Chapter Three

1969 Words
"Cataleya!" Nakarinig ako ng ilang beses na sigaw pero wala sa sarili ko iyong binalewala, ngunit nang sensyasan ako ni Fe ay aligaga akong lumabas ng kusina, ako nga pala si Cataleya. Napabuntong hininga ako nung makita ang pulang-pulang mukha ni Deon sa sala. Kakauwi lang ng mga bisita at heto siya naiwang lasing mag-isa. Lumapit ako sakaniya at agad siyang inalalayan papaupo ng maayos sa sofa. "May kailangan ka ba? May masakit ba sayo?" agad kong tanong habang hinahawi ang tumabing na buhok sakaniyang noo. "I want to eat!" pasigaw nanaman nitong sabi. "Where's my food?" parang bata itong tumingala saakin habang tinatanong yon. Lasing nga siya, kung normal na araw ito ay ni kausapin o tingnan ako ay hindi niya magagawa. Pero heto siya, kung maka-kapit sa bewang ko ay daig pa ang bata. "Where's my chicken pastel?" giit niya pa habang inaalog-alog ako. Natawa naman ako, bakit hinahanap niya ngayon? samantalang kanina ay mukha siyang walang pakialam sa pagkaing niluto ko. "Wala na naubos na pero may ibang pagkain sa kusina, sandali at ipaghahanda kita." Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya sa bewang ko ngunit bigla niya akong inihiga sa sofa at pilit na hinalikan. "D-Deon ano ba!" pilit kong tulak sakaniya. Pero mas lalo lang nitong ibinaon ang mukha niya sa pagitan ng leeg ko, maya-maya lamang ay naririnig ko na ang malalim nitong paghinga. "Mukhang nakatulog na Ma'am" Ani ni Fe nang lumapit saamin sa sala at tulungan akong maitulak ang katawan ni Eugene papahinga sa sofa. "Salamat Fe," tumango lamang siya at sinabing kukuha lamang siya ng pwede kong ipamunas kay Deon. Nang makaalis si Fe ay siya naman ang upo ko sa gilid upang tahimik na pinagmasdan ang mukha niyang sobra amo habang tulog. "Kahit noon pa suplado at hindi ka na talaga palangiti..." napapangiti kong bulong habang inaalala ang panahong panakaw ko siya' kung tingnan sa campus. "Pero alam ko namang mabait ka... alam kong mabuti kang tao kaya ayos lang na manatili ka nalang galit saakin. Mas mabuti nga yun para hindi na mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko sayo. Para hindi ako mahirapang iwan ka, " may pait ang bawat salita ko habang iniisip ang napakaraming bagay. Hindi ko kagustuhang lokohin siya, wala akong balak na mas lalo pang patagalin ang panlilinlang sakaniya nguni kailangan... dahil kung hindi ko ito gagawin, mawawala saakin si Mama. Kung tutuusin ay maaari naman akong magtrabaho upang may maipang-pagamot pero aabutin ako ng dekada para lamang ipunin ang perang kailangan ni mama sa operasyon, kaya mas pinili ko ang mali at mas mabilis na paraan. "Ma'am..." Napaiktad ako ng bahagya akong tapikin ni Fe sa braso. Pasimple kong pinunasan ang pisngi ko bago pilit na ngumiti at lumingon kay Fe. "Ikaw na muna ang mag-asikaso kay Deon, Fe. Aakyat na ako sa taas" ani ko bago tumayo. "Sige po, " alanganing sagot nito habang nakatingin saakin gamit ang malungkot nitong mga mata. Ngumiti lamang ako at muling sinulyapan si Deon sa sofa bago tuluyang umakyat sa itaas at iwan siya sa ibaba. Pagdating ng silid ay agad akong pumasok sa banyo upang maghanda sa pagtulog. Laking gulat ko nang paglabas ko ay nasa kama na si Deon at nakahiga. "Kamusta Cataleya?" Napatalon ang puso ko sa gulat at mabilis na nilingon ang pinanggalingan ng malalim at baritong boses. Nanlambot ang tuhod ko nang makita kung sino ang taong nakatayo sa pinto ng kwarto. "Dom!" may kalakasang bigkas ko sa pangalan niya. "Hey Danica! long time no see!" Ani nito bago pumasok sa kwarto at yakapin ko. "Oo nga, ngayon nalang ulit tayo nagkita. Kamusta ka na?" tanong ko na pasimpleng umaalis sa pagkakadikit sakaniya. Napansin kong natigilan ito sa ginawa kong pagdistansiya pero mas pinili nitong tumawa at magkibit balikat. "Heto ayos lang! ikaw kamusta? hindi manlang ako updated na kasal ka na pala at kay Deon pa!" Kuyom ang mga kamay ko habang pilit na binibigyan siya ng ngiti. Labis-labis ang kaba ko dahil alam ni Dom na hindi ako si Cataleya, kilala niya ako bilang ako, bilang Danica. Lumikot ang mga mata ko. Bukod sa kaba at kalituhan kung anong dapat gawin ay palaisipan rin saakin kung bakit bigla-bigla nalang siyang pumunta dito sa kwarto gayong wala naman rito si Deon. Nilampasan ko siya at pupunta na sana sa pinto para lumabas nang bigla nitong hawakan ang braso ko. "Wait" pigil niya saakin. Papalingon palang ako nang bigla nalang may malakas na pwersa ang nagpahiwalay saaming dalawa. "Damn it!" sigaw nito. Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan si Deon na galit na galit habang nakatingin kay Dom. "Anong ibig sabihin nito?! Are you guys dating behind my back!? what the fvck!" sigaw ni Deon bago sipain ang bed side table. "Deon nagkakamali ka ng—" napasinghap ako nang marahas itong lumingon saakin. "What? Am I not enough for you, so you seduce one of my friends? I wouldn't let you have s*x with me, so you want my friend to be a substitute to make you happy?" tanong niya kasabay ng nakakainsultong tawa. Kuyom ang kamay ko bago humakbang papalapit sa pinatatayuan niya. Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko matapos maramdam ang matinding kirot sa palad ko matapos siyang sampalin. "Alam kong napilitan ka lang, alam kong hindi mo ako gustong pakasalan, hindi mo ako mahal... pero Deon? mahirap bang irespeto manlang ako bilang asawa mo? mahirap ba para sayo na itrato ako ng tama?" nanginginig ang buong katawan ko sa galit at sakit habang lisik ang mga matang luhaang nakatitig sakaniya. "Respeto? How can I fvcking respect you if you almost threw yourself to me when I was drunk? How can I fvcking respect you if I just caught you having an affair with my friend—" "Dom!" sigaw ko nang bigla nalamang mapaupo si Deon sa sahig dahil sa suntok ni Dom. "Hindi ko alam na ganiyan pala kakitid ang utak mo." matigas at may pang uuyam na sabi ni Dom habang nakatingin kay Deon na hanggang ngayon ay gulat paring nakasalampak sa sahig. Dali-dali akong lumapit kay Dom at hinawakan siya sa braso para hilahin papalabas ng kwarto. "Dom please tama na, umalis ka nalang muna" pilit kong hila sa pagkalaki-laki niyang katawan. "The hell Danic—" "Dom!" nanlalaki ang mata kong sigaw sakaniya. Please... please don't say my name Infront of him! sigaw ko sa isip ko habang mariing nakatitig sa mga mata niya umaasang maiinitindihan niya ako kahit sa tingin lang. "W-what?" bakas ang gulat at kalituhan sa mga mata ni Dom habang titig na titig saakin. "Please... please leave first... I'm okay. We're okay, kaya na namin to." paos kong pakiusap sakaniya. Ilang minuto ang lumipas bago ito bumuntong hininga at pumayag na umalis. Ngunit bago ito lumabas ng kwarto ay muli nitong tinapunan ng tingin si Deon na ngayon ay nakatayo na mula sa pagkakasalmpak sa sahig, hawak nito ang panga habang masaamang nakatingin sa kaibigan. "if you are wondering why am I in your room... here!" may inihagis siya sa pwesto ni Deon. "You told me to bring that here, right? I didn't know your wife was here. I know you know I'm going to see her here, but you didn't say anything earlier downstairs. You're trapping her to make her look like a bad and cheater wife. you're such a jerk." Kumunot ang noo ko at hindi makapaniwalang tinitigan si Deon matapos sabihin ni Dom yon at umalis. Plinano niyang may ibang lalaking pumasok dito sa kwarto? At sinadya niyang pumasok at magpanggap na nahuli kami? "Ganiyan ka ba kadesperadong mapaalis at masiraan ako Deon?" naninikip ang dibdib kong tanong sakaniya. Lumikot ang mga mata niya ngunit igting parin ang panga. Ilang minuto akong naghintay pero wala akong nakuhang pakukumpirma sa bibig niya, pero Ang katahimikan niya ay sapat na para patunayang plinano niya ang lahat. "Napakasama mo..." bulong ko bago tumalikod