Ika-dalawampu't isang Kabanata [21]

2053 Words

“Ate! Ate!” ang malakas na sigaw ni Ella ang umalingawngaw sa malaking silid ng natutulog na si Julia. Niyugyog nito ang kama niya habang parang batang nagtatatalon sa tuwa. “Gising na! Dali!” Tinatamad man, pilit na minulat ng dilag ang mga talukap ng kanyang mga mata upang tignan ang naaatat niyang kapatid. Tumambad sa kanya ang dalagitang mala-aso ang ngiti at may hawak ng isang bungkos ng nag-gagandahang rosas. “Ella! Inaantok pa ‘ko!” galit na singhal niya ta muling nagtalukbong ng kumot. “Tumayo ka na d’yan, bilis! May bisita ka!” muling untag ni Ella sa kanya at patuloy na niyuyug-yog ang kama. “Sige ka, papapasukin ko si Kuya Conrad dito!” Mabilis pa sa alas-kwatrong napabalikwas ng bangon si Julia at pinukulan ng nagtatakang tingin ang nakababatang kapatid. “S-Sino?” Lalong lu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD