CHAPTER 2

833 Words
Bago ako sumakay sa kotse ko ay nakita ko si Max kasama ang mga kaibigan nya. Umalis din bigla ang mga kaibigan nya, pumunta sa kani kanilang car at sya na lang naiwan mag isa. Baka stress na ang mukha ko! Oh my gosh anong gagawin ko? papunta syaaaa dito. Oo papunta sya sa pwesto ko kakausapin ko ba sya? OMG pakiramdam ko kay nanigas na ako sa kinatatayuan ko. ANG GWAPO > Nagulat ako ng lagpasan nya lang ako at pumunta sa tabi ng car ko. What? so meaning sa kanya tong katabi ng kotse ko? pero di ako papayag na hindi nya ako pansinin! " Max" tawag ko nung pasakay na sya sa kotse. Huminto ito at humarap sakin. Sh*t pakiramdam ko ay hihimatayin ako. Ang gwapo nya lalo na sa malapitan he is so fvcking hot. " Tss" sabi nito sabay pasok sa kotse nya umalis. W-what? ano daw? Naiwan akong nakatulala dito at nakatanga sa hangin. Saka ko lang na realize ang ginawa kong ka tangahan. Dali dali akong pumasok sa loob ng kotse ko " Arrg! ang tanga mo Liannah, sino ba may sabing tawagin mo sya at tumunganga lang sa harap nya?" tanong ko sa sarili ko " Arghh! Ginawa ko ba talaga yun? mukha ba kong tanga? ang gwapo nya kasi hindi ko mapigilang hindi sya titigan" sabi ko rin sa sarili ko " pero hindi naman siguro big deal yun sa kanya? tinawag ko lang naman sya eh tsk. Ahhh! nvm! " sigaw ko sa loob ng kotse Kung may nakakarinig man sakin siguro ay iniisip nun na nababaliw nako pero parang mababaliw na talaga ko Huhu antanga ko nakakahiya arrghhhh! Bago pako tuluyang mabaliw ay umalis na rin ako sa university na yon...Pag ka uwi ko ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko at nagpa gulong gulong sa kama. " NAKAKAINIS, NAKAKAHIYA PERO SHEEEET ANG GWAPO NI MAX!!!" tili ko sa loob ng kwarto at nagpatalon talon sa kama at nagpa gulong gulong sa kilig! Diko na namalayan na nasa dulo na ako ng kama--- *boooogggggsshhhhh* " a..aw, a-aray ko" na iiyak na sabi ko habang hawak ang balakang ko Nalaglag ako. Ang sakit di na ata ako makakatayo ang tanga ko talaga HUHU " V-vyenn? anong ginagawa mo dyan?" natatarantang sabi ni mommy " M-mom ang sakit" sabi ko. Pakiramdam ko ay na pwersa ng husto ang balakang ko nakakaiyak HUHU " Ven!! " tawag ni mom kay dad. Sh*t ano ba tong pinasok ko puro ata ako ka malasan ngayon. Maiiyak ka na lang talaga. " What? Anong nangyari?" tanong ni Dad at binuhat ako papunta sa kama, di talaga ko makatayo huhu Hindi ko alam ang idadahilan ko, dahil na pakatanga ko naman talaga aish !! " I-I'm just playing t-tas nalaglag ako" sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanila. Kung malalaman man nila ang totoo ay tiyak na pag tatawanan nila ko huhu kasi naman eh... " You are so careless Vyenn, tumayo ka at dadalin kita sa Hospital " sabi ni Dad na ikinagulat ako " H-hospital? Wala lang to Dad kaya ko pa naman haha" OA Dad? " Vyenn anak para masiguro namin na walang pilay dahil aalis na kami. Mamaya na pala ang flight namin 9pm hindi na bukas dahil baka ma ubusan kami ng ticket" sabi ni Mom " Mom, Dad kaya ko po. Nakakatayo pa ko oh" sabi ko pero di pa ko nakakatayo ay biglang nanlambot ang tuhod ko dahil sumakit ang balakang ko. " Arayyyy, ang sakit" reklamo ko at humiga ulit. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak sa katangahan ko HAHAHA HUHU. Binuhat ako ni Dad, sinakay nya ako sa kotse nya at ganon din sya habang si Mom naman ay natatarantang sumunod samin at may tinawagan habang paalis na kami sa bahay. Kung titignan mo ito ay parang ka close nya ang tinatawagan nya dahil wala atang sumagot pero tinatawagan nya ito ng paulit ulit. Hmm sino kaya yun? argh pati ba naman ito makikitsismis pa ko hays " Hello Bff?... Ay ikaw pala yan... Paki sabi sa Mom mo tumawag ako" sabi ni mom pero di ko naririnig ang nasa kabilang linya. Hays bahala na nga hindi ko alam na may bff si mom? alam ko lang ay marami syang kilala na mayayaman dahil sa business pero syempre hindi lahat yun totoo dahil pag dating sa business ay pataasan ang mga yan. At isa pa wala naman nabanggit-- " Sige salamat Max" Mabilis pa sa alas kwatro ako napatingin kay Mom. Pagtingin ko dito ay binaba nya na ang kanyang telepono. Taka akong tumingin dito. A-ano daw? Tama ba ang narinig ko? K.. Kausap ni Mommy ang future son nya? char S.. si Max? bakit? I..I mean paano? Magkakilala ba sila ni Mommy? Close kaya sila? or baka ibang Max ang kausap nya? Hahaha oo baka nga iba hehe. " Bat ganyan ka makatingin?" takang tanong ni Mom " M-max?" wala sa sariling sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD