Chapter Six | Lost Sister

954 Words
Almira Isabella Matapos naming maligo ay bumalik na kami sa palasyo dumiretso kami sa kwarto namin kasama ang mga girls yung mga boys naman mukhang magkakaibigan na kasama yung mga kaibigan nina Alira. Kasulukayan kaming nasa kwarto namin ni Venus ngayon, oo kwarto namin gusto kasi namin na magkatabi nalang dahil nakakapanibago at the same time nakakatakot. Anyway back to the topic kasalukuyan kaming nasa kwarto ngayon kaysa naman kinabukasan kaming nasa kwarto charot ayun nanga nasa kwarto kami ngayon nang magsalita si Miyu, wow pers time. "Magkatunog ang inyong ngayon ni Almira, Alira" aniya kaya napalingon naman ako dito nang marinig ko ang pangalan ko "Syang tunay" ani naman ni Aquasia "Maging ako ay nagtataka sapagka't tila kayo din ay magkamukha" sabi ni Aviana habang pinagmamasdan ang kabuuan ng aking mukha kaya naman nakaramdam ako ng ilang at hiya. "maniwala man kayo o sa hindi maging ako ay nagtataka" sagot naman ni Alira. "Maari bakong magtanong, sino ang nagngalan sayo ng Almira?" Tanong saakin ni Alira. "A-ang mom— ina ang nagngalan sakin nito" sagot ko tumango naman ito "Alam mo bang kapangalan mo ang aking nawawalang kapatid" aniya kaya napatingin naman ako sakanya. "Talaga?" Tanong ko tumango naman ito. "Kaya pala pamilyar ang iyong ngalan" komento ni Aviana "Kung inyong mararapatin, sino ang inyong mga magulang?" Tanong ni Aquasia. "Venessa Pearl, Yan ang pangalan ng mama ko" kumunot naman ang noo nila "ibig-kong sabihin ay ng aking Ina" sabi ni Venus. "Jaiden Cyrus, naman ang pangalan ng aking Ama" dagdag ni Venus tumango naman sila "Ikaw Almira, ano ang pangalan ng iyong magulang?" Tanong ni Alira "Eunice Isabelle, yan ang pangalan ng aking ina" sabi ko "Bryan Isaac, naman ang pangalan ng aking Ama" dagdag ko tumango naman sila. "Kay gaganda ng ngalan ng inyong mga magulang" Komento ni Miyu "S-salamat" ani ko ngumiti naman ito at tumango "Kamusta na kaya ang lagay ng aking nawawalang kapatid, sigurado akong malapit na nitong matuklasan ang kanyang kapangyarihan" wala sa sariling usal ni Alira napatingin naman kami sakanya. "B-bakit ba nawala ang iyong kapatid" tanong ko tinignan naman ako nito na para bang nang-aalinlangan sagutin ang tanong ko. "O-okay lang naman ku— Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita ito. "Dahil sa kapatid ng aming Ina" aniya kaya tinignan namin ito. "A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Venus "Maari bang hintayin nyoko, hihiramin ko lamang ang tungkod ng katotohan" aniya chaka tumayo't naglaho. "grabe hindi ko alam na mala encantadia ang buhay nyo dito" ani Venus na ikinakunot ng noo ng tatlong kasama namin. "A-ah hehe" awkward na tawa ni Venus "Ang Encantadia ay isang palabas sa aming mundo, kung saan may mga brilyante o kapangyarihan kung tawagin, ngunit nagkagulo nang ang inang brilyante ay nahati sa lima ngunit apat lamang ang inakala ng lahat dahil tumalsik ang isa — hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil bumalik na si Alira may hawak syang patpat bato? umupo sya sa tabi ko at itinaas ang kanyang hawak "Ostende mihi quid re vera acciderit et evenerit inter matrem meam et amitam" Alien words na sabi ni Alira Translation : Ipakita saamin ang tunay na naganap sa pagitan ng aking ina at tiya. Napatingin naman ako sa hawak nito nang bigla itong magliwanag at boom parang may Tv sa pader. THIRD PERSON POV (ANG TUNAY NA NAGANAP SA PAGITAN NI ASHIERA AT LEANA) "Kilalanin ninyo ang inyong bagong Reyna, Reyna Ashiera" sigaw ng isang babae. seryoso lang kaming nakatutok dito. "Mabuhay Reyna Ashiera" sigaw ng Isang bodyguard "Mabuhay" sigaw ng lahat "Sit impleas officium tuum— hindi nanatuloy ng babae ang sasabihin nya "Hindi ito maari" sigaw ng isang babae. "Isang malaking kadayaan ang naganap" dagdag nyang sigaw. "A-ano ang iyong ibig-sabihin Leana?" Tanong ng babae. "Bakit ina, hindi ba't ako dapat ang magiging reyna sapagka't ako ay iyong panganay" sabi nya sa i-ina nila? "Ngunit hindi bumabatay ang konseho kung ikaw ay ang pinakamatanda Leana, Puso ang ginagamit hindi bagsik" dagdag nya. "Ngunit ina, ako ang karapat 'dapat upang maging Reyna" aniya. "A-ana— "Hindi ina, ito ay isang malaking pangdaraya" sigaw nya. "Hinahamon kita Ashiera" sabi nya sa tono ng panghahamon "Huminahon ka muna Leana" sabi ng isang babae. "Kung ako ay iyong matatalo tatanggapin ko ang iyong pagkapanalo bilang Reyna, ngunit sa oras na ika"y aking matalo ako ang magiging Reyna" sabi nung Leana "Hindi ko Tinatangap ang iyong hamon Leana" sagot nung Ashiera. "At bakit hindi" sagot nya at tinutok ang espada sa leeg ni Ashiera? "Pangalawang beses na ito sa araw na ito Leana na pinagtangkaan mo ang aking Buhay" matigas na ani Ashiera "Dahil inagaw mo lahat ng aking nais" sumbat ni Leana "Wala akong inaagaw sayo Leana" sagot naman ni Ashiera "Kung ganon ibigay mo saakin ang pagiging Reyna" sagot nya "Leana, tama na" sabat ng tinatawag nilang ina. "At bakit ina?, Hindi ba totoo naman na di Ashiera ang iyong paboritong anak" ani Leana "Hindi totoo yan, pantay pantay ang pagmamahal ko sainyong magkakapatid anak" ani ng ina nila. "Kailan man ay hindi naging pantay ang iyong pag-mamahal saamin ina" aniya. "Leana tama na" Sigaw ng isang babae. "Tandaan nyo, simula ngayon ay wala na kayong kapatid na nangngangalang Leana" aniya chaka umalis. "Leana" sigaw ng ina nila niyakap naman ito ng Dalawang babae. nawala na yung ilaw sa pader. "kinuha ng aking tante ang aking kapatid upang idala sa mundo ng mga mortal na syang ganti nito sa aking ina" ani Alira mababahid mo ang lungkot sa boses nito. "nasyang dahilan upang mawala ang susunod na tagapag-mana" komento ni Aquasia. "Tagapag-mana?, Hindi ba dapat ang panganay ang magiging tagapag-mana" ani Venus. "Gaya ng sinabi ng aking Avia hindi batayan ang edad upang maging Reyna" ani Alira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD