumagsak ang mga luhang pilit niyang iwinawaksi sa mata niya. “Katulad ka rin pala ng mga tao sa paligid mo. Mali ako ng pagkakakilala sayo.” “J-Julia. Let me explain.” Akma sanang bibitawan ni Cef ang ina niyang si Cerefina pero pinigilan ng ginang ang kamay ng anak. “Let her know the truth anak. Totoo naman di ba? You don’t deserve to be friends with a useless junk like her.” Marahas na sabat ni Cerefina at lumakad sa mismong harapan nin Julia. “You are nothing but a gold digger! Ang buong pamilya mo, Hindi dapat kayo ang umani ng yaman ng lupang hindi ninyo man lang pinag-hirapan,” pambabatikos pa niya saka dinuro a

