Muntik nang mapatalon si Norain ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Katabi niya ngayon sa pagtulog ang dalawang kambal. Hiling niya, sanay makauwi na si Mateo. Nababahala siya lalo na't nakatakas pala si Ara sa mental hospital. At ang mas malala pa ay hindi pa rin natunton ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng lalaking boyfriend daw ni Ara na siyang dumukot sa kaibigan niyang si Emily. Nag-aalala siya ng labis kay Emily. Maingat na tumayo si Norain mula sa malambot na kama at tinungo ang glass table kung saan naroon ang kanyang cellphone. Nagpakawala muna siya ng marahas na hininga bago sinagot ang tawag ng asawa. "Love, I missed you, how are you, our children how are they?" narinig niyang tanong ni Mateo sa kabilang linya. "We're fine, love. Ikaw, kumusta ka na diyan?" hindi nai

