Soleil’s POV
“HINDI BA at nakasagupa mo na ang mga Montague noon? Wala ka bang napansin sa kanilang kakaiba?” he added.
“Nothing, Dad, except for that man who was covering his face with a baklava,” I said.
“Malamang siya na ‘yon,” Dad responded while playing with his fingers.
“Pero, Don Alessandro, hindi ba at sabi ng intel natin kakauwi n’ya lang galing Grethel? Ilang taon na ang nakalipas simula noong masagupa natin sila. Hindi pa sila noon malakas,” pagsasali ni Lorenzo sa usapan.
“Hindi natin alam, Lorenzo. Hindi ba at sinabi rin naman n’yang he is someone who stayed behind his men? Baka hindi lang siya nakikipaglaban ng harapan, baka isa siya sa mga back-up nila.”
“Akala ko duwag lang ang Mr. Montague na ‘yan, Don Alessandro, magaling lang pala magpadulas,” Lorenzo replied.
“Why? What about him? How did he become a threat to us?” I asked, joining the conversation na nagpatingin kay Dad sa gawi ko.
“He is not a threat to us, Soleil. Sa tingin mo ba may makapapabagsak sa atin?” he said while clenching his teeth.
“Ang ibig sabihin ng Daddy mo, Soleil, kailangan natin ng kayamanan n’ya para mas lalo pang maging malakas. Balita namin ay dekalidad ang mga produkto nila kaya ang iba nating parokyano ay sa kanila na kumukuha imbes na sa atin. Matunog na matunog na rin kasi sa underground ang pangalan n’ya dahil balitang nandito na siya sa Sinclair at naghahanap ng makasososyo,” paglilinaw ni Lorenzo.
“Kailangan pa ba natin ng kasosyo? Like Dad said, we are unbeatable. Hindi naman na siguro natin kailangan pa ng dagdag na lakas, Lorenzo.”
“Soleil, minsan--”
“Bakit ba ang dami mong tanong, Soleil?! Bakit ba hindi mo na lang sundin ang gusto ko! At ng magkasilbi ka naman!”
KINABUKASAN AY namamayani ang katahimikan sa kotse ng magkapatid na Verona habang si Maximus ay minu-minutong tinitignan ang dalawa gamit ang side mirror.
“Ate, are you sick? May problema ka ba? Kanina ka pa walang imik,” pagbabasag ng katahimikan ni Kade.
“Nothing, don’t worry about me, Kade. Maximus, have you heard anything about the task I assigned to you?” mabilis na sagot ni Soleil bago nito isuot muli ang reading glass.
“Heiress, tulad ng inaasahan mo ay mahirap matuntun kung sino ba talaga ang Mr. Montague na ‘yan, mukhang mahihirapan at matatagalan tayong maibigay kay Don Alessandro ang nais n’ya.”
“Maximus, are you doubting my capabilities?” tamad na sambitni Soleil sa kan’yang kanang kamay.
“That is not what I mean, heiress. Pero nabilataan kong may transaksiyon ang mga Montague mamayang alas syete ng gabi sa abandonadong warehouse malapit sa university ninyo.”
“Then we’ll go, baka kasama siya. Kailangan natin siyang matuntun sa lalong madaling panahon,” sagot naman ni Soleil.
“Sino si Mr. Montague, my ate? Siya ba ang boss ng Montague Clan? Ngayon ko na lang ulit narinig ang apelyidong ‘yan,” pagsasali ni Kade sa usapan.
“Tch. Sino naman kasi ang mag-aakala na may tinatago pa lang kayamanan ang Mr. Montague na ‘yan,” asik ni Maximus.
“And then? Anong problema roon?” tanong pabalik ni Kade.
“He is getting involved in our business, Kade. Dad wants him to be our partner,” patapos na paliwanag ni Soleil sa kapatid.
“Partner? Kailangan pa ba n’ya ‘yon?” Muling nilamon ng katahimikan ang kanilang kotse.
“He needs to do it sooner, young master, kung gusto n’yang manatiling nasa tuktuk at kontrolado ng Verona ang underground dito sa tin,” sagot ni Maximus na hindi na muling nasundan pa dahil agad na naagaw ng atensiyon nila ng mga lalaking sumisigaw na nagmistulang traffic enforcer para linisin ang mga taong naglalakad sa kalsadang daraanan nila Soleil.
“And with that being said, I win, my ate,” Kade said with a wide smile on his face habang tinitignan ang mga nangyayari sa labas.
“TABI! PAGSINABING TUMABI! TUMABI NA KASI! TABI NA! DARAAN ANG KOTSE NILA MA’AM SOLEIL!” Ang sigawan na nangingibabaw sa napakaingay na paligid matapos dumating ng sinasakyang kotse nila Soleil.
“Ibaba mo na lang kami rito, Maximus. Just get all the things we will be needing ready, pupunta tayo sa transaksiyon nila mamaya. Then, give me enough time to change hanggang alas syete pa ang klase ko,” utos ni Soleil.
“Sama ako, ate!” pahabol ni Kade.
“Not now, Kade,” mabilis na sagot ni Soleil bago n’ya buksan ang pintuan ng kotse at salubungin ng iba’t ibang ingay.
Soleil’s POV
I WAS welcomed by a noisy environment. Kitang-kita ko kung paano magkalat ang mga lalaking naka-shades at nakasuot ng pare-parehong asul na damit; it looks like our driver’s uniform. Habang pinapaalis nila ang mga estudyanteng naglalakad papasok ng university.
“What the heck!”
“Hoy! Alis na d’yan! Sa tabi na lang kayo dumaan, daraan si Ma’am Soleil!” I heard the guy shout from about a meter away.
“What the hell is going on?” I exclaimed, but it was met with Kade’s giggle.
“Sus! Kunwari pa si my Ate. Ate, isn’t it obvious? The guy from yesterday is back to make your day joyous!” Kade started teasing.
“Joyous your face,” I replied at nagsimula ng maglakad pero nakasunod lang sa likuran naming dalawa ang mga lalaking ‘to. It annoys me big time. I have been making so much effort to keep my men unnoticeable, and here comes this moron doing all this crap.
“Kade, you can go ahead,” I ordered my brother, who still seemed quite pleased with what he was seeing.
“Sure, Ate. Don’t forget my shopping all I want. See you later!” he said and quickly ran away from me.
“Hoy! Tabi!” a man shouted at a young student who was frightened by him.
“Excuse me,” I called out to him.
“Ang kulit! Sabing tumabi, may daraan,” I heard him say again when he saw me stop near him and a student walked past in front of me.
“I am talking to you,” I repeated.
“Ay! Yes, Ma’am Soleil? Ano pong kailangan ninyo?” he asked.
“What is this? I mean, why are you doing all this crap? Hindi n’yo ba napapansin na hindi na ako natutuwa?” I snapped.
“Chikababes! Ang aga-aga mo naman magsungit.” Here comes the moron.
“And do you think I will be happy with all this nonsense of yours?” asik ko naman sa kan’ya.
“Oh, kalma! Ayaw mo ba n’yan? Sa ‘yong sa ‘yo ‘yong daanan,” pilyo n’yang sagot.
“You know what? Kayang-kaya gawin ng mga bodyguard ko ‘to kung gustuhin ko man pero hindi ko ginawa kasi I don’t want attention, but here you are, sending your jologs guards. Next time, uso naman sigurong pagsuotin ng desente ‘yang mga guard mo hindi ‘yong nagmumukha silang mga driver!” But to my surprise, he laughed at me.
“Ayon na yata ang pinakamahabang litanyang narinig ko sa ‘yo, chikababes. Bakit hindi mo na lang sabihing miss na miss mo na ang kagwapuhan ko?” aniya.
“Argh! Whatever! Enough with your nonsense, I am so done here,” I said, agitatedly, and as I was about to leave, mabilis n’ya akong hinarangan.
“Akin na ‘yang libro at bag mo, ako ng magdadala. Ihahatid na rin kita,” he spoke with sincerity in his voice.
I was taken a back for a few seconds.
“Chikababes, minsan lang ako mag-opper akin na ‘yang bag at libro mo at ako na ang magdadala. Ayaw ko namang napapagod ka,” he repeated.
“Hindi pa ako baldado, kaya ko ang sarili ko,” I said, managing to utter something.
“Ang KG mo naman! Minsan ka na nga lang makakita ng gwapong sweet pa! Ayaw mo pa,” he said with all his kanto plus boastful voice.
“What’s KG?”
“Ha? Hindi mo ‘yon alam? Killjoy ba, chikababes.” Oh, f**k. Does he mean KJ?
“Pfft! It’s KJ, moron. Wala ka bang trabaho or even class? Bakit nandito ka at walang ibang ginagawa kundi ang inisin ako?” I confronted.
“Asus, chikababes! Kunwari ka pa, ha!” he said at sinundut-sundut pa ang tagiliran ko kaya umatras ako palayo sa kan’ya.
“What are you saying?”
“Ayan na ba ang paraan mo para malaman kung may gerlfriend ako?”
“And why do you think I would be curious about that? Ang akin lang naman bakit ka ba nandito? Sino ka ba talaga at kung hindi mo kailangan ng dagdag na bayad dun sa damage ng kapatid ko why are you even doing all this?” I asked.
“Ay! Oo nga pala! Hindi pa pala ako kilala ng chikababes ko,” he said as he began fixing his shirt. He was just wearing a simple white t-shirt paired with black slacks and loafers, and I must say he looked decent. Hindi siya mukhang laking kanto if hindi siya magsasalita.
“Excuse me, no one owns me,” I corrected, but he didn’t seem to care about what I said. Instead, he extended his right hand toward me while the other remained in his pocket.
“Chikababes, ako nga pala si Caliber Monta--”
“f**k!” Agad kung putol sa kan’ya ng marinig ko ang sounds sa intercom ng university.
“Late na ako!” I hurriedly said at mabilis na tumakbo.
“Chikababes, kita-kits mamaya! Caliber Montague nga pala!” pahabol n’yang sigaw.
Napako ako saglit sa kinatatayuan ko.
“Caliber Montague, ang lalaking mapapangasawa mo.”
He’s a Montague?