at tangkaing lumabas ng kwarto. "And where do you think you are going?" tanong niya gamit ang galit at baritong boses. "Sa kabilang kwarto nalang muna ako matutulog," sagot ko pero mabilis niya akong nahila para dalhin sa kama at ibagsak doon. "Sleep here, sleep here with me." ———— Tinakpan ko ang bibig ko para iwasang makagawa ng ingay nang umpisahan niyang halikan ang bawat bahagi ng katawan ko. Sa isang iglap ay mabilis niyang naalis ang bawat piraso ng suot ko. Hindi ko na siya magawang pigilan dahil kahit ang sarili ko ay nanghihina na dahil sa bawat halik at haplos niya. Ganito na siguro ako ka-tanga, ganito na siguro ako kadesperadang masulit ang bawat araw na akin pa siya. Nagmulat ako nang mata at tumitig sa kisame nang magbalik sa ala-ala ko ang sitwasyon ngayon ni Cataleya. Nananakit ang ulo ko sa kakaisip kung saan ba patungo ang lahat ng plano ni Cataleya at ng pamilya niya... sobrang dami kong tanong pero kailangan kong magbulag-bulagan at magbingi-bingihan dahil kung hindi ako agad-agad papayag sa gusto nila ay alam kong hahadlangan nila ang pagpapagamot sa mama ko. Isa pang iniisip ko ngayon ay si Dom. Paano ko ipaliliwanag sakaniya ang lahat? Kilala ni Dom kung sino talaga ako at kailangan ko siyang pakiusapang ilihim to... dahil kung hindi, ay masisira ang lahat ng plano. Pero paano ko ipagtatapat sakaniya? Paano ko siya pakikiusapang lokohin at maglihim sa sarili niyang kaibigan? "Hmp!" impit ko nang maramdaman ko ang pahapyaw niyang pag-kagat ng balat sa hita ko. Kunot ang noo ko siyang tiningan. Napalunok pa ako nang makita ang pwesto niya. Nakatingala ito saakin habang nasa gitna ng mga hita ko ang kaniyang ulo. Naiilang kong hinawakan ang ulo niya, pilit siyang inilalayo. "Focus on me Cataleya..." bulong niya, napapikit ako nang sanggiin niya ng daliri ang p********e ko. "Would you like to know a secret?" he asked hoarsely, tracing the shape of my fem. Napasinghap ako nang magtama ang mga mata namin. Malakas na kumabog ang dibdib ko nang makita ang nanginginang niyang mga mata, tinitigan ako na animoy' mayroon siyang pagmamahal na nadarama para saakin, ngunit marahas at mabilis kong ipinikit ang aking mga mata. Pilit ipinapaalala sa sariling lasing lang si Deon. Lasing lang siya' kaya siya ganito, kaya malambing ang boses niya, kaya kinakausap niya ako ay dahil lasing siya. "I discover one thing about myself..." pagtutuloy niya. "Deon, matutulog na ako" sagot ko at nagpumilit na umalis sa pagkakahawak niya para iwasang marinig kung ano man ang balak niyang sabihin na alam kong walang katotohanan at dala lamang ng kalasingan. Pero mabilis niya rin akong napigilan nang hawakan ng malalaki niyang kamay ang dalawang hita ko. Natigilan ako nang matunog siyang ngumisi bago umangat para magkapantay ang mga mukha namin. Halos hindi na ako makahinga at halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa, na sa isang maling galaw lamang ay maaari nang maglapat ang labi naming dalawa. "I am an obsessive man, who dislikes to share what is mine... even if I don't like or love you, I am still your husband, and I own you, so stop talking and acting friendly to any other man except me; you are all mine." "D-Deon... " nangangatal kong tawag sa pangalan niya. "You're all mine, Cataleya." Malakas na dinamba ng sakit ang dibdib ko matapos marinig ang pangalang itinawag niya saakin, pangalang hindi akin. Napapaisip tuloy ako, darating kaya ang araw na ang tunay kong pangalan naman ang lalabas sa bibig mo? Napapikit ako nang maramdaman ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Itinaas ko ang dalawang braso ko at niyakap siya. Maling umasa ako sa kahit ano, dahil sa huli, kakailangan ko ring lumayo kapag tapos na ang trabaho ko. Kay Cataleya ang pwestong, kaya wala akong karapatang umasa sa mga bagay na sa una pa lang, hindi na saakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD