“Pinadalhan ka na naman noh?” tumango ako.
“Pero di na flowers” kumunot ang noo niya.
“Pagkain na yung dala niya” sabi ko.
“Ay baka nagsawa nang magpadala sayo ng bulalak” singit na sabi ni Patricia.
“Mabuti na rin yun kaysa naman sa bulaklak muntik na rin kasi nakita nung landlady na tinutuluyan kong boarding house na maraming bulaklak sa room namin” sabi ko.
“At least napapakinabangan di ba?” tumango ako.
“Pero sa tingin niyo ba magpapakita siya sayo or makikita natin kung paano niya ibigay yung food doon sa janitor para ibigay sayo?” Mahabang tanong niya.
“Ewan ko” sagot ko.
“Hmm… sakto sa oras yung bigay ng secret admirer mo sayo dahil wala tayong ulam mamaya kaya ito na lang ang magiging ulam natin” kinuha niya sa akin ang baunan at binuksan niya ang baunan at tiningnan nito.
“Uy! Adobong manok na may nilagang itlog” napatingin kami ni Pat dahil alam na naman niya kung ano paborito kong luto sa adobo.
“Tapos medyo tuyo siya at konti ang sabaw pero ngayon ko lang nakita na may ganitong luto pala akala ko puro may sabaw lang yung adobo” saad ni Megan.
“Pero ang tanong sino naman kaya ang nakakaalam tungkol sa paboritong ulam ni Abi?” nagkatiningan kami pero bumuntong kami ng hininga.
“Di naman natin mahuhuli yun dahil baka naging alerto siya at sa isang lugar na bakante para ibibigay yung pagkain”
“Pero sana naman walang gayuma” sabi ni Pat.
“Sus! Kung may gayuma iyon edi pati ako ay nagayuma na rin” sabi naman ni Megan.
“Guys, next week na daw yung presentation natin sa CHN” announced ng aming president. Lahat kami ay present dapat sa araw na yun at kasama ako sa magpepresent dahil leader daw ako pero kasama ko rin si Meanne, ang girlfriend ni Dave. Maayos na rin ang puso ko at di na nasasaktan dahil gumugulo sa isipan ko yung nagpapadala sa akin ng mga pagkain. Halos mapuno na yung cabinet ko na puro baunan. Pinamimigay ko na nga lang yung baunan dahil mawawalan ng space ang cabinet na pinaglalagay ng gamit ko.
“Tss! Review na naman” hustle kong sagot.
“Wala tayong magagawa nakasalalay yung grades natin doon. Galingan mo na lang bes” pagcheer ni Megan sa akin.
“Sana nga di ako magkaroon ng mental block” hiling ko.
“Carry yan”
***
“Busy ka ah” nilapag ni Xiara ang meryenda na hinanda niya. Pinapunta niya ako rito dahil wala siyang kasama dahil wala si Jarred ngayon at nasa Macau ito at may inattend lang na convention. Gusto nga isama si Xiara pero siya ang umayaw dahil may pasok siya at maiinip lamang siya doon.
“Ilang araw siya nandoon?” tanong ko.
“3 days lang siya at uuwi na rin dito dahil may meeting pa siya sa Davao 4 days siya nandun kaya one week kang nandito sa condo” saad niya.
“Tuwang-tuwa ka naman na nandito ako” tumango ito.
“Dahil makakapagpahinga rin ako sa panglalandi ni Jarred sa akin” sabi niya. Napangiwi na lang ako.
“Bumigay ka naman sa panglalandi ni Jarred” namula ang mukha niya at umiwas sa sinabi ko.
“Masharap kasi” napailing na lang ako sa pananalita niya.
“Anyway, I have a good news to you” itinigil ko ang pagsusulat ko.
“Ano naman yun?” tanong ko.
“Did you know na nakakaharap si Mayor Limuel sa salang Corruption and rape?” nanlaki ang mata ko.
“Paano mo nalaman?” tanong ko.
“Kay Tito Kyron alam mo naman yun di titigil yun hangga't di nakakahanap siya ng butas para makastigo yung Mayor ng San Jose Del Monte. May friend si Tito na nagtatrabaho sa agency” sabi niya.
“Talaga?” tumango siya.
“Pero dati siyang nagtatrabaho doon di na nga lang siya active dahil focus niya ay sa company niya” kwento nito.
“Kaya wag ka nang magulat na mabilis sila makahanap ng impormasyon” dugtong na sinabi niya.
“Yun lang ba ang alam mo?” tumango siya.
“Magkukwento na nga sana siya pero yung fiancé kong hilaw inagaw niya yung phone ko tapos—” di ko na siya pinatapos sa pagsasalita.
“Oo na wag mo nang banggitin may kalandian talagang taglay yung fiancé mo” tumawa siya.
“Sa akin lang naman siya ganun pero sa iba ang sungit-sungit niya” reklamo niya.
“Kaya pala may time na sinungitan niya ako” napalingon ito bigla sa akin.
“Sinungitan ka niya?” pero nagpaliwanag naman ako.
“Noon yun di na ngayon” paliwanag ko.
“May tanong lang ako”
“Ano yun?”
“Nung may dala kang pagkain at sabi mo bigay ng janitor iyon natanong mo ba kung sino nagbibigay ng pagkain sa akin?” bigla itong nabulunan.
“Wait, eto tubig” uminom ito at nakahinga ng maluwag.
“Ah… eh… h-hindi kasi kusa na lang binigay ni kuya janitor yung pagkain para sayo” sagot niya.
“Ahh okay” binalik ko ang paningin ko sa pagsusulat at pagbabasa ng case study namin.
“BAKIT pa kasi tayo nauna?” napakamot na lang si president sa ulo.
“Di ko alam pero nakahanda naman tayo di ba?” tumango sila at ako naman ay parang gusto kong mahimatay dahil mauuna pa kami magpresent. Sa pangkalahatan ay napili namin ay ang isang pamilya mula sa Barangay Rosales. Dapat nga kami ang napipili nila dahil dalawa lang kami nakatira doon pero sinabi ko sa kanila ay pansamantala kaming di nakatira doon dahil sa banta ng buhay ng Tita Maris ko at ayaw nila kaming madamay. Naintindihan naman nila iyon at hiniling ko rin na huwag itong sabihin sa mga prof namin iilan lang naman ang nakakaalam tungkol doon.
“Let's go” nagpwesto na kami sa may pintuan at pinapasok na nila ang mga kaklase namin.
“Inhale, exhale” binuksan na ni president ang pintuan.
“Good morning po” sabay naming bati.
“Good morning din sa inyo” suminenyas sila na ayusin na ang gagamitin na laptop. Napansin ko nga na nagtuturo sina Pat at Megan na ikinanuot ng noo ko. Sinunod ko naman ang kanilang tinuturo at nanlaki ang mata ko nang nakita ko si Sir Xieron na nakaupo st nakatingin sa akin.
‘Jusko, bakit siya pa yung naging panel namin parang gusto ko na lang mahimatay dahil sa kaba’