IV - Claudette

1138 Words
Merionnes International School - High School Campus We’ve just arrived at school. Bumaba na kami sa sasakyan at naglakad papunta sa main building ng school. “Woah, ang laki pala ng bagong school natin Ate,” sabi sa akin ni Jason. Tumango naman ako. “Yeah, parang university ang datingan. Pero of course, malaki ‘to kasi International School eh,” I replied. Tumungo kami sa isang office at si Mama na ang kumausap sa mga staffs. Habang kami naman ni Jason ay tahimik lang na nasa likod ni mama. Busy ang kapatid ko sa paglalaro sa kanyang cellphone. “For Senior High School naman, it is advisable kung mag-eexam ang anak niyo today since STEM naman pala ang kukunin niya,” rinig kong saad ng kausap ni Mama. Napatingin naman ako sa kanila. Tumingin sa akin si Mama. “Uh, ngayon talaga?” I said. Tumango naman sila. “Okay lang ‘yan, matalino ka naman,” komento ni Jason habang nakatutok pa rin sa kanyang phone. Sinamaan ko siya ng tingin. Dumiretso na kami sa exam process. Sinamahan kami nung nag-assist sa’min sa isang room. “No pressure, Miss Dela Costa. Hindi naman totally babase ang magiging result nito sa kung makakapasok ka ba sa M.I.S. (Merionnes International School) or hindi,” paliwanag niya sa’kin. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil akala ko ‘pag hindi ako nakapasa, hindi na rin ako makakapasok dito. Umupo ako sa upuan at inilapag niya ang isang folder na may lamang mga test papers. “You have 1 hour to finish this, okay? Your timer starts now,” saad niya. I started answering the questions. I never expected that this is quite easy for me, not to sound cocky. Sadyang hindi lang talaga siguro ako makakalimutin. Paglipas ng isang oras, natapos na rin ako. Pinasa ko na ang test paper ko. Lumabas na kami at nakita ko naman si Mama at Jason na naghihintay sa isang bench. “Please wait po for the results, bago tuluyang maka-enroll si Miss Dela Costa. For the mean time, nandito si Sir Tony para i-tour kayo sa high school campus,” paliwanag ng babae. Dumating naman ang sinsabi niyang Sir Tony daw at sinamahan kami paalis d’on sa office. Sinabi sa’kin ni Jason na nakapag-enroll na raw siya for Grade 8, nalaman na niya ang subjects na kukunin niya, nakabili na rin siya ng uniform niya at alam na niya ang section at locker niya. Edi sana all. Sa MIS High School Campus, may tatlong building. ‘Yung main building ay offices for administrators, staffs, faculty staffs and teachers, tapos nand’on din ang library, and other offices and rooms. Sa ground floor makikita ang malaking Canteen. At sa likod ng main building ay isang malaking field at sa dulo ay malaking gymnasium. Ang main building ang pinakamalaking building sa campus na ‘to. Ang second building naman ay for Junior High School. Mga classrooms, laboratories, may clinic, and rooms for that building. Ang third building naman ay for Senior High School, gan’on din pero I think Senior High ang second biggest building. Halos dalawang oras yata kaming nag-ikot sa buong high school campus bago tuluyang matapos. Then, bumalik na kami sa main buiding para tingnan ang results. “Okay Miss Dela Costa, you scored 92/100,” announced ni Ms. Cruz, ang Headmistress ng MIS ayon kay Mama. Nagulat naman ako nang malaman ang score ko. Pati rin sina Mama ay halatang nagulat at nasiyahan sa score ko. “Please proceed po tayo rito for enrollment ng STEM,” saad niya. Nag-enroll na ako. STEM ang kinuha kong strand dahil may balak akong magdoctor, Psychiatrist to be specific. Ang section ST-1 at located daw ‘yun sa third floor ng Senior High building. Bago kami nag-inquire ng locker, bumili muna kami ng uniform ko. Ang Senior High ay naka-long sleeves na uniform and a plain navy blue tie, then plain navy blue skirt. Then dumiretso kami sa locker ko para i-secure and pagkatapos ng lahat ay umuwi na kami. It's a very long day for me, indeed. Dumiretso na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit at magpahinga na muna. Nang maalala ko ang natuklasan ko kanina. Oo nga pala, 'yung TeleVerse! Agad kong binuksan ang chest box at kinuha ang gadget sa loob n'on. Nagitla ako nang makitang nakabukas iyon at nakita ko sa monitor ang babae na mukhang kanina pa naririto. Mukhang nagulat siya nang makita ako dahil napatingin siya sa direksyon ko? I guess nakikita niya talaga ako at mukhang kanina pa niya ako hinihintay. Lumapit siya. "Who are you?" mahina kong tanong habang nakatingin pa rin sa monitor. I really can't believe na kamukhang-kamukha ko siya. Except lang siya kakaunting features na magkaiba kami. Like our hair-I have a long and wavy hair, pero siya ay straight at maikli na hanggang sa balikat niya lang. May nunal siya sa gilid ng left cheekbone niya at sa baba ng right eyebrow niya. Habang ako naman ay may nunal sa right chin ko. Plain lang ang mukha niya, halatang walang kahit na anong make-up, mas maputi at maputla rin siya kaysa sa'kin. Parang hindi siya lumalabas ng bahay. Nakasingkit ang mata niya na parang inoobserve niya rin ang mukha ko. Maya-maya ay nag-ring ang telephone. Nagpanic ako nang kaunti bago ito sagutin. "H-hello?" saad ko. "Hi," saad niya. Her voice is more soft and sweet than mine. Mukha siyang friendly dahil ngayon ay inaapproach na niya ako. "Oh Hello," bati ko sa kanya. "Can I ask, where are you from?" tanong ko. Ilang sandali naman bago siya sumagot. "Ah, pasensya na ah. Hindi kasi ako masyadong maalam sa salitang Ingles. Pero 'wag kang mag-alala, naiintindihan naman kita eh," mahabang paliwanag niya. Malumanay ang pagsasalita niya na parang hindi makabasag ng pinggan. Natawa ako. "Uh, bakit?" sabi niya. Natigil naman ako sa pagtawa. Hala, baka na-offend siya. "Sorry, grabe kasi. We really looked alike. Hindi ko lang naiimagine na gan'yan ako kumilos at magsalita kagaya mo, not until now na parang nakikita ko na mismo ang sarili ko sa'yo," saad ko. She softly giggled. She's kinda cute. I wish I was that cute like her-but I literally looked like her! "So? What now? Hindi ko pa rin naiintindihan. Iisa lang ba tayo?" tanong ko. Umayos naman siya ng tindig. "Ang sabi sa'kin ng matanda na nag-regalo sa'kin nito, pwede mo raw makausap ang ibang bersyon ng sarili mo gamit ang teknolohiyang ito," paliwanag niya. Different version of yourself? What does she mean? "Paanong different version ba?" naguguluhan kong tanong. She just shrugged. "But does that mean, we still have the same name, family…life?" tanong ko naman. Nagkibit-balikat lang siya. "Ano bang pangalan mo?" she softly said. "I'm Iris," pakilala ko. She smiled as I speaked my name. "Claudette," pakilala naman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD