Hi guys I'm Ashter, isang sikat na model here in the Philippines. Nadiscover ako sa isang event na ginaganap sa school namin ng isa sa mga organizer ng isang sikat na teen magazine dito sa pinas at simula noon ay nagdire-diretso na yung pagsikat ko.
Konting overview lang sa itsura ko if your curious. I'm 5'3 in height (that's right, napagkaitan din ako), with fair complexion, kissable lips, small face, korean style hair, and ano pa ba- ah tama mukha daw akong babae. Nung una na-o-offend ako syempre. Hindi ko namam kasi hinanggad maging babae at sobrang saya ko sa pagiging lalaki ko. Pero time goes by at eto na nga ok na sakin kahit pagdamitin nila ko ng pangbabae. Pero I'll never put my gender preference in question, lalaki ako and I will always be.
"Hoy Ashter ikaw na, punta ka na dun.!" sabi ni boss s***h manager ko. Dahil turn ko na para sa photoshoot.
"Sige boss papunta na!" Sigaw ko pabalik kay boss. Bumaling ako kay ate Sash. "Ate malapit na?" Pagtutukoy ko sa make-up ko.
"Oo wait lang."
Nagmadali ng ayusin ni ate ang make-up ko at pati na rin yung damit ko.
"Punta na!" Sigaw uli ni boss and this time mas nagmamadali na sya.
Agad akong tumayo ay nagmadaling pumunta sa platform kung saan nakatutok yung mga camera.
"Hayy salamat dumating ka rin." Sabi ng photographer. Halata sa mukha nito ang medyo pagkaasar. Bilang para sa teen magazine ang ipo-photoshoot namin kaya marami syang kailangang picture-an.
Ini-instruct nya sakin ang kung anong mga dapat gawin. Mahihirap sya pero kaya ko naman.
Sinunod ko yung mga pinagawa nya at mukha namang tama yung ginagawa ko dahil puro perfect at great ang naririnig kong sinasabi ni kuya photographer.
Sunod na pinagawa sakin ay pinahiga ako sa sahig pero pinapalitan na yung suot ko na damit ng black fitted pants na sinamahan ng leather jacket na pinalooban ng black v-neck shirt tsaka pinalagyan din ako ng makapal na eyeliner sa mata. Nagmukha tuloy akong goth or emo look. Sinabog din nila yung buhok ko paikot sa ulo ko tapos pina kagat labi ako para daw lalong maging fierce yung dating.
Marami pang pose na pinagawa sakin at lahat naman ng yun ay nagawa ko ng tama.
Mabilis na natapos ang photoshoot kaya maaga rin kaming makaka-uwi.
"Nay paabot naman nung eyeliner oh. Ilalagay ko na po dito sa pouch." Sabi ko kay nanay Lusing, ang personal assistant ko s***h nanay-nanayan na rin. Siya rin kasi yung naging babysitter ko nung baby hanggang sa ngayon, kaya nakasanayan ko na sya sa tabi ko at itinuring na ngang tunay na nanay.
"Ash eto o-"
Naputol yung sasabihin ni nanay ng pumasok yung isa sa mga staff ni boss.
"Sir Ashter, Mr.Mendez want to inform you that the managent chose your photo to be the cover of the upcoming teen magazine." Sabi nito.
Natuwa ako sa magandang balita at nagpasalamat sa staff ni Boss.
Humarap ako kay nanay Lusing at maging siya masaya rin.
"Nay narinig mo yun!!" Sigaw ko sabay yakap kay nanay.
Sana marami na naman uling bumili ng teen magazine. Para marami na namang income. Ahahahaha
"Tara na nay. Uwi na tayo baka nandun na din sila mommy at daddy sa bahay." Pagyayaya ko kay nanay para umuwi na dahil medyo inaantok na din ako.
Pagdating sa bahay wala pa kaming nadatnan na tao dahil malamang nasa trabaho pa sila mommy at mamaya pang gabi ang dating nila.
"Haaaay mukhang tayo na naman nila manong Karding ang maghahapunan ng sabay sabay mamaya nay." Lagi naman eh. Masyado kasing busy sila mommy at daddy sa trabaho, pero naiintindihan ko naman dahil para sa akin rin naman yung ginagawa nila.
Kaya nga pinipilit kong falingan dito s pagmomodelling ko at gumawa ng sariling pangalan ko para naman hindi na sila mahirapan sa trabaho nila at mas magka-time na sila para sakin.
Nang matapos magluto si nanay ng ulam ay naisipan na na naming kumain kasabay si manong at pagkatapos kumain ay nag half bath na ako para makatulog na dahil masyado nakong hapong-hapo. Ewan ko nga ba at kung bakit posing lang naman yung mga pinaggagagawa ko dun sa studio pero kung mapagod ako eh ka OA.
Nang makaligo ay pumunta nako sa malambot kong kama na may print ni Happy at Carla ng anime na Fairytail at niyakap ang unan kong may print naman ng insignia ng Fairytail parin. Adik kasi ako sa anime and to be specific ay sa Fairytail. Idol ko kasi si Erza Scarlet dahil sa pagiging witty nya at pagka-siga hahaha XD.
Dahil sa naalala ko na naman ang Fairytail ay umiral na naman ang pagiging otaku(adik sa anime) ko ay naisipan kong i-imagine na ako si Erza habang kinakalaban nya yung 100 na monster doon sa Pandemonium at yun na nga ang nakatulugan ko.
Naalimpungatan na lang ako dahil naramdaman ko na sobrang lumamig ang temperature sa loob ng kwarto at medyo giniginaw na rin ako kaya naman kinapa ko ng paa ko yung kumot sa may bandang paa ko pero wala akong nakapa. Siguro nalaglag to dahil sa kalikutan ko.
Naisipan kong tignan ang kumot ko sa ibaba ng kama dahil talagang di na ma-carry ng system ko yung lamig. Sakto nga at nandoon to pero ng kukunin ko na ito ay napansin ko na bukas yung bintana sa kwarto ko.
"Ay kaya naman pala malamig eh." Bulong ko sa sarili ko at dali-daling nilapitan yung bintana para isara.
Nang papabalik na ako sa higaan ay nagulat ako dahil merong taong naka-upo sa higaan ko.
"Ay palakang bampira!! Ho-hoy sino ka? Bakit ka nandito sa kwarto ko tsaka pano ka nakapasok? Siguro magnanakaw ka noh..NAY-"
Tatawagin ko na sana si nanay para magsumbong pero napakabilis na nakarating ng taong yun sa kinalalagyan ko at tinakpan nya ng kamay nya yung bibig ko.
"Hmnmmp-mp!!" pagproprotesta ko pero puro ungol lang ang lumalabas dahil sa mabangong kamay nato. Eh mabaho pala. Ashter bad sya kaya wag mong sabihan ng good things.
Kinagat ko yung kamay ni- kung sino man to- at ng matanggal ang pagkakahawak nya sakin ay saka ako tumakbo papuntang pinto pero hindi pa man ako nakaka limang hakbang ay merong parang hanging humagip sa akin at napapikit na lang ako.
Pagmulat ko ng mata ko ay nakahiga na ako sa higaan ko at nakapatong sakin tong gwapong bampira na ito. Shet hanladi ko. Nanganganib na nga yung buhay ko eh.
"Hey what are you doing? NANA-!" Tatawagin ko na sana uli si nanay pero naputol na naman yung sasabihin ko ng dahil sa malambot na labi ng estrangherong ito na nakadikit sa labi ko.
Nashock ako at hindi agad nakagalaw sa kinatatayuan ko.
Bakit parang pamilyar tong halik nato?
Bakit parang nangyari nato noon?
Pinilit kong hagilapin ang alaala ng malambot nyang labi sa utak ko pero malalabong imahe lang ang nakikita ko.
Nawala ako sa pag-iisip ng bigla nyang kagatin ang ibabang labi ko. Napanga-nga ako dahil sa pagkagulat. Ginamit nya yung daan para maipasok ang dila nya sa loob ng bibig ko. Hinagilap ng mapaghanap nyang dila ang dila ko at nakipagsayaw dito.
Unti-unti akong nadala sa galing nyang humalik at hindi ko na namalayan na lumalaban na pala ko sa halik nya. Nakapagtataka ngang nagawa kong pantayan ang istilo nya ng paghalik samantalang sa pagkaka-alam ko ay ngayon pa lamamg ako nakahalik ng ibang tao and most of all ay lalaki pa.
Natapos ang halik ng hindi ko namamalayan at parehas kaming humihingal at naghahabol ng hininga.
Hindi ko magawang magsalita dahil sa gulat at hiya. Biruin mo yun nakipaghalikan ako sa taong ngayon ko lang nakilala at sa lalaki pa.
Kinabig nya ang baba ko at pinatitig sa mata nya. Nakita ko kung papaano nagbago ang kulay nito mula sa itim papuntang pula, nagliliwanag na pula.
Habang tumititig ako sa mga mata nya ay parang inaantok ako at gumagaan ang pakiramdam ko. Nahihirapan akong panatilihin ang ulirat ko.
"A-an-o tong gi-nagawa mo? Bakit bi-gla na lang akong nanglala--?" Hindi ko na nagawang taposin ang sasabihin ko. Parang may kung anong kakaiba sa ginagawa nya at hinihigop nito ang lakas ko. Unti-unting nagdilim ang paningin ko hanggang sa...
Paggising ko ay parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Para kong bagong panganak dahil sa siglang nararamdaman ko. Punong puno ako ng enerhiya na hindi ko alam kung saan nanggagaling.
Good mood. Ito yung itinatawag ko sa sarili ko kapag gumigising ako ng ganito. Pero matagal na nung huling nangyari to.
Ano kayang ginawa ko nangyari kahapon at ang sigla sigla ko ngayon?
Inuna kong alalahanin yung mga nangyari kagabi pero hanggang doon lang sa panonood ko ng fairy tail ang naaalala ko. Sunod ay yung sa may photo shoot, tapos--- ah oo nga, yung picture ko nga pala yung iko-cover photo ng teen mag. Dahil siguro doon tong good vibes na nararamdaman ko.
Pero bakit parang may nakalimutan ako?
Meron pa talagang nangyari kagabi eh. Ahhh nakaka-frustrate ha. Alam nyo yung feeling na may nakalimutan ka tapos yung nakalimutan mo eh nasa dulo na ng dila tapos konting sundot na lang eh nandon na. Yan yung nararamdaman ko ngayon.
Nasa bingit nako pagka-alala sa kung ano mang nakalimutan ko kagabi ng bigla na lang nag-ring yung phone ko.
*yooour my sweety pie honey bunch pumpkin pumpkin yey*
"Hello boss? Oo boss gising na, nakasagot nga diba. Oo gagayak na. Saan nga uli yo'n... Ahh sige sige..Oo na oo na lalo lang akong nagtatagal sayo boss eh..geh bye." Si boss yo'n at chine-check nya kung gising na ba ko, pero obvious namam diba kasi nakasagot ako sa tawag. Meron kasi kaming photoahoot ngayon sa para sa mga beach wear, at ihe-held ang photoshoot sa isang resort somewhere in Batangas.
---
A/N: Guys I've reread my work and napansin ko na napakamessy pala ng mga chapters ko at ang dami ding mga unnecessary scenarios. So I've decided to do some editing and maybe revision to some chapters. Hope you'll like the new chaps.
chan.chan
Vote
Comment
And Be a Fan.