The other day ay mas naging busy kami dahil ito na ang day na tuluyan na kaming lilipat dito sa bahay.
Kanya-kanya ang pagbubuhat ng mga gamit sa kwarto naming magkakapatid. Iyon ang sinabi ni Mama para daw mas mabilis, at makatulong kami pagkatapos namin sa kanya-kanya naming kwarto.
May walk-in closet na ako at may mga furnitures at appliances na rin ang loob ng kwarto ko.
Ilang oras akong naging busy sa pag-aasikaso ng kwarto. Buti na lang maliwanag ang pwesto ng kwarto ko dahil sa bintana, ayaw ko kasi ng madilim. Nakapaglagay na rin ako ng blinds pero tinaas ko ‘yon para makita ang liwanag mula sa labas. Naglagay ako ng bed sheets at mga punda sa kutson at mga unan ko. Inayos ko rin ang mga gamit ko sa table ko. Nilagay ko naman ang mga damit sa walk-in closet. Naglagay din ako ng plant sa tabi ng kama ko. Inayos ko rin ang shoe rack sa may tabi ng walk-in closet, lalagyanan ng tsinelas na panloob at panlabas.
Linibot ko ang tingin ko sa kwarto. I smiled as I see my room, it's perfect.
When I finished cleaning my room, bumaba na ako para tanungin si Mama kung ano pa bang gagawin. Bumaba ako sa hagdanan na malapit sa kwarto ko, which is ‘yong sa likod na hagdan.
"Heto, ilagay mo ang mga 'to sa attic," utos niya sabay turo sa mga boxes na nasa tabi niya. Binuhat ko naman ang isang box, at hindi naman masyadong mabigat kaya agad na akong umakyat para ilagay ito sa attic.
Pag-akyat ko sa second floor, binuksan ko ang pinto na katabi ng kwarto ko. Nakita ko ang hagdanan pataas sa attic. Medyo madilim doon kaya nagdala na rin ako ng flashlight.
Umakyat na ako habang dala-dala ang flashlight at ang box, hanggang sa makarating na rito. May nakita akong kaunting liwanag mula sa labas, I think it's a closed window. Lumapit ako roon at binuksan iyon, and then biglang lumiwanag ang buong attic. Napalibot ang tingin ko rito, marami rin palang nakalagay dito sa attic. Mostly ay boxes din, siguro mga gamit 'to ng angkan namin like antiques.
Medyo malaki rin pala ang attic na 'to, para pa ngang may maliit na deck sa taas.
Nilagay ko na ang box sa tabi at hinayaang maliwanag ang buong attic dahil sa nakabukas na mga bintana. Bumaba na ako para balikan pa ang mga natitirang boxes na naiwan sa ground floor.
Paulit-ulit lang ang ginawa ko, akyat-baba habang buhat ang box para ilagay sa attic hanggang sa mailagay ko na lahat.
Tumambay ako sa living room dito sa second floor para magpahinga. Hah, I'm so tired!
Ilang oras pa ang lumipas, natapos na namin ang paglilipat ng lahat ng gamit namin dito sa bahay. Hay finally, makakapagpahinga na rin!
It's dinner time ngayon at ito ang first time namin na kumain dito sa dining table nang magkakasama at kumpleto dahil nandito si Kuya Gelos.
"Hindi pa ako sanay na dito na tayo nakatira, actually," komento ni Ate Hera.
"Dapat masanay na kayo. Dito na rin kayo mag-aaral syempre," saad naman ni Papa.
"Feel ko nga lang na nagbabakasyon pa rin tayo," tuloy pa ni Ate. Nag-agree naman ang iba kong mga kapatid.
It feels like vacation dahil malapit lang ang resort namin dito at katapat lang namin ang beach kaya gan'on.
"Anyways, sa mga susunod na araw, mag-eenroll na kayo for the next school year. Malapit na ring matapos ang bakasyon," paalala naman ni Mama sa'min.
I'm turning Grade 11 this school year, si Ate Hera naman ay 3rd year college, si Jason ay Grade 8, at si Kalli naman ay Grade 3.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko para magpahinga na.
Today is really tiring and busy day for us.
Tumingin ako sa salamin ko. Nakapantulog na ako at ready na para matulog nang mapansing parang may kulang sa'kin.
Tinititigan ko ang reflection ko sa salamin. Napahawak ako sa leeg ko, kinapa ko ito.
I realized that I’ve lost my pendant.
Nilibot ko ang tingin ko sa sahig at sa kama, at sa buong paligid.
"Saan na ‘yong kwintas ko? Ano ba naman 'yan!" saad ko habang tinitingnan ang ilalim ng kama ko at ang mga drawer sa table ko.
Pero wala ang pendant ko sa mga ‘yon.
Where did I lose it? Napaisip ako nang malalim. Saan kaya ‘yon napadpad? Eh dito lang naman ako sa kwarto, then sa attic tapos sa living room and sa dining room.
Lumabas ako ng kwarto para maghanap, dahil medyo maaga pa naman para matulog. Dumiretso ako sa living room para libutin at hanapin ang pendant ko.
Pero wala roon.
"Anong hinahanap mo, hija?" tanong ni Manang Lora na kasama si Kalli. Mukhang papatulugin na niya ito.
"Hinahanap ko ‘yong pendant ko," busy kong reply sa kanya.
"Naglinis na ako d'yan kanina, wala akong nahanap na pendant," sabi niya pagkatapos ay busy na rin silang umalis. I sighed as I gave up in finding my pendant in the living room.
Bumaba naman ako sa dining table para tingnan kung nahulog ba ‘yon dito. Nakita ko si Ate Sally na naghuhugas ng mga kaldero sa kusina. Tinanong ko siya kung may nakita siyang pendant, pero sinabi niya ay wala raw.
I get annoyed, hindi ‘yon pwedeng mawala dahil regalo pa ‘yon sa'kin eh. Nag-isip pa ako kung saan ba ako nagpupupunta kanina.
Hah, sa attic!
Dali-dali akong umakyat papunta sa attic para halughugin ang lugar na ‘yon.
Pagbukas ko ng pinto, kadiliman ang bumungad sa'kin. Agad ko namang pinindot ang switch sa may tabi ng pinto para mabuksan ang ilaw sa may hagdanan pataas.
Buti na lang nasabihan ko agad si Papa na palagyan ng mga ilaw dito sa attic para naman hindi mukhang nakakatakot.
Umakyat na ako sa taas at muling binuksan ang ilaw. Lumapit ako sa pwesto ng mga boxes na pinaglagyan ko kanina to see kung nandito ba ang pendant ko.
Ilang minuto kong hinalughog ang mga boxes, hanggang sa nakita ko rin sa wakas ang pendant ko.
Masaya ko itong kinuha at tiningnan.
"Ha! Nandito ka lang pala, ah. Akala ko nawawala ka na eh," saad ko sa sarili habang tinitingnan ang pendant ko.
This is a gift from my Grandmother, before she died. Iris flower pendant ang kwintas na 'to, dahil Iris ang pangalan ko.
Tumayo na ako para ayusin ang mga boxes na hinalungkat ko pa. Gusto ko na rin umalis dahil narealize kong gabi na at mag-isa lang ako rito sa attic.
Nang matapos ay napatingin naman ako sa bandang dulo ng attic, may mga boxes din doon. Pero isang box ang napukaw ng atensyon ko. Isang chest box ‘yon, at parang may bagay na kumikinang sa may loob n'on.
I really don't care pero nacucurious ako nang malala, so lumapit ako roon at binuhat ang chest box na ‘yon. Akala ko pa n'ong una ay mabigat ito, hindi naman pala sobrang bigat.
Keri lang.
Nilapag ko muna ‘yon para tingnan kung nakalock ba. At napasinghap ako nang malaman na hindi naman pala 'to nakalock.
Mas lalo akong nagitla nang may marinig na ingay mula sa loob ng box na 'to. Mariin kong pinakinggan ang ingay na ‘yon, may narinig akong ingay na hindi ko ma-explain kung ano, hanggang sa wala na akong narinig pa.
Many thoughts began to popped up inside my head. Hindi ko alam kung matatakot ako or ma-eexcite? I just want to know kung anong laman ng chest box na 'to.
Kaya binuhat ko na muna 'to at naisipang dalhin at ilagay muna sa loob ng kwarto ko at bukas ko na lang bubuksan.
"Oo nga, tama. Bukas ko na lang siguro bubuksan," mahina kong saad. Agad ko nang sinuot ang pendant ko at binuhat ang chest box.
Pinatay ko na ang ilaw sa attic at bumaba na, binuksan ko ang pinto at pinatay na rin ang ilaw sa hagdanan.
Buti na lang wala na ang mga kapatid ko sa hallway, tahimik lang akong pumasok sa kwarto habang buhat ko pa rin ang chest box.
Pagpasok ng kwarto, tinabi ko na muna ito sa may walk-in closet ko. Napahawak ako sa aking pendant na ngayon ay nakita ko nang muli. Nakatulog na ‘ko matapos noon